48

78 3 0
                                    

~

"Diyan lang po boss." Hirit ko sa taxi driver namin nang makapasok na kami sa loob ng village. "Ito na po, salamat!" Inabot na ni Nica ang bayad sa kaniya at tuluyan na kaming bumaba ng taxi.




"Ang laki naman ng bahay niyo Nica." Sambit ko sa kaniya pagkatapos naming pindutin ang doorbell. Maya-maya lang ay narinig na namin ang pagtahol ng aso sa gate.




"Ate!" Sigaw ng kaniyang kapatid bago sila magyakapan ng mahigpit. "Hoy Lena, nabalitaan ko kay Dad na may binugbog ka raw na lalaki?" Natatawang tanong naman ni Nica sa kaniya, habang iyung dachshund naman nila ay kanina pa hindi mapakali.




"Ninakawan niya kasi ako ng pera ate, kaya deserve naman niya 'yon." Nakangiting sagot naman ni Lena sa kaniya, at napunta naman sa akin ang atensiyon niya.




"O ikaw naman, subukan mo lang saktan si ate, baka mabugbog din kita." Pagbabanta naman niya sa akin, at nginitian ko naman siya habang pinapakita ang dalawang shawarma na dala ko.




"Shawarma you want?" Biro ko sa kaniya, at mabilisan naman niya ito kinuha sa akin. "Magpasalamat ka favorite ko ang shawarma." Sambit naman niya sa akin habang pinipigilan niya ang kaniyang tawa.




"Uy! Nandiyan ka pala Barney!" Sinalubong na ni Nica ang aso nila, at nakita ko naman ang mga magulang niya na papunta na sa amin. 




"Veronica! Ang aga niyo naman dumating, hindi pa ako tapos magluto ng lunch natin!" Masayang bati naman ng nanay niya bago sila magyakapan kasama ang aso nila.




"Okay lang Ma, kumain naman na po kami kanina ng breakfast." Sagot naman ni Nica sa kaniya, habang si Tatay Bert naman ay nakisama na rin sa yakap ng mag-ina.




'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon