32

91 2 0
                                    

~

"Nakakabadtrip naman, akala ko sila iyung magkakatuluyan eh!" Naiinis na sabi sa akin ni Nica habang naglalakad na kami palabas ng sinehan. 




"Kaya nga eh, hindi marunong 'yung lalake pumili." Natatawang sabi ko naman sa kaniya, at napatawa ko rin naman siya. Maya-maya lang ay nakasakay na ulit kami sa mga bike namin habang nag-uusap sa daan. 




"Ano, nagugutom ka na ba?" Pagtanong ko kay Nica. "Medyo nabusog ako sa hotdog sandwich kanina." Sagot naman niya sa akin habang nakatingin siya sa daan. 




"Noel, magpahinga muna tayo doon." Sambit naman sa akin ni Nica habang tinuturo niya ang mga benches sa Sunken Garden. Itinabi muna namin ang mga bike sa may gilid ng puno, kung saan nakikita namin ito. Nang maupo na kami ay uminom muna kami ng tubig.




"So, paano ka napadpad dito sa UP?" Pagtanong ko kay Nica habang nagpapahinga kami. "Sa totoo lang, hindi talaga ako dito mag-aaral, kasi balak ko talagang samahan si Julia sa La Salle." Sagot naman niya sa akin habang nakatingin sa malayo. 




"Kaya dito ako nag-aaral ngayon kasi dream school 'to ni Daddy. Nakuwento pa nga niya sa akin na hindi siya nakapasa sa UPCAT noon, kaya sinubukan niyang mag-apply sa athletic scholarship nila." Kuwento naman sa akin ni Nica. 




"Nakapasok siya bilang varsity player?" Tanong ko naman sa kaniya. "Hindi, dahil hindi siya napansin ng coach that time." Malungkot na sabi niya sa akin. 




"Eh ikaw, bakit hindi mo pinilit na sa La Salle ka mag-aaral?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kaniya. "Mukhang maganda rin naman kasi dito, at tsaka mabilis daw matanggap sa trabaho ang mga Mass Comm students ng UP." Nakangiting sagot naman niya sa akin.




"Oo nga naman, at tsaka hindi mo ako makikilala kapag sa La Salle ka nag-aaral." Pabirong sabi ko naman sa kaniya bago niya ako tarayan. 




Maya-maya lang ay tumayo na sa aking harapan si Nica. "Tara na, may alam akong kainan sa Maginhawa Street." Pagyaya naman niya sa akin. 




"Kain ulit? Ang takaw mo naman pala tol." Natatawang sabi ko sa kaniya bago niya hawakan ang kamay ko. Sumakay na ulit kami sa mga bike namin at pumedal na kami hanggang sa makatawid na kami sa Maginhawa Street. 




"Pizza!" Masayang sambit sa akin ni Nica nang i-park na namin ang mga bike sa harapan ng pizza place na sinabi sa akin ni Nica. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon