38

76 2 0
                                    

~

"Bibigyan ko kayo ng dalawang oras, para masagutan ninyo ang lahat ng nilalaman ng exam ninyo ngayon. Goodluck sa inyong lahat, at maaari na kayong magsimula." Pag-anunsiyo sa amin ni Prof. Reyes nang mabigyan na niya kaming lahat ng exam papers. 




Mabuti nalang ay nakapag-aral pa ako sa library kagabi kahit paano. Nang matapos ko nang sagutan ang unang page ng exam ay napangiti nalang ako sa sarili ko. 




"Ano 'to, bakit ang daming numbers tol." Mahinang sinabi ko sa sarili nang makita ko na ang nilalaman ng susunod na pahina. Puro pagpindot ng calculator ang naririnig ko habang sinasagutan ko ang dalawang problem. 




Isang oras ang nakalipas at sinasagutan ko na ang last page ng exam namin. "Hirap na hirap ka na ngayon tol, paano pa kaya sa final exams natin." Hirit ko sa sarili ko nang masagutan ko na ang huling test item sa papel.




"Oh my goodness tol, nakapag-aral ka ba kahapon? Medyo nahirapan talaga ako sa second at last page, pero mukhang pasado naman ako tol." Sambit sa akin ni Mark nang magkita na kami sa labas ng Melchor Hall. 




"Makakapasa naman 'ata tayo tol, kaya natin 'yan." Nakangiting sabi ko naman sa kaniya bago kami sumakay ng jeep papuntang Plaridel Hall. 




"Kumusta ka? Bakit parang badtrip ka 'ata ngayon?" Pagtanong ko naman kay Nica nang makita ko ang pagkunot ng noo niya. 




"Kasi naman, nakasabay ko pa si Paul sa jeep kanina! Nabugbog ko na sana siya kung wala lang ibang pasahero eh." Naiinis na sagot naman sa akin ni Nica, habang si Mark naman ay napakamot nalang sa buhok niya. 




"Mabuti na lang talaga, hindi ako si Paul." Biro naman ni Mark sa kaniya, at natawa naman ako dahil doon. 




"Hoy, isa ka pa! Kapag nalaman kong sinasaktan mo na si Julia, umalis ka na dito sa Pinas at magtago ka na sa akin!" Natatawang hirit naman ni Nica habang pinapalo niya si Mark gamit ang libro na hawak niya. 




"Hindi ko siya sasaktan tol! Hindi!" Sambit naman ni Mark sa kaniya, kaya naman ay pinigilan na niya ito.




"Mamaya na nga kayo mag-away diyan tol, kanina pa ako nagugutom eh." Hirit ko naman sa kanila, kaya naman ay naglakad na kami papunta sa isawan ni Mang Larry. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon