49

202 3 0
                                    

~

"Tol, mag-iingat kayo palagi." Nakangiting sabi sa akin ni Mark bago kami magyakapan. "Siyempre tol, basta ikaw na ang bahala dito sa kuwarto natin." Sambit ko naman sa kaniya bago kinuha ang bag ko at tsaka naglakad palabas ng pinto. 




"Huwag niyo akong kalimutan, tol! Enjoy!" Biro niya sa akin, kaya naman ay natawa nalang ako sa kaniya bago ako pumunta sa kuwarto ni Nica. 




"Uy, parang ang dami mo namang dadalhin, tatlong araw lang tayo doon ha." Hirit ko sa kaniya nang makita ko ang dalawang bag na nakalagay sa sofa. "Hayaan mo na, kailangan ko kasi lahat 'yan." Nakangiting sabi naman niya sa akin.




Umupo muna ako sa kaniyang sofa habang siya'y nagpapatuyo na ng buhok. Pinagmasdan ko naman ang kaniyang suot, at wala na akong nagawa kung hindi mapangiti sa kaniya.




"Noel, tara na?" Sambit niya sa akin, kaya naman ay tumayo na ako mula sa sofa. "Mhm, tara na, ako na ang magdadala ng isang bag mo." Hirit ko naman sa kaniya, kaya naman ay pumayag na siya sa akin.




Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat nalang ako nang makita ko si Rachel sa aking harapan. "Nica! Mukhang may kailangan sa'yo si Rachel!" Sigaw ko sa kaniya sa loob ng kuwarto.




"Uy, chicks mo na siya?" Biro niya sa akin, kaya naman ay natawa nalang ako sa kaniya. "Oo na, chicks ko na siya." Nakangiting sagot ko naman kay Rachel.




Maya-maya lang ay sumulpot na si Nica na hawak-hawak ang susi sa kaniyang kuwarto. "Hoy, huwag mong wawalain 'yan ha!" Hirit ni Nica nang ibigay na niya ito kay Rachel.




"Maaasahan po, Mrs. Fernandez!" Biro niya ulit kay Nica, kaya naman ay tuluyan na siyang kinurot ni Nica sa pisngi. 




Nang mauna na si Rachel umakyat ng dorm ay binitbit ko na ang kaniyang bag at tuluyan na kaming bumaba sa lobby. "Hon, anong oras na ba?" Hirit sa akin ni Nica habang hinihintay namin ang rental car sa labas.




"Seryoso ka ba?" Nagulat naman ako sa kaniyang tanong, at natawa naman siya sa akin. "Ano ka ba naman hon! Siyempre seryoso ako sa'yo!" Hirit niya ulit sa akin, kaya naman ay napangiti nalang ako sa kaniya.




"Mag-aalas kwatro na hon." Hindi ko na napigilan ang aking ngiti sa kilig, kaya naman ay natawa ulit siya sa akin. Nagising na ang aming kaluluwa nang makita na naming pumarada ang rental car malapit sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon