4

337 41 1
                                    

~

"Ah ano, napadaan lang ako, kasi hindi ko pa masyado napupuntahan lahat ng lugar dito." Sagot niya sa akin. "Mhm, sige balik na ako doon, naglalaro kasi kami eh." Nakangiting sagot ko sa kaniya, at tumango naman siya sa akin. 




Bumalik na ako sa kabilang dulo ng court para ituloy ang laban namin ni Mark. "Hinihintay ka ata niya tol, 'di pa umaalis eh." Kinikilig na banggit ni Mark sa akin nang maka shoot siya. 




"Sus ka, baka may kaibigan naman siyang nag-aaral diyan sa CHK." Mahinang sagot ko sa kaniya, at tinawanan naman niya ako.




Natapos na namin ang laro namin sa score na 21-17, at ako ang nanalo. "Oh ano kaya mo pa ba?" Natatawang tanong ko kay Mark habang naka higa na siya sa court. 




"Sa susunod na ulit tol, hirap mong kalabanin!" Sagot naman niya sa akin, at kaya naman dumiretso na ako ng locker room para magpalit na ng damit. Pagkalabas ko ng locker room ay napansin ko na nandoon parin si Nica na nakaupo sa bleachers.




"Kumusta?" Pagbati ko sa kaniya nang tabihan ko siya. "Ganun parin, may hinihintay lang ako," Walang emosyong sagot niya sa akin, kaya naman ay natahimik narin ako. "Baka gusto mo, kain muna tayo sa isawan?" Tanong ko sa kaniya, at bigla nalang sumulpot si Mark sa tabi ko. 




"Hindi na, hinihintay ko pa iyung kaibigan ko." Supladong sagot naman niya sa akin, kaya naman mas lalo akong nagtaka kung bakit ganun ang timpla niya ngayon. 




"Smile ka nga." Pabirong sambit ko sa kaniya, at narinig kong tumawa ng mahina si Mark. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Mataray na tanong niya sa akin. 




"Sige kung ayaw mo si Mark nalang. Mark, smile ka nga." Pabirong sagot ko sa kaniya, at nagsmile naman si Mark sa akin. Napansin kong napangiti ko si Nica dahil doon, kaya naman ay mas lalo akong sumaya.




'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon