24

124 3 0
                                    

~

"Tol! Gising na late na tayo!" Natatawang sigaw ko sa kuwarto ni Mark habang pinagpapapalo ko ang dalawang plastic na bote. 




"Tarantado ka Noel, ang ingay!" Iritang sabi ni Mark sa akin nang mapilitan siyang umupo sa kama niya. "Anong oras na ba tol?" Inaantok na tanong sa akin ni Mark habang tinatawanan ko siya. 




"Huwag kang mag-alala tol, 5:00 AM palang." Sagot ko naman sa kaniya habang pinipigilan ko ang tawa ko. "Ang aga-aga pa tol! Ano ba'ng trip mo?" Natawa nalang si Mark sa nangyari sa kaniya, kaya naman ay tinawanan ko nalang din siya. 




"Babawian kita tol, maghintay ka lang!" Pabirong sabi naman niya sa akin bago ako lumabas ng kuwarto niya para kumain ng breakfast.




Nag-init muna ako ng tubig habang hinahalo ko ang toyo, mantika, at ng flavor ng pancit canton sa plato. Kumain na muna ako ng mag-isa dahil natulog ulit si Mark sa kuwarto niya. 




Nagtira naman ako ng pancit para kay Mark bago ko puntahan ang kuwarto ni Nica. "Nica!" Pasigaw na bati ko sa labas ng pintuan niya habang kumakatok ako. 




Makalipas ang ilang segundo ay mabilis na bumukas ang pintuan niya. "Ano kailangan mo?!" Iritang tanong sa akin ni Nica, kaya naman ay natawa nalang ako sa naging itsura niya. 




"Goodmorning!" Masayang bati ko sa kaniya, pero wala siyang ginawa kung 'di titigan lang ako habang nakataas ang aking mga kamay.




Ayun, sinaraduhan niya nalang ako ng pinto. Natawa nalang ako mag-isa habang pabalik na ako sa kuwarto ko. 




Ang saya ko ngayon dahil naalala ko na kasama nga pala ako sa starting five mamaya laban sa UST! 




"Tol, okay ka lang ba?" Pabirong bati sa akin ni Mark habang kinakain niya ang pancit canto na tinira ko. "Oo naman tol! Okay na okay!" Nakangiting sagot ko naman sa kaniya bago ako umupo sa couch. 




"Ang saya kasi mamaya tol, starting five tayo!" Pasigaw na sabi ko naman sa kaniya, at natawa nalang siya sa ginawa ko. 




"Ah, kaya naman pala. Basta galingan mo mamaya! Para hindi masayang paggising mo sa akin kanina!" Sambit naman sa akin ni Mark bago siya bumalik sa kuwarto niya.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon