19

112 5 0
                                    

~

"N-Noel? Hinalikan mo 'ko?" Mahinang tanong ni Nica sa akin, hawak-hawak pa niya ang kaniyang pisngi. Napangiti nalang ako sa kaniya dahil gulat na gulat siya sa ginawa ko, samantalang sina Mark at Diana naman ay nagtitilian na sa likuran ko. 




"Hoy Noel at Mark halina kayo! Malapit na magsimula!" Sigaw sa amin ni Chester sa dug-out. "Tara na tol!" Natatawang sambit naman ni Mark sa akin bago siya tumakbo papunta kay Chester. 




Naiwan naman kami ni Nica na magkaharap pa rin, habang si Diana naman ay nauna na rin sa dug-out.




"Sige na, mamaya nalang ulit." Nakangiting paalam ko sa kaniya, bago ko ulit siya halikan sa kabilang pisngi niya. Humabol na ako kanila Mark na nakapila na, at nginitian naman niya ako agad. 




"Okay ka na tol? Happy ka na?" Pabirong sabi ko naman sa kaniya bago kami magtawanan. "Eh ikaw tol, masaya ka ba?" Seryosong tanong naman niya sa akin. 




"Siyempre naman tol, masayang-masaya na ako." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya, at dahan-dahan naman niya akong nginitian, hanggang sa magtawanan na kami sa tuwa.




Habang hinihintay naming magsimula ang event ay napangiti na naman ako dahil sa ginawa ko kay Nica kanina. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na umamin na ako sa kaniya. 




"Ayan na 'ata tol," Sambit ko kay Mark nang narinig ko na ang mga taong naghiyawan sa dance number ng Ateneo Blue Eagles. Nagsimula na ang event nang unang tawagin ang mga athletes ng UE. 




"Ito na talaga tol." Nakangiting sabi ni Mark sa akin habang pinapanood namin ang mga UE athletes na lumabas sa dug-out. 




Sunod namang tinawag ay ang mga athletes ng DLSU. Marami-rami ang naghiyawan sa kanila habang palabas na sila ng dug-out. Sumunod naman ang mga athletes ng ADU. Pagkatapos naman nila ay naglakad na palabas ang mga athletes ng  ADMU. 




Sumunod naman sa kanila ang mga athletes ng FEU. Nauna naman saamin lumabas ang mga players ng NU. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon