30

78 3 0
                                    

~

"Guys, pinayagan na ako ni mudrabells na magpagabi dito. Susunduin nalang daw ako ng driver namin mamaya." Sambit sa amin ni Ligaya nang matapos ang kaniyang tawag sa kaniyang nanay. 




"Saan na tayo next?" Pagtatanong naman sa amin ni Mark habang naglalakad kami sa loob ng mall. "Malayo ba dito 'yung arcade?" Pagtanong naman sa amin ni Nica, kaya naman ay nagtanong nalang din kami sa mga guard kung nasaan nga ba 'yung arcade dito. 




Habang naglalakad kami ay bigla nanaman akong kinalabit ni Nica. "Parang nagugutom pa 'ata ako." Sambit niya sa akin, at nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. 




"Hindi pa ba sapat na agawin mo sa akin 'yung huling wings?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya, at binelatan naman niya ako.




Pagkapasok namin sa arcade ay halos lahat ng tao sa loob ay pinagtinginan kami, at napangiti naman ako dahil doon. 




Nang mabayaran na ni Ligaya ang apat na card namin ay humirit naman sa amin 'yung staff para magpapicture. "Congrats sa game niyo kanina idol!" Pagbati naman niya sa amin, kaya naman ay pinasalamatan namin siya. 




Maya-maya lang ay dumami na ang mga nagpapapicture sa amin, kaya naman sila Nica at Ligaya ay natatabunan na dahil sa dami ng tao. 




"Sikat na kayo sa ganiyang lagay?" Pabirong tanong naman sa amin ni Ligaya, habang si Nica naman ay binelatan nanaman ako. "Sus, gusto mo lang magpapicture sa akin eh." Sambit naman ni Lorenzo sa kaniya, at natawa naman kami ni Mark dahil doon. 




"Noel, palagay nga muna sa bulsa mo 'yung phone ko, hindi na kasi kasya sa akin eh." Pagbulong naman sa akin ni Nica, kaya naman ay kinuha ko na ang phone niya at ipinasok ko na ito sa aking bulsa.




Ang una naming pinuntahang machine ay ang basketball ring, at naisipan naman naming tatlo na magpustahan. "Kung sino'ng matalo, tatawagan 'yung crush niya." Sambit sa amin ni Mark, at natawa naman ako dahil masyadong madali para sa akin 'yung parusa. 




Sinimulan na naming maglaro, at medyo bumagal ang pag-usad ng score ko nang mapagod ang kamay ko. "Natalo narin kita tol, sa wakas!"Natatawang sabi sa akin ni Mark, habang si Enzo naman ay kalmadong tumatawa. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon