23

136 4 0
                                    

~

"Noel, gising na, gutom na ako." Tinapik ako ni Nica para magising na ako. Napansin kong madilim pa ang paligid, kaya naman ay napakamot nalang ako sa buhok ko. 




"Hayop ka talaga Nica, ano'ng oras na ba?" Inaantok na tanong ko sa kaniya habang kinakamot ko pa ang mata ko. 




"Magluto ka nalang muna, 4:30  AM na." Nagising ang diwa ko nang hilahin ako ni Nica paalis ng sofa. "Wala man lang goodmorning diyan?" Nakangiting tanong ko kay Nica, hawak-hawak pa niya ang kamay ko. 




"Sige na, goodmorning na! Magluto ka na nga ng kakainin natin!" Naiinis na sagot niya sa akin nang balibagin niya ang kamay ko. Natawa nalang ako sa kaniya bago ako pumunta ng lababo para maghilamos ng mukha.




Pinaglutuan ko na siya ng hotdog, sunny side-up, at tsaka fried rice. Tinimplahan ko na rin siya ng kape, habang tubig lang ang sa akin. 




"Hoy Veronica, kain na tayo!" Pagsigaw ko kay Nica habang hinahanda ko ang mga plato namin. Maya-maya lang ay magkaharap na kaming nakaupo sa kainan. "Noel, may laro kayo mamaya?" Pagtanong sa akin ni Nica bago siya uminom ng kape. 




Umiling naman ako sa kaniya habang nginunguya ko pa ang pagkain ko. "May practice kami mamayang hapon." Sambit ko naman sa kaniya pagkatapos kong uminom ng tubig. 




Pagkatapos naming kumain ay hinugasan na ni Nica ang mga pinagkainan namin, at bumalik na ulit siya sa kuwarto niya para matulog.




"Sana naman nandito si Diana mamaya." Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. Maya-maya lang ay naisipan ko ng bumalik sa kuwarto ko. 




"Nica, babalik na ako sa kuwarto ko ha! Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka!" Pagsigaw ko sa labas ng kuwarto niya bago ako tuluyang bumalik sa kuwarto ko. 




Nakaidlip pa ako sa kama ko bago ako gisingin ni Mark dahil oras na ng pasok namin. Naligo nalang ako ng mabilis at tsaka na ako nagbihis ng damit. Naisipan kong mag long sleeves nalang muna para maiba naman ang suotan ko. 




"Tara na nga tol, nakakaawa ka naman pala!" Natatawang sabi sa akin ni Mark nang maikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin kagabi.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon