1

915 51 24
                                    

~

[REVISING]

"Mama! Aalis na po ako!" Paalam ko sa kaniya habang naglalakad na ako pababa ng hagdan. "Alam mo 'nak, parang kahapon lang nangangarap ka pa lang na makakapasok ka sa UP." Nakangiting bati naman niya sa akin bago kami magyakapan.


"O sige na, mauna ka na at baka ma-late ka pa. Mag-iingat ka palagi!" Pahabol niya pa sa akin na may kasamang halik sa pisngi. "Opo Ma, lagi po ako mag-iingat!" Natatawang sagot ko naman sa kaniya, at bigla naman sumulpot si Dada na nagd-dribble ng bola.


"Depensa Noel, depensa!" Biro naman niya sa akin, sabay yakap ng mahigpit. Halos hindi na nga ako makahinga eh.


"Da! Tama na po! Baka ma-injure niyo pa ako niyan!" Sambit ko sa kaniya, kaya naman ay tinawanan niya muna ako bago ako bitawan. 


"Sige na 'nak, basta palagi mong tatandaan," hirit ni Dada sa akin. "Sa UP mag-aaral, pero ang mga babae ay hindi sagabal." Pa-uso naming biro ni Dada 'yon, kaya naman ay nabatukan pa kami ni Mama.


Masaya akong nag-abang ng tricycle sa may kanto, dito lang sa labas ng bahay namin. Nang makarating naman ako ng V. Mapa ay tuluyan na akong sumakay ng LRT papuntang Quezon Ave. Pagkababa ko ng station ay nag-abang ako ng jeep na may biyaheng UP Diliman.


"Bayad 'ho, estudyante isa." Pagkaabot ko ng bayad sa tsuper ng jeep ay dumungaw muna ako sa bintana nito. Sumasalubong sa akin ang hangin ng Quezon City. Maalat-alat.


"Noel, nandito na tayo. Galingan mo na hayop ka." Sabi ko sa sarili habang naglalakad ako patungo sa Oble. Kahit ilang beses na ako nagbike dito, nagagandahan pa rin talaga ako sa pagkagawa nito. Dito na rin ako sumakay ng UP Ikot papunta sa isawan ni Mang Larry. Masarap daw kasi doon.


Habang nasa biyahe ay pinag-isipan ko ng mabuti kung sasali ba ako ng org. Baka sa UP ACES na lang din para konektado sa civil kahit papaano.


"Manong, ikaw po ba si Larry?" Pabirong bati ko sa nag-iihaw ng isaw at barbecue. "Ano'ng gagawin mo iho kung ako nga?" Biro niya rin sa akin, kaya naman ay natawa na lang kaming dalawa.


"Eh kung ikaw nga, paluto nga po ng dalawang barbecue." Sabi ko naman sa kaniya, at umupo naman ako sa bench habang hinihintay kong maluto ang barbecue. 


Maya-maya lamang ay may babaeng umupo sa kabilang dulo ng bench.


Woah, biglang bumango 'yung paligid.


Napaamoy tuloy ako sa sarili ko ng wala sa oras. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko sa paglingon sa kaniya, ngunit nahihirapan ako. Pasimple kong tinignan ang nag-iihaw ng barbecue sa kaliwa, at tuluyan ko ng nilingon ang ulo ko sa kanan, kung saan ko nasilayan ang babaeng katabi ko.


Sumingkit ang mata ko sa aking nakita. Cute siya, mahaba ang buhok, mabango, at mukhang nasa 5'4 ang height niya. Iyong tipong kapag nakita mo siya, mapapa 'I love women with small faces' ka eh.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon