42

82 2 0
                                    

~

"Uy, Nica naman eh. Kayo nalang sumakay tol." Pagpumilit ko sa kanila habang nakapila na kami sa entrance ng Anchors Away. 




"Ano ka ba Noel, nabalian ka na nga ng paa't lahat, takot ka pa rin sumakay dito?" Natatawang sabi naman ni Nica sa akin habang hinahawakan niya ang kamay ko.




Ayun, wala na akong nagawa dahil hinila ako ni Nica hanggang sa makasakay na kami sa ride na kinakatakutan ko. 




"Grabe tol ang lupet!" Pagsigaw naman ni Mark sa ride, habang pinipilit ko ang sarili na tulugan nalang ito. "Julia! Nakakalula!" Natatawang hirit naman ni Nica habang nakayakap siya kay Julia.




Maya-maya lang ay natapos na rin ang pagdudusa ko sa lecheng Anchors Away na 'yan.




"That was fun! Pero sayang Noel, hindi mo na-enjoy 'yung ride." Hirit naman ni Julia habang pinapalibutan nila ako sa basurahan habang sumusuka. "Tol, puwede ko ba 'to i-post sa IG?" Natatawang tanong naman sa akin ni Mark.




"Subukan mo lang talaga tol, baka ibuhos ko 'to sa'yo." Natatawang sagot ko naman sa kaniya habang inaabutan pa rin ako ni Nica ng wet wipes. "Ano, okay ka na ba?" Pagtanong sa akin ni Nica habang pinipigilan niya ang tawa niya.




"Oo, okay na ako. Sana hindi na 'to maulit." Sagot ko naman sa kaniya, at natawa naman silang lahat sa akin.




"Saan niyo gusto sumakay sunod?" Pagtanong sa amin ni Mark habang naglalakad kami. "Sa carousell nalang muna tayo, I miss those kind of rides." Sagot naman ni Julia, kaya naman ay doon na kami pumunta.




"Noel, saan ba 'yung pinakamalapit na restroom?" Problemadong tanong sa akin ni Nica habang nakapila kami. "Patay, doon 'yun malapit sa Anchors Away." Sagot ko naman sa kaniya habang kinakamot ko ang buhok ko.




"Guys, kailangan lang ni Nica magrestroom, samahan ko lang muna." Sambit ko sa kanila sa pila. "Sure, we'll wait for you two nalang muna." Sabi naman sa akin ni Julia, kaya naman ay sinimulan na namin ni Nica maglakad.




"Hoy Noel! Teka lang!" Natatawang sabi sa akin ni Nica habang tumatakbo kami papunta sa restroom. "Kaya mo 'yan Veronica! Malapit na tayo!" Nakangiting sabi ko naman sa kaniya habang nakahawak pa rin ako sa kaniyang kamay.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon