~
Sumingkit ang aking mga mata habang tinitignan ko siya, at nagulat naman siya dahil doon. "Mhm, ano iyung gusto mong sabihin sa akin?" Tanong ko sa kaniya nang ibinulsa ko ang aking phone.
"Ano kase," Nahihiyang sagot naman niya sa akin, kaya mas lalo ako nagtaka sa sasabihin niya. "Bakit?" Matawa-tawang tanong ko nanaman sa kaniya habang nakatitig ako sa kanyang mga mata.
"Kapag sinabi ko 'to, 'wag kang matatawa ah!" Binalaan pa niya ako at pumayag naman ako sa sinabi niya sa akin. "Go, sabihin mo na Nica. Hindi ako matatawa." Seryosong sambit ko sa kaniya, ngunit natawa naman siya.
"Oh tignan mo 'to, ikaw itong tumatawa eh!" Pagbibiro ko sa kaniya, at nakatikim pa ako ng palo ng isang babae. "Ikaw kasi eh! Umayos ka na, ito na, sasabihin ko na!" Pinipigilan niya ang tawa niya habang binibigkas niya ang mga salitang ito.
"Okay, sige, ito na. Ano ang iyong sasabihin?" Pormal na tanong ko sa kaniya. "Noel, kalimutan mo nalang iyung nangyari kanina," Sinabi niya ito ng mabilisan, ngunit parang may sasabihin pa siya, kaya tinanguan ko muna siya.
"Iyung yakap ko sayo, kalimutan mo na iyon." Nahihiyang sambit niya sa akin, at bigla nalang ako nataka kung anong nakakahiya sa kaniyang sinabi.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya, at nanlaki naman ang kaniyang mata. "Hoy! Huwag kang ngumiti!" Tinuro pa niya ako habang pinagsasabihan niya ako.
"Bakit naman bawal? Masaya lang naman ako eh!" Natatawang sabi ko sa kaniya, ngunit bigla na naman tumahimik ang paligid namin.
"Tara na kain na tayo, nilalangaw na iyung pagkain," Masayang sabi ko sa kaniya, at tumawa rin naman siya. Habang kumakain kami ay pinag-isipan ko ng mabuti kung bakit niya sinabi iyon sa akin.
"Bakit ko naman kakalimutan?" Tanong ko sa kaniya habang pinupunusan ko ang bibig ko gamit ng panyo. "Huh, alin?" Pagtataka naman niya bago siya uminom ng tubig.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
أدب المراهقينUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.