~
"Tol, mukhang kanina mo pa hinawakan 'yang braso mo ha." Pabirong hirit ko kay Mark habang nakasakay kami sa jeep. "Hindi ko na talaga gigisingin si Nica tol, ang sakit mamalo." Natatawang sabi naman niya sa akin, kaya naman ay natawa narin ako.
Nang makarating na kami sa Melchor Hall ay pumasok na kami sa mga klase namin. "Mr. Fernandez! Napabilib mo ako sa laro niyo kahapon!" Pagbati sa akin ni Prof. Reyes nang matapos na ang klase namin.
"Salamat sir! Hindi nga rin po ako makapaniwala na nagawa ko po 'yun." Sambit ko naman sa kaniya.
"You are doing great sa rookie year mo ngayon, pero huwag na huwag mong kakalimutan ang pag-aaral mo! Tandaan mo, may quiz tayo sa Friday!" Nakangiting sabi naman niya sa akin bago kami maghiwalay ng daan.
"Dalawang oras bakante natin tol, ano'ng gagawin natin ngayon?" Pagtanong naman sa akin ni Mark habang naglalakad lang kami sa sidewalk. Hindi ko na siya nasagot pa nang may nakita akong babaeng kumakaway sa amin.
"Uy! Kumusta na mga tol?" Pagbati sa amin ni Ligaya nang magkasalubong na kami sa sidewalk. "Ligaya! Bakit naman kayo napadpad dito?" Nakangiting tanong naman ni Mark sa kanila.
"Wala kasi kaming magawa sa Maynila, kaya naisipan nalang namin na puntahan namin kayo." Pagsagot naman ni Ligaya kay Mark, habang si Enzo naman ay pinagmamasdan ang paligid.
"Baka nagutom kayo sa biyahe, gusto niyong kumain na muna tayo?" Tanong ko naman sa kanila. "Tara, kain na muna tayo." Sagot naman sa akin ni Enzo, at pumayag naman sa kaniya si Ligaya.
Habang nakasakay na kaming apat sa jeep ay naisipan ko namang i-text si Nica tungkol kanila Enzo at Ligaya.
To: Nica Liit
Gusto mo ba kumain sa Maginhawa? Kasama namin mga tigers.
From: Nica Liit
HA?! TIGERS!? SERYOSO KA BA?!?!

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Roman pour AdolescentsUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.