17

132 5 0
                                    

~

"Tol, nakakamiss maging high school student, 'yung tipong madadali lang iyung mga topics ng subject natin noon." Pabirong bati sa akin ni Mark nang magkita na kami sa labas ng building namin. 




"Ako naman tol, okay na ako sa ngayon, dahil nakilala ko si Nica." Nakangiting sabi ko naman sa kaniya, kaya naman ay kinilig nalang siya bigla. 




"Ikaw tol, 'wag mo 'kong iniinggit! Dahil may ganap kami ni Julia mamaya." Masayang saambit naman niya sa akin nang makasakay na kami ng jeep pabalik sa dorm.




"Si Julia? Makakasama mo siya mamaya?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Oo nga tol. Tsaka nga pala, baka gusto mo sumama?" Pagtanong naman niya sa akin, at hindi ako sigurado kung seryoso ba siya o nagloloko lang. 




"Sigurado ka? Baka mamaya maging third wheel lang ako." Pabirong sagot ko naman sa kaniya. "Edi isama mo na rin si Nica, parang double date lang, 'di ba?" Nakangiting sabi naman niya sa akin. 




Nang makarating na kami sa dorm ay umakyat na kami sa fifth floor at kumatok na ako sa kuwarto ni Nica. "Wala pa 'ata siya eh," Sambit ko kay Mark, kaya naman ay tinext ko nalang siya.




To: Nica Liit

Gusto mo sumama sa amin mamaya? Pupuntahan ni Mark si Julia sa LaSalle.




From: Nica Liit

Teka hintayin niyo ako diyan sa dorm niyo, papunta na ako! Humanda si Mark sa akin!




Natawa ako sa reply niya at kaya naman ay pinakita ko 'to kay Mark. "Parang kasalanan na 'ata ang pagbisita ko kay Julia." Natatawang sabi ni Mark sa akin habang nagtatawanan kami. 




Nahinto ang pagtatawanan namin nang may kumatok sa pintuan namin. "Bakit? Miss mo na agad ako?" Pagbibiro ko kay Nica nang pagbuksan ko siya ng pintuan. 




"Nasaan si Mark Leo Rivera? Kailangan ko siyang makita." Masungit na sabi niya sa akin, kaya naman ay napangiti nalang ako sa kaniya.




"May naghahanap ba sa akin?" Natatawang tanong ni Mark sa akin nang lumabas siya sa kuwarto niya. Nang makita na ni Nica si Mark ay agad itong pumasok ng kuwarto para lang pingutin ang tenga niya. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon