21

161 5 0
                                    

~

"Tol gising na, malapit na tayo sa arena." Kinalabit ako ni Mark para magising ako. Nang makarating na kami sa arena ay bumaba na kami ng bus at pumasok na kami sa dug-out para pumunta sa locker room namin. 




Alas-kuwatro pa naman ang simula ng laro namin kaya naman ay naisipan namin ni Mark na mamasyal muna sa MoA. "Tol, mukhang may sasalubong sa'tin ah," Bulong ko kay Mark nang mapansin ko na may papalapit sa amin na mga fans ng UP.




"Sir Noel, puwede po ba kami magpapicture?" Kinikilig na tanong sa akin ng dalawang babae na lumapit sa amin. Pumayag naman ako, at nakisama na rin si Mark sa akin. "Parang ang daya naman no'n tol," Pabirong sabi sa akin ni Mark, kaya naman ay natawa nalang ako sa kaniya. 




Nang madaanan namin ang arcade ay pumasok na kami dito para malibang kami. "Pustahan tol, paramihan ng shoot, manalo may treat mamaya." Paghamon sa akin ni Mark, kaya naman ay pumayag nalang ako sa kaniya dahil alam ko naman na mananalo ako.




Sinimulan na namin maglaro, at sa una ay sinubakan pa akong guluhin ni Mark. "Ikaw naman tol, 'di mabiro!" Napakamot sa ulo si Mark nang matalo siya sa akin. 




"Karma tawag diyan tol," Natatawang sabi ko naman sa kaniya bago kami lumabas ng arcade para bumalik na sa arena. Pagkapasok namin ni Mark sa locker room ay napansin kong lahat ng kakampi ko ay nakangiti sa akin. 




"Ano'ng trip niyo tol?" Nagtatakang tanong ko sa kanila bago ako umupo sa puwesto ko. Nagulat nalang ako nang may nakita akong babaeng nakatalikod sa may bandang pintuan.




"Coach, sino po iyon?" Mahinang tanong ko kay Coach habang nakaturo ako sa babae. Napangiti naman siya sa akin, at bigla nalang nagtawanan ang mga kakampi ko. 




"Siya iyung team reporter natin sa UAAP, first year palang siya sa UP." Sagot naman niya sa akin, kaya't mas lalo akong nagtaka. Sa tingin ko may binabalak talaga sila eh, kanina pa sila nagtatawanan. 




Napakamot nalang ako sa buhok ko bago ko lapitan ang babaeng nakatalikod parin. "Excuse me miss, bakit nakatalikod ka parin?" Pagtanong ko sa kaniya habang kinakalabit ko siya. 




"Bakit, hindi ba puwede?" Nagulat nalang ako nang malaman ko na si Nica pala ang kausap ko ngayon! Nagtawanan mga kakampi ko, kaya naman ay pati si Coach ay napahalakhak na rin.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon