~
"Gising na Ma, nagluto na ako ng breakfast niyo." Bati ko sa kaniya habang kinakatok ko ang pintuan ng kuwarto niya. Makakapagpahinga ako ngayong araw dahil Sabado ngayon, kaso nga lang ay hindi ko makikita si Veronica buong weekend.
"Anak, kumusta ka? Wala pa bang UAAP? Excited na kasi kitang panoorin eh!" Masayang bati sa akin ni Dada na kakapasok palang sa dining area.
"Wala pa po eh, siguro mga next week ang opening namin." Hindi ako sigurado kung next week na nga ba talaga, pero feeling ko lang naman.
Kumain na kami ng niluto kong corned beef with sunny side-up at fried rice. Ako narin ang naghugas ng pinagkainan namin para hindi na kailangan ni Da kumilos. Medyo may edad narin kasi siya.
Nagpahinga muna ako ng saglit bago ulit ako kumilos para magluto ng tanghalian namin. "Patay tayo Ma, wala na pala tayong baboy." Sambit ko kay Mama dahil balak ko sanang magluto ng adobo.
"Oh ito pera, bili ka nalang muna sa palengke anak." Inabot sa akin ni Mama ang pera para pambili ng baboy. Sinuot ko na ang karaniwan kong jersey at shorts bago ako pumunta ng palengke.
"Pogi, bili ka na dito uy!" Pambobola ng mga tindera sa akin habang hinahanap ko ang tinderang lagi naming pinagbibilhan ng baboy.
"Oh kamusta na hijo! Balita ko sa UP ka na raw nag-aaral?" Pagbati ng tindera sa akin habang hinahanda na niya ang isang kilong baboy na binili ko. "Opo ate, nakaraos narin po ako." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya bago ko i-abot ang bayad ko sa kaniya.
"Salamat ate, sa susunod po ulit!" Nakangiting paalam ko sa kaniya bago ako naglakad pabalik sa aking bahay.
Hiniwa-hiwa ko na ang baboy na binili ko at pina-init ko na ang kawali. Sunod-sunod ko nang inilagay ang mga sangkap ng adobong baboy sa kawali para lutuin. Hindi ko masyado dinamihan ang sabaw nito dahil ayaw namin ng masayadong maraming sabaw.
Nang matapos ko nang lutuin ito ay inihanda ko na ang mga plato namin at sinandukan ko na sila Ma at Da ng kanin.
Maganda lagi ang kuwentuhan namin sa mesa habang kami ay kumakain. May kaunting natirang adobo kaya puwede ko pa itong initin para mamayang hapunan namin.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.