chapter 9

6.5K 110 1
                                    


After that intramurals, mas naging tampulan kami ng tukso ni Ken at isa pa’y hindi pa rin kami nagkaka ayos ng bestfriend kong si Farrah.
For almost three days ay hindi kami nagkaka usap. Gustuhin ko man pero nauuna ang pride ko.
Papunta na ako ng canteen nang makita ko si Farrah at Ken na magkausap sa hagdanan at mukhang seryoso ang pinag uusapan.
Hindi siguro nila napansin ang pagdaan ko kaya may narinig ako na naging dahilan ng malaking question mark sa utak ko..
"Hayaan mo na kung saan siya masaya...basta kahit anong mangyari huwag mo na ulit siyang pababayaan.."
Those were the words Farrah said to Ken nang makalampas ako.. What does that mean?..Feeling ko noon pa ma'y magkakilala na sila...
"Ken.."
Napatigil ako nang tawagin siya ni Stephanie...Pati sila magkakilala?..Bakit parang ako lang ang walang alam?

Stephanie smiled at me saka lumapit kay Ken..
"Teff....uminom ka na ng medicine mo?.." rinig kong tanong ni Ken dito...
"Of course!...Kiana called...Naiwan mo daw yung hanky mo...para ka pa ring bata..Nagdadala ng hanky kahit saan magpunta.." she said laughing. I don't know why I should feel this pero nakaramdam ako ng pagbigat ng dibdib..They seems to know each other..Magkakilala din kaya sila ni Farrah?..

"Oh...malapit na ang second class..magmemeryenda ka pa?"..Nabalik ako mula sa malalim na pag iisip nang magsalita si Janine..
"Nope...mag si CR na lang ako.." sagot ko dito bago sila nalampasan at dumiretso sa Restroom..
Napatitig ako sa salamin while thinking of what i had seen awhile ago...Ah!...bakit ko ba sila pinoproblema?...
Muli akong napatitig sa salamin at naagaw ng pansin ko ang suot kong kwintas...
"Kelan pa ako nagka kwintas?.." I asked myself..
Mukhang nabubuksan ang pendant but it needs a key to open it up...Baka isinuot ito ni Maico kagabi sa akin nung makatulugan ko na ang panonood ng anime movie kasama siya....Favorite niya kasi ang anime and since may interest din ako dun ay madalas kami manood noon..

 ~bzzzzzt bzzzzt~

I immediately grab my phone and read the message from Maico..
 
I love you wife..
       -Hubby-

Agad akong napangiti nang mabasa ang message niya..Hanggang pagpasok ng room ay nakangiti ako, nawala na rin nga sa isip ko yung nakita ko kanina..I shouldn't think of that anyway..Ang mahalaga lang naman sa akin ay okay kami ng asawa ko...

After class ay agad na akong lumabas ng room pero tinawag ako ni Farrah na dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad...
"Allena...sorry na...."
I turn to face her and smiled at her..Nilapitan ko siya at niyakap ganundin siya sa akin..
"Don't do that again...Nagmumukha kasi akong tanga eh..We're bestfriends Farrah, nagsasabihan dapat tayo ng lahat lahat.."
"I'm sorry.."
"Ay!..ang drama...MMK ang peg?.."
"Ibang klase ka talaga Janine makasira ng moment eh noh..." wika naman ni Gwen..Mabuti okay na ulit sila.
Magkakasama kaming naglakad papunta ng terminal para ihatid si Ellaine pero bago iyon ay tumigil kami sa foodcourt.

"Galing kay Maico?..patingin.." tanong ni Janine nang makita ang suot kong kwintas..
"Yata...ngayon ko lang napansin to eh..."
"Ang ganda...buksan natin.." ani Janine..
"May susi dapat...tinry ko na kanina ayaw bumukas eh.."
"Ay sayang...ano kayang laman niyan?"
"Ate Jane?!.."
Napalingon kaming lahat sa tumawag sa akin..
"Ate Jane!..ikaw nga!...wait tatawagin ko si mommy at daddy.."
"Sino yun?..." tanong ni Janine..
Nakita kong nagkatinginan si Farrah at Ellaine and they seem nervous which made me frown ..
"Mom, dad..sabi sa inyo nandito si Ate Jane eh..Kuya, halika dali!.."
Lumapit sila sa akin habang hila ng bata si Ken palapit...
"Kiana, I can walk, okay..you don't have to pull me..."
"Sungit talaga ni Kuya..."narinig kong maktol nito. Cute.
"Hi Ate!...hindi ka na pumupunta ng bahay...bumalik na ulit si Kuya...diba sabi mo mag---"
"Kiana...stop it..." suway ni Ken dito na ikinasimangot nung Kiana..
"Let's go...."
Nagmadaling naglakad palayo yung Kiana, mukhang nagtampo sa pagsuway sa kanya ni Ken..
"You shouldn't did that Ken..." wika ng mommy nito saka sinundan si Kiana kasunod ang asawa nito...
Tumingin lang sa akin si Ken saka kay Farrah saka na tumalikod at naglakad palayo..
"Farrah..anong meron sa inyo ni Ken?.."
Hindi ko mapigilang itanong sa kanya iyon...Nacucurious kasi ako sa mga tinginan nila eh...
Natahimik naman ang tatlo, hinihintay din ang sagot ni Farrah...
"ano ba kayo?..alam naman nating ikaw ang gusto niya.."
Napatawa ako..
"Ako?...nagpapatawa ka ba?...Si Farrah talaga oh.."
"Allena..would you believe me kung sabihin kong may naiwan kang tao sa past na hindi mo na nagawang balikan pa?"
I was silent for a moment.. Naguguluhan ako sa sinasabi ni Farrah...
"Ano bang klaseng biro yan?...Wala naman akong ibang nagustuhang tao noon bukod kay Maico..."
"Paano kung meron pala?.Paano kung bumalik siya at gusto ka niyang kunin sa kanya?"
Napatayo ako dahilan para mapatingin sa akin ang ibang kalapit na naroroon..
"Ano bang sinasabi mo?...Tigilan mo na yan.."
"Ano ba kayo..wag dito.." suway ni Gwen..
Mabilis kong kinuha ang books ko at saka naglakad palayo sa kanila..
Ka-ookay lang namin, eto nanaman siya..Bakit ba parang mas may alam siya sa akin kesa ako na sarili ko?
Napatitig lang ako sa dalawang taong hindi ko gugustuhing makitang magkasama..May klase pa sila ah..Anong ginagawa nila dito?..
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila hanggang sa makapasok sila ng sinehan...
I dialled his number at nakita ko namang nagring ito but I saw him turn it of and put it back on his bag..
"Wag ka ng umiyak...Mahal ka nun...ah teka parang best line ko yun ah"
Napatitig lang ako sa lalaking nagsalita...Hindi ko alam umiiyak nanaman pala ako...
"Kuya Jared..." sambit ko bago yumakap sa kanya at mag-iiyak sa dibdib niya..
"'tahan na..napagkakamalan nilang ako ang nagpa iyak sayo"
Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ng tricycle pauwi ng bahay..
Naroroon si Ate Niz na agad lumapit sa akin..
"Aaay..Napaka iyakin talaga ng baby girl ko.." wika nito saka ako niyakap...
"I'll call Maico.." paalam ni Kuya Jared..
"Hindi na kuya Jared...busy siya...magpapahinga na ako...salamat sa inyo.." Dumiretso ako ng kwarto ko at nahiga...
Pwede niya namang sabihing si Stephanie ang mahal niya at hindi ako kesa sa umaasa akong mamahalin niya ako balang araw...Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko kung sabihin niyang ayaw niya na...Ang hirap lang kasi sa tuwing naririyan siya sa tabi ko, ibang Maico ang pinapakita niya..Yung Maico na minahal ko noon, yung Maico na mahal ako ng sobra...




Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon