Ito po yung hindi ko naupdate. Pwedeng wag nyo na basahin since alam na ang ending...haha... Sorry!😄
🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈🎈
Never make decisions when you are mad and never make promises when you are happy. Iyan ang mga salitang paulit ulit na pumapasok sa isip ko pero halos makalimutan ko ito nang sobra sobra na ang galit na nararamdaman ko.
Hawak ni Roxy ang cellphone at nagsimulang magdial ng numero. Nanatiling nakataas ang gilid ng labi nya at tuwang tuwa sa aming sitwasyon.
"Yes attorney.. Do all the possible ways to annull us.. " para akong nalagutan nang hininga sa narinig. Hindi ako makapaniwalang ganun kadaling sabihin nya iyon. Narinig ko pa ang pagsasalita g isang lalaki na sa tingin ko ay ang abogado nang putulin iyon ng kung sino.
" you don't have to do this Maico!.." Rinig ko ang sigaw ni Stephanie sa kabilang linya. May narinig pa akong nabasag na kung ano bago muling nagsalita si Maico.
"I.. I l..love you...Steph." tila hirap ito sa sinasabi nang maputol na ang tawag. Tumaas ang gilid ng labi ni Roxy nang ihagis nito ang cellphone sa akin na tumama sa braso ko.. Napainda ako sa sakit, paniguradong magpapasa ito agad.Ang inaasahan kong tao ay alam kong hindi darating. Ang baril na hawak ni Roxy ay syang itinutok sa akin. Napahawak ako sa aking tyan.. Hindi pwede.. Ang baby ko.. Takot, sakit at galit ang nararamdaman ko ng oras na yaon.. Akala ko magiging okay na lahat. Hindi ko inaasahan na sa sobrang galit ni Roxy sa akin ay magagawa nyang tumakas sa mental at balikan ako.
Paulit ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Maico. Annull?.. Ganun nya ba kamahal si Steph para iwan kami ng anak nya? Hindi maubos ubos ang luha ko para sa aking anak. Hindi ka pa napapanganak baby ay tinalikuran ka na agad ng iyong ama.
Nanghihina na ang tuhod ko at hindi na inalintana pa ang taong nasa harap ko at handa akong patayin. Durog na durog na ako.
Napapikit na lang ako nang makarinig ako ng kalabog sa kung saan at ang pagputok ng baril. Kasabay ng pagkirot sa aking tagiliran ay ang pagyakap ni Ken sa akin. Mahinang mura ang narinig ko bago mawalan ng malay."Ilang notice na ang dumating Allena.. Bakit di mo na lang iyan pirmahan?" ani Ken pagkalapit sa akin. Saglit akong sumulyap sa papel na nasa harap ko saka umiling. Hihintayin ko si Maico. Babalikan nya ako. Dumaan ang ilan pang mga buwan pero walang Maico na dumating. Nanginginig ang kamay ko hawak ang ballpen na ipampipirma ko sa annullment paper. Sa oras na mapirmahan ko ito ay wala ng bisa ang aming kasal. Wala na akong panghahawakan pa.
Mabagal na haplos sa aking pisngi ang nakapagpagising sa akin sa gitna ng malalim na gabi. Napaupo ako sa gulat nang matanto ang taong nasa tabi ko. Ang malamlam na ilaw sa aking tabi ang syang nagbibigay ng konting liwanag para maaninag ko ang malungkot nyang mukha.
"Jane.." Nanginig ang boses nya pagkabanggit ng pangalan ko. Ang mga luha ko ay tila nagbabadya nanaman pero pilit kong pinigilan iyon.
"Patawarin mo ako Jane.." Garalgal ang kanyang tinig. Napaiwas ako ng tingin. Ayokong nakikitang ganito sya, baka bumigay nanaman ako at ipagpilitan ang sarili sa kanya gayong alam kong ako nanamn ang kawawa.
"U..umalis ka na b..bago pa d..dumating di Ken.." Pilit nyang inabot ang aking kamay pero iniiwas ko iyon. Napahigpit ang hawak ko sa comforter. Hindi ko na kaya..
"Jane.. Wife please... Patawarin mo ako..please...umuwi na tayo.." Naninikip ang dibdib ko sa kanyang pagmamakaawa. Gusto kong bumalik sa aming tirahan at sumama sa kanya pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na mababago pa ang desisyon ko kahit anong gawin nya.
"Tama na Maico.. Alam ko na lahat... Tumigil ka na..we're not married anymore.. N...nawala na rin ang anak ko u..ulit.. W..wala ka ng kailangan sakin..." Nakita ko ang pagkabigla kasunod ng pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata. Mas masakit ang nararamdaman ko Maico, doble pa sa nararamdaman mo.
"Mahal kita Jane.. Bumalik ka na sakin please.."
"Mahal!?.." tumaas ang boses ko sa tinuran nya.." Kung mahal mo nga ako eh ano yung narinig ko?. Ano?!..dalawa kaming mahal mo?!... Tama na ang panloloko mo Maico!!... Umalis ka na lang!.."
Padarag na bumukas ang pinto ng aking silid. Napabaling ako roon at nakita ang mabilis na paglapit ni Ken kay Maico. Isang suntok ang pinakawalan nya rito na ikinatumba ng huli.
"Ken!..wag!.." muli nya sana itong susuntukin nang pigilan ko sya. Nagtaas baba ang kanyang dibdib at nagpipigil ng galit.
"Umalis ka na Maico." nag iigting ang panga ni Maico habang tumatayo. Mahahalata ang galit sa kanyang mga mata nang bumaling sya sa akin.
"Ito ba Jane?.. Si Ken pa rin ba?.." napaiwas ako ng tingin.. Narinig ko ang mahinang tawa nya kaya napabaling akong muli. .
"Putang-ina Jane!.. Sayo lang ako nabaliw ng ganito!.." hasik niya. Impit akong napaiyak. Hawak ko ang kamay ni Ken para pigilan itong saktan muli si Maico.
"Sige!... Ito ang gusto mo diba?.. Magsama kayo!..." Sinipa nito ang kama bago dumiretso palabas ng kwarto.
Naalarma ako sa sinabi niya kaya nagpumilit akong tumayo nang pigilan ako ni Ken. Gusto ko syang sundan. Gusto kong magpaliwanag...
"Jane... It's better this way... Don't let him hurt you again.."
Napailing iling ako.. Hindi pwede... Pilit akong tumayo nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking tiyan. Napadaing ako sa sakit. Mali na nagsinungaling ako kay Maico... Mali na ipagkait ko sa kanya ang karapatan nya sa batang sinapupunan ko. Limang buwan na ang aking dinadala pero hindi ganun kalaki ang tyan ko kaya hindi nya nahalata kanina.
"Jane... Let him go... Kung mahal ka nya talaga hindi sya aalis ng ganun ganun na lang...Sya mismo ang nakipaghiwalay sa iyo. Please tama na..." Natigilan ako. Muli ay binalot ako ng galit. Sya ang may dahilan ng lahat ng ito. Hindi dapat ako maging sunod sunuran sa kanya ulit.
Hindi mawala sa isip ko ang naging pagtatalo ng gabing iyon. Minsan natutulala na lang ako pero naging mahaba ang pasensya ni Ken. Ayokong gawin nya ito dahil wala naman syang responsibilidad sa akin pero gusto nyang akuin ang dinadala ko. Ilang beses na akong tumanggi pero nagpupumilit siya. Dinala nya ako Rio de Janeiro para doon manganak. Mahigit limang taon din kaming nanatili roon bago nagpasyang bumalik ng Pilipinas. Pinili nyang manirahan kami sa Batangas.
"Mama!.. Is papa okay?" Namumula pa rin ang mata ng aking anak galing sa pag iyak. Sa limang taon namin sa Brazil ay ngayon lang nya nakitang atakihin ng sakit si Ken.
"Yes baby.. Papa's taking a rest now..." sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Si Ken ang kinagisnan niyang ama. Halos magkasundo sila sa maraming bagay pero hindi maikakailang may pagkakapareho ito sa tunay na ama. Kahit sa instrumento pa lang ay mas interesado siya sa drums kesa sa gitara.
Pinanood ko lang ang aking anak habang tahimik na nakatingin sa isang musical notes. Nakakunot noo ito at bahagya pang nakanguso. Pamilyar na imahe ang pumasok sa isip ko. Hindi ko na sya muling nakita pa simula nang umalis ako patungong Brazil. Hindi ko na rin hihilinging makaharap pa sya. Masaya na ako sa simpleng buhay na ito.
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...