31

87 3 0
                                    

~

"Nica!" Pagsisigaw ko sa labas ng kuwarto niya habang kumakatok ako sa pintuan. "Ang aga-aga tapos ikaw agad bubungad sa'kin? Ano'ng gusto mo?" Iritang sabi niya habang kinakamot niya ang kaniyang likuran. 




Halatang kakagising niya lang, kaya naman ay nginitian ko muna siya. "May tatanungin sana ako sa'yo." Sambit ko naman sa kaniya, at napansin kong nakapikit na siya habang nakatayo sa harapan ko. 




Hinalikan ko siya sa kanang pisngi niya para magising man lang ang kaniyang diwa. "Libre ka ba ngayong araw?" Pagtanong ko naman sa kaniya habang nakahawak siya sa kaniyang pisngi. 




"Oo, wala akong gagawin ngayon." Nahihiyang sagot naman niya sa akin. "Sakto! Tara, magdate tayo." Nakangiting sabi ko naman sa kaniya, at nanlaki naman ang kaniyang mga mata. 




"Date?! As in, date na date?!" Natatarantang tanong niya sa akin, kaya naman ay natawa nalang ako sa kaniya.




"Oo nga, date! Pero kung ayaw mo," nagulat nalang ako nang takpan niya ang aking bibig. "Oo na, gusto ko nga! Basta tayo lang ang makakaalam nito!" Sambit naman niya sa akin habang nakatakip parin ang aking bibig. 




Tumango naman ako sa kaniya dahil hindi nga ako makapagsalita. Maya-maya lang ay inalis na niya ang kamay niya sa aking bibig. "Kahit sila Aya at Rachel hindi mo sasabihan?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya. 




"Hindi, alam kasi nila na hindi kita type." Dahan-dahang sagot naman niya sa akin. "Ah, so ang ibig sabihin mo pala type mo-" Natigil nalang ang aking sasabihin nang paluin niya ako sa braso. 




"Noooo! Basta, ano'ng oras ba 'yung date natin?" Nahihiyang tanong naman niya sa akin. "Ngayon na! Kaya magbihis ka na doon ng damit!" Natatawang sagot ko naman sa kaniya, at kaya naman pumasok na agad siya sa kuwarto niya. 




Bumalik muna ako sa kuwarto ko para magbihis na rin.




"Tara tol, sama ka sa amin nila Chester, basketball lang tayo." Pagbati naman sa akin ni Mark. "Sorry tol, may date kasi kami ni Nica ngayon eh." Nakangiting sabi ko naman sa kaniya, at nagulat naman siya dahil doon. 




"Weh?! Sige goodluck tol! Kaya mo 'yan!" Natatawang sabi naman niya sa akin bago ako pumasok sa kuwarto ko. Nagbihis na ako ng light pink shirt at pati narin ng maong shorts. Sneakers naman ang sapatos ko at nagsuot narin ako ng body bag. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon