20

139 5 0
                                    

~

"Noel! Gising na! Late na tayo!" Sigaw ni Mark sa akin habang ginigising niya ako sa kama ko. "Shh, tulog pa.......'ko" Sambit ko naman sa kaniya, at nang ilapit niya ang ulo niya sa akin ay kinonyatan ko na siya. 




"Sira ka Noel! Kinonyatan mo si Nica!" Natatawang sabi sa akin ni Mark, pero pagkabangon ko ay nasa labas siya ng kuwarto ko. Napansin ko nalang si Nica na hawak-hawak ang ulo niya habang naka-upo siya sa kama ko.




"Sorry na Nica! Akala ko kasi si ikaw si Mark!" Pagsisigaw ko sa kaniya habang pinagpapapalo niya ako ng unan ko. Sunod-sunod ang pagpalo ni Nica sa akin, kaya naman ay pinagtawanan pa niya ako. 




"Ano Noel, babangon ka ba o hindi?" Mataray na tanong niya sa akin, pero hindi na rin niya napigilan ang tawa niya. 




"Ito na nga, babangon na ako!" Natatawang sagot ko naman sa kaniya bago ako dumiretso sa bathroom. Naghilamos muna ako ng mukha bago ako tinawagan ng kalikasan.




Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita ko nalang si Nica na nakahiga na sa kama ko. "Hoy liit, ba't ka nakahiga diyan?" Tanong ko naman sa kaniya nang tanggalin ko ang kumot. Nakangiti naman siya habang nakapikit ang mga mata niya, kaya naman ay binalot ko nalang siya gamit ang kumot ko. 




"Nagkasya ka pa nga," Nakangiting sabi ko sa kaniya bago ako bumalik sa bathroom para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ay nandoon parin si Nica, kaya naman ay dumiretso nalang ako sa kusina para magtimpla ng gatas.




Habang kumakain kami ni Mark ng tinapay sa mesa ay bigla nalang sumulpot si Nica sa harapan ko. "Puwedeng pahiram?" Nakangiting tanong niya sa akin, at hawak-hawak niya ang hoodie ko. 




"Bakit, ano'ng gagawin mo diyan?" Pabirong tanong ko naman sa kaniya bago ko inuman ang baso ng gatas ko. 




"Siyempre, susuotin! So puwede?" Nakangiting tanong ulit niya sa akin, habang si Mark naman ay patagong nirerecord si Nica gamit ang phone niya.




"Sige na, sa'yo na iyan, madami pa naman ako do-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang humirit si Nica. "Madami pa?! Teka, pipili muna ako!" Mabilis na tumakbo si Nica pabalik sa kuwarto ko, kaya naman ay napatawa nalang kami ni Mark sa ginawa niya. 




"Tol, send mo sa akin iyung video." Hirit ko naman kay Mark, at nagthumbs-up naman siya sa akin habang nakangiti. Maya-maya lang ay bumalik na si Nica na may dalang dalawang hoodie. Branded pa 'ata iyung isa.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon