45

106 3 0
                                    

~

"Huwag kang mag-alala, kakayanin ko 'to." Nakangiting sabi ko sa kaniya bago ko hinalikan ang kaniyang kamay.




"Siguraduhin mo lang ha! Baka mamaya, umiyak ka nanaman dahil natalo kayo." Biro naman niya sa akin, at natawa naman ako sa kaniya. Bumitiw na ako sa kaniya bago ako bumalik sa court.




Sinimulan na namin ang third quarter, at unang possession palang ay todo bigay na si Chester sa pagdala ng bola. 




"Tol! Pasa mo na!" Sigaw ko sa kaniya dahil walang bumabantay sa akin, ngunit hindi niya ito pinasa, at nang itira na niya ang bola ay nabutata siya ng kalaban.




"Tol, ayos ka lang ba?" Problemadong tanong ko sa kaniya habang tumitira pa ng free throw ang kalaban. "Pasensya na tol, ang dami kasing pumapasok sa isipan ko ngayon." Sagot naman ni Chester sa'kin.




Napabuntong hininga nalang ako sa kaniyang sinabi, kaya naman ay inakbayan ko muna siya. 




"Cap, huwag kang matakot, kasama mo kami o! Handa kaming lahat para tulungan ka, dahil magkakampi tayo." Sambit ko sa kaniya, at tinapik ko naman ang dibdib niya para lumakas pa ang kaniyang loob.




"Salamat talaga tol, at hindi niyo ako pinapabayaan na mag-isa. Sige na, bumalik ka na doon at be prepared." Nakangiting sabi naman niya sa akin, kaya naman ay sumunod na ako sa kaniya.




Sinimulan na ni Chester magset ng play, at maya-maya lang ay ipinasa na niya sa akin ang bola sa loob, at tuluyan ko ng napasok ang lay-up ko. 




"Mahusay! Depensa na ulit tayo, dali!" Sigaw sa amin ni Chester, kaya naman ay bumaba na kami sa court ng kalaban.




"U-nibersidad, ng Pilipinas! U-nibersidad, ng Pilipinas!"




Ramdam ko ang bawat suporta ng fans namin, kaya naman ay tuluyan na naming nalamangan ang Ateneo sa score na 48-50!




"Noel! Bilisan mo!" Malakas na sigaw sa akin ni Nica nang maagaw ko ang bola sa kalaban. Ibinigay ko man ang lahat ay kinapos pa rin ako dahil tumunog na ang buzzer bago ko pa mapasok ang lay-up ko.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon