~
"Okay na 'yan Noel, tara na alis na tayo." Sabi ko sa sarili ko nang mag-iwan ako ng note sa ilalim ng plato nila Mama at Dada para makita nila iyon pagkakain na sila. Kinuha ko na ang body bag ko at pumunta na ako sa kanto kung saan lagi kaming nagkikita ni Mark.
"Ano tol, tara na?" Tanong sa akin ni Mark nang magkita na kami sa kanto. "Tara na, nagugutom narin ako eh." Sagot ko naman sa kaniya kaya naman ay sinimulan na namin maglakad.
Nang makarating na kami sa terminal ay sumakay na kami sa tricycle na papuntang sakayan ng LRT. Nang makasakay na kami sa LRT ay itetext ko na sana si Nica, kaso naalala ko nga pala na hindi ko pa nahihingi ang cellphone number niya. Kahit nanghihinayang ako, nag data nalang ako para kausapin siya sa Instagram.
noelski : otw na, LRT na kami. Btw, puwede ko mahingi no. mo?
mione : para saan pa?
noelski : siyempre kapag walang internet at may kailangan akong sabihin, itetext nalang kita.
mione : sige na nga, ito i-save mo.
Sinave ko ang number na isinend niya at napansin kong kanina pa nakatingin si Mark sa phone ko habang nag-uusap kami ni Nica. Kinikilig siya kahit wala namang nakakakilig sa usapan namin ni Nica sa isa't-isa.
"Inggit ka tol?" Pabirong tanong ko sa kaniya, at nagkunwaring na-offend siya sa sinabi ko. "Ito naman 'di mabiro, dali lagyan mo na ng name number niya." Sagot naman niya sa akin habang nakatingin parin sa phone ko.
Nag-isip ako ng matagal kung ano nga ba ang ilalagay kong name sa number niya. Naisipan ko na 'Nica' nalang ang ilagay ko para simple lang tignan.
"Ano bayan, 'yan lang? Bakit hindi nalang 'Love' ang ilagay mo?" Inasar nanaman ako ni Mark, kaya naman ay napasapo ako sa noo ko "Wait ka lang, sa susunod na iyon." Pabirong sagot ko naman sa kaniya, at natawa nalang siya sa sinabi ko.
Nang makarating na kami sa bababaan namin na station ay bumaba na kami ng LRT at naglakad na kami papuntang McDo. Natanaw ko na si Nica na nakaupo na sa labas, kaya naman ay napangiti nalang ako bigla.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Roman pour AdolescentsUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.