10

205 28 2
                                    

~

"Sreen! Dali, screen!" Sambit ko sa kanila dahil plano kong makapasok sa loob. Lamang na agad kami laban sa Ateneo kahit first quarter palang. Ang score ay 20-16, at ang plano namin ngayon ay palakihin pa ang agwat ng score namin. 




Possession namin ngayon at balak kong maka-shoot sa three point area. Nag-execute ako ng ilang dribble moves para malagpasan ko ang bumabantay sa akin. Pagtira ko ng bola ay itinaas ng referee ang kamay niya na may tatlong daliri na nakataas. 




"Nice!" Sigaw ko naman sa court nang mapasok ko ang three point shot ko. Ginanahan kami lalo maglaro dahil sa play na iyon. Napansin ko rin na nakangiti si Nica nang ma-shoot ko iyon.




Pagkatapos ng play ko na iyon ay bumawi naman ang team captain nila na tumira rin ng three point shot. Natapos ang first quarter ng game namin sa score na 26-21. Kayang-kaya pa nilang habulin ang score namin kaya naman ay dapat naming bantayan ang kalamangan namin sa kanila.




"Ang lupet mo parin tol, na lamangan pa natin sila!" Sambit ni Mark sa akin habang nagpapahinga kami para sa second quarter. 




"Kaya naman talaga kasi natin, kailangan lang natin mag-isip sa kung anong gagawin natin sa offense. Kailangan din natin ng matibay na depensa laban sa playing style nila." Nakangiting sabi ko kay Mark bago kami bumalik sa court para simulan na ang second quarter.




Ateneo ang unang may hawak ng bola ngayong second quarter, at kaya naman kailangan na namin higpitan ang defense namin. Napansin kong pinapatabi ng captain ball ang mga kakampi niya, kaya naman humanda na ako sa isolation niya laban sa akin.




"Foul! Counted! White, number 16." Sambit ng referee sa amin, at nagtaka naman ako kung bakit may kasamang foul. 




"Ref, nasaan ang foul doon?" Pagtatanong ko sa kaniya, pero pinigalan ako ni Mark dahil baka mabigyan pa ako ng warning. Itinaas ko nalang ang kamay ko para ipaalam sa kanila na tanggap ko na ang tawag ng referee.




"Sorry dude, maybe you should stop defending me too much." Nagulat nalang ako ng kausapin ako ni Gonzales matapos niyang mapasok ang free throw niya. Mukhang yumabang na siya dahil lang sa play na 'yon. 




Naisipan kong bawian siya, kaya gumawa ako ng ilang dribble moves at binilisan ko ang pagpenetrate ko sa loob at sabay lay-up ng bola sa ring. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon