14

158 8 1
                                    

~

"Noel, tandaan mo bali parin yang paa mo! Palagi kang mag-iingat! Dadalhin na namin mamaya gamit mo doon." Pagpapaalam sa akin ni Mama sa labas ng bahay. 




"Sige po Ma, bye!" Sinimulan ko nang maglakad na may saklay papunta sa kanto, kung saan hinihintay na ako ni Mark. 




"Alam mo tol, hindi ko parin alam kung paano ka agad nakahanap ng kuwarto natin." Pagbati ko sa kaniya bago kami naglakad papuntang sakayan ng tricycle. 




"Tinawagan ko lang naman iyung mga dormitory na may bakanteng kuwarto na malapit sa UP." Nakangiting sabi naman niya sa akin.




"Uy, tol hinay-hinay lang, baka tuluyan ka nang mahulog kay Nica." Inasar pa nga ako ni Mark habang naglalakad na kami paakyat ng LRT station. 




Kung ang oras ng biyahe ko noon ay nasa isang oras lang, ngayon halos dumoble na dahil sa bagal kong maglakad. "Tol ang bilis mo naman maglakad, wait ka lang!" Pagbibiro nanaman ni Mark pagkababa namin ng jeep nang makarating na kami sa campus. 




"Buong araw mo 'ata akong pagtatawanan eh 'no?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya habang kumakain kami ng barbecue sa tambayan namin.




"Hindi naman, siguro hanggang next week lang." Natatawang sagot naman niya, kaya naman ay napakamot nalang ako sa buhok ko. 




Nang matapos na naming kainin ang barbecue namin ay sumakay na ulit kami ng jeep papuntang Melchor Hall. Sakto lang ang pagpasok ko sa klase, kaya umupo na ako sa karaniwang inuupuan ko bago pa magsimula ang klase. 




"Mr. Fernandez, magpagaling ka, papanoorin pa kita sa UAAP next week!" Nakangiting sabi sa akin ni Prof. Reyes nang sabay kaming naglakad sa hallway. 




"Siyempre po, sa totoo nga po gusto ko na maka-attend sa practice namin eh." Natatawang sagot ko naman sa kaniya bago ako nakipagkita kay Mark sa labas ng building. 




"Ano tol, saan tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Mark habang naglalakad kami sa sidewalk. "Sa court muna tayo tol, na-miss ko na pumunta doon eh," Nakangiting sagot ko naman sa kaniya.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon