~
"Anak, huwag kang masyado magpakapagod mamaya, dahil baka kung ano nanaman ang mangyari sa'yo." Pag-aalala sa akin ni Mama sa labas ng bahay namin, kaya naman ay napangiti ako sa kaniya.
"Ma, ako na pong bahala sa practice game mamaya. Mag-iingat po ako." Nakangiting sambit ko naman sa kaniya bago niya akong yakapin.
"Sige na anak, bye na! Mag-ingat ka ha!" Pagpaalam ni Mama sa akin nang matapos ang yakapan namin. "Opo Ma mag-iingat po ako. Bye!" Pagpaalam ko naman sa kaniya bago ako naglakad paalis.
Nagmessage si coach kahapon sa group chat naming mga players sa messenger. Mayroon kaming practice game ngayon laban sa Ateneo Blue Eagles. Bangko palang naman ako kaya malabo na sigurong makalaro ako mamaya.
"Kinakabahan ka ba tol?" Tanong sa akin ni mark habang nakasakay kami sa jeep papuntang campus. "Sakto lang, pero baka kabahan ako mamaya." Simpleng sagot ko naman sa kaniya.
Sabay na kaming pumasok ni Mark sa mga klase namin. Hindi talaga mawala sa isipan ko ang magiging practice game namin mamaya. Napansin ko nalang na nagdidiscuss na pala si Prof. Gomez, kaya naman ay nagfocus na muna ako sa discussion.
"Magaling ka, Mister Fernandez! Sa lahat ng tanong na itinatanong ko sa iyo, lahat ay nasasagot mo ng tama! Ipagpatuloy mo lang iyan, Mister Fernandez!" Pagpuri sa akin ng Prof. ko sa may hallway ng building. "Salamat po, sir! Pangako po na mas lalo ko pa pong pagbubutihin ang pag-aaral ko." Sambit ko naman sa kaniya habang ako'y nakangiti.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Kailangan ko nalang intindihin ngayon ay ang practice game namin mamaya laban sa Ateneo.
"Ano tol, handa ka na ba para mamaya?" Bati sa akin ni Mark habang naka-akbay siya sa akin. "Ewan ko tol, kanina pa nga ako umuubo eh." Sagot ko naman sa kaniya. Napatango si Mark sa akin dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko. Alam niyang kinakabahan ako kapag inuubo na ako.
Balak namin yayain si Nica manood kaya naman ay sumakay na kami ng jeep papuntang Plaridel Hall. Sa tingin ko mas mawawala ang kaba ko kapag manonood siya. "Veronica! May sasabihin sana ako sa'yo." Nakangiting sambit ko sa kaniya, ngunit nagulat nalang ako nang pinalo niya ako sa braso.
"Suwerte ka matangkad ka, sasabunutan pa naman sana kita." Pabirong sabi naman niya sa akin, habang si Mark naman ay natatawa na kahit hindi naman niya alam ang nangyari.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.