36

68 2 0
                                    

~

"Bukas, ang makakalaban natin ay Ateneo. Kailangan maging present ang confidence niyo sa laro bukas. Tatandaan niyo, nakalusot lang tayo sa practice game natin laban sa kanila, pero kung wala si Fernandez, malamang natalo na nila tayo." Sambit sa amin ni coach habang nakikinig kaming lahat sa kaniya. 





"Ikaw naman Fernandez, i-kalma mo ang sarili mo bukas. Isipin mo nalang na ngayon mo lang sila makakalaban." Pabirong sabi naman sa akin ni coach, at natawa naman ang mga kakampi ko dahil doon. 




Mahaba-haba pa ang naging meeting namin para sa laro namin bukas bago na kami pauwiin ni Coach Ronnie. "Alam mo tol, sa tingin ko approved ka na sa mga magulang ni Nica eh." Sambit sa akin ni Mark habang nagpapalit kami ng damit sa locker room. 




"So, si Nica nalang ang kulang tol?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya. "Problema mo na 'yun tol, ikaw nalang ang bahala dumiskarte." Pabirong sagot naman niya sa akin, kaya naman ay napakamot nalang ako sa buhok ko.




"Hello po! Ako po si Mark, kaibigan po nila Noel at Nica." Nakangiting pagpapakilala ni Mark sa Dad ni Nica, at nginitian niya rin naman si Mark. "Noel, i-papasyal ko muna si Dad dito sa campus." Pagpaalam naman sa akin ni Nica. 




"Samahan na namin kayo, tutal wala rin naman kaming gagawin ni Mark sa dorm eh." Hirit ko naman sa kaniya, at pumayag naman sila sa sinabi ko. 




Habang naglalakad kami ni Mark sa likuran nilang dalawa ay napansin ko na parang may gustong sabihin sa akin si Mark. 




"Tol, bakit parang mas maganda pa ang katawan ni Tatay kesa sa atin?" Pagtanong naman niya sa akin nang pabulong, at natawa naman ako sa kaniyang sinabi. 




"Hoy, ano raw 'yung binubulong niyo diyan sa likod, tanong ni Daddy!" Natatawang tanong naman sa amin ni Nica, habang si Tatay naman ay siningkitan kami ng mata. 




"Ah, kasi po si Mark, manghang mangha po sa itsura ng katawan niyo po." Nakangiting sagot ko naman sa kanila, habang si Mark naman ay nagflex ng muscle niya sa braso.




"Sus, 'yun lang ba? Alam niyo ba na naging varsity din ako sa NU noon?" Nakangiting tanong naman niya sa akin, habang si Nica naman ay tinatarayan kami. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon