Chapter 8

6.1K 104 1
                                        

Sorry..one year na yata akong hindi naka update...busy sa work eh...hindi na nakakaopen ng wattpad account..

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

“okay...k-ka lang?”

“whooh!!!...two points!..sagutin mo na yan!..” dahil sa sigaw ni jen ay mabilis kong naitulak ng bahagya si Ken..
Sobrang lapit kasi  ng mukha nito na halos mahalikan niya na ako..Napatingin ako kay Maico. His fist was formed into ball at ang mata niya’y nagngangalit.  I suddenly felt nervous, baka kasi kung anong magawa nito.

“mukhang makakapatay ang asawa mo..” bulong ni Janine sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na pinansin ang pang uudyok ng mga kapwa ko estudyante.
Everyone thinks that Ken's courting me which is not true na syang gawa gawa lang ng mga mabubuti kong classmate.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang makita ko ang paglapit ni Stephanie kay Maico saka ito pinunasan ng pawis at inabutan pa ng tubig na siyang tinaggap ng huli.. Bigla akong napatayo at nagtatakbo palabas…
Naiinggit ako kay Stephanie..Bakit sila malayang nagagawa iyon?..Bakit hindi ko magawa iyon kay Maico..Nakakainggit lang dahil natutuwa ang lahat sa pagiging sweet nila sa isa’t-isa..

“Allena…” napatigil ako nang tawagin ako ni Kuya Jared…Ayokong harapin siya, ayokong ipakitang nasasaktan ako, na nagseselos ako, na mahina ako…

“wag ka ng umiyak…mahal ka nun..”
Hindi ko napigilang mas mapaiyak..Ramdam ko ang pagyugyog ng balikat ko at ang paglabo ng paningin ko dahil sa luha…
“halika…iuuwi kita kayla mama..” aniya..
Sumakay kami ng motor niya at hinatid niya ako papunta sa bahay nila mama..
“Kc, samahan mo si ate mo ha..papunta na dito si Ate Niz mo..”
“Sige kuya..”
Inalalayan ako ni Kc papasok ng bahay at pinainom ng tubig..
“Anong nangyari ate?...”
I shook my head..
“Wala muntik lang akong tamaan ng bola kanina…”
“akala ko pinaiyak ka nanaman ni kuya Maico eh…”
Naramdaman ko ang kusang pagtulo ng luha ko. Maging dito pala’y alam nilang napapaiyak ako ni Maico…
“Sabi na si kuya nanaman iyon eh..Ano nanamang ginawa niya?..”
“Oh..pinapunta ako ni Jared dito..bakit?..anong nangyari?” tanong ni Ate Niz pagkarating nito..
I saw Kc shrug her shoulder..
“Is it Maico again?...tsk!...hayaan mo na yung totoy na yun…bakit kasi iniiyakan mo yun hindi naman gwapo..”
“gwapo kaya si kuya..” pagtatanggol ni Kc.
“Syempre kuya mo yun eh..Si Jared nga mukhang unggoy…parang si Maico…”
“So you mean unggoy din ako?..” ani Kc
“Parang ganun na nga..”
Natawa na lang ako nang maghabulan sila habang binabato ni Kc si Niz ng throw pillow..
“Ayan, tumawa ka na…tara mag movie marathon tayo..ano magandang panoorin?..”
Buong maghapon lang kaming nanood ng movie. I waited for his text or call but nothing came kaya parang wala din ang panonood ng movie dahil siya ang iniisip ko..
“Kc!...kuhanin mo nga dito yung mga pinamili ko..” narinig kong sigaw ni mama. Mukhang galing pa sila sa pamimili…
“Opo..”
Tumayo na rin kami at tumulong. Nagulat pa si mama at papa nang makitang naroroon kami ni Ate Niz..
“Nandito din ba si Maico at Jared?..”
“Wala po…pinapunta po ako dito ni Jared...” sagot ni Ate Niz.
“Bakit?”
Napatingin si Ate Niz sa akin ganundin si mama. Marahil ay nakuha nito ang ibig sabihin ni Ate Niz kaya agad na lumapit si mama at hinagod ang likod ko…
“Halika, magluluto tayo ng paborito ni Maico..”
I smiled at her at sumama patungong kusina… Isa rin siguro ito sa maraming reason kung bakit nagustuhan ko si Maico. Napakabait ng family niya at napaka at home ako sa tuwing umuuwi dito.
“papunta na po sila kuya dito..” pagpapaalam ni Kc…
“oh sige…Ihanda niyo na ang mga plato..”
Mabilis naming hinanda ang hapag.. Maya maya nga’y narinig ko ang ingay sa salas, naririto na siguro sila…
I felt someone hug me from behind and I know from that scent that it was Maico.
“Sorry..” I heard him say and made me turn to him..
“umiyak ka daw..” wika pa nito habang hinahaplos ang pisngi ko.
Napaiwas ako ng tingin.
“look at me..” aniya kaya napatingin ako sa kanya. His face slowly came near mine and in that very moment he kissed me..
“ehem!..”
Mabilis kong naitulak si Maico..Shems!..Nakalimutan kong nasa bahay nga pala kami nila mama..Nakakahiya!...
I felt Maico’s hand snaked around my waist and we all seated on the chair..
Mama and Papa smiled at me as we ate our dinner…
“Ang sarap talaga magluto ng tinola ni mama..” wika ni Maico..
“Asawa mo ang nagluto niyan hindi ako…”
“talaga?..ikaw nagluto nito?”
I nodded shyly…I’m glad nagustuhan nya ang luto ko..Tinandaan ko talaga ang turo ni Mama..
Nang makakain ay nagprisinta ng si Ate Niz ang mahuhugas since wala daw siya halos naitulong. Sinamahan naman siya ni Kuya Jared sa kusina at naririnig ko mula dito sa garahe ang tawanan nilang dalawa..
“Come here..”
Lumapit ako kay Maico.  Agad niyang pinagsagop ang kamay naming dalawa at hinapit palapit sa kanya..He made me sit on his lap while his head is resting on my shoulder…
“I want to punch that guy’s face…”
‘and I want to pull out all the hair of that Stephanie’ I want to tell him pero hindi ko masabi..
“Wag ka na ulit iiyak ha…” aniya
I nodded at him as we both look up on the sky..
“Gusto ko ganyan din kadami ang babies natin..”
I chuckled..
“Ginawa mo naman akong baboy nun..”
Napatawa siya..
“Pero seryoso, gusto ko gumawa ng isang basketball team..”
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Sa simpleng salita niyang iyon ay napapasaya niya ako, hindi ko alam isinasama niya ako sa future niya..
“Oy, Oy!..anong basketball team?..Mama si Maico oh nagbabalak ng gumawa ng bata!..”
Napasubsob ako sa dibdib ni Maico. Ano bang nasa isip ni Kuya Jared at kailangan pang ipagsigawan iyon?..
“tumigil ka nga dyan!..” sigaw ni Maico dito na ikinatawa lang ni Kuya Jared..
“Whooh!..namumula sa Maico oh.. Ma!.Pa!...magkaka apo na kayo. Hahahaha..”
Hinubad ni Maico ang tsinelas niya at ibinato kay Kuya Jared na siyang nagtatakbo papasok at ipinagsigawan ulit iyon..
“Loko talaga yun..” narinig kong bulong ni Maico but I know he’s smiling.
Past 10 when we decided to go home.. Hanggang bahay ay nagkukulitan pa rin ang dalawa habang kami ni Ate Niz ay natutuwang nanonood sa kanila…
“Nakakatuwa sila noh?...” ani Ate Niz habang nakafocus lang ang paningin sa dalawa..
“Oo nga eh…magaling magpalaki ng anak si Mama at Papa..”
“Nakakahanga nga eh dahil seryoso rin sila kung magmahal…”
Oo, seryoso na kahit nga iyong nakaraan until now mahal niya pa rin…Hindi man niya sabihin ng diretso sa akin, alam ko at nararamdaman kong may nararamdaman pa rin siya kay Stephanie. Hinihintay ko lang namang siya mismo ang magsabi sa akin eh dahil sa oras na mangyari nga iyon..Kahit masakit, kahit mahirap gagawin kong magparaya kung iyon ang ikasisiya niya..


Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon