Hello!...sorry ngayon lang nakapag update....been busy lately...salamat nga pala sa mga advices nyo...😘😘
--------------
Wala ng mas sasakit pa ang iwan at talikuran ng taong minamahal mo ng lubos. Na sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa inyo ay nagawa pa rin nitong maging mahina at tuluyan kang iwan.
Sa pag aakalang maayos na ang lahat ay heto at dumating nanaman ang pagsubok sa kanila na sumira sa pagsasama nila.
Dumudugo na ang kamay ni Maico pero tila wala itong balak tumigil sa pagwawala. Labis pa doon ang sakit na nararamdaman ng puso nya sa isiping tuluyan na syang iniwan ni Jane.
Akala nya ay okay na sila pero heto nanaman ang nangyari, hindi nya alam kung san patutungo pa ang buhay nya kung wala si Jane sa tabi nya.
He suddenly stop upon remembering Jane being uncomfortable after he left her with Roxy.
Kumuyom ang kanyang kamao at namuo ang galit sa dibdib nya. He knew for sure that Roxy has something to do with this and he has to confirm it.
Pagkarating niya sa bahay ni Shan ay tila nag aaway ang magkasintahan.
"Diba sabi ko tigilan mo na?...ano sinabi mo kay Jane?.." naririnig nya mula sa garden ang sigaw ni Shan.
"Eh ano naman?...maganda nga yun para maghiwalay na sila..pa----ah!"...hindi na napigilan ni Maico ang sarili ay nahablot niya sa braso si Roxy at mahigpit nyang hinawakan iyon.
"Maico! Nasasaktan ako!!..Shan!!"...daing ni Roxy, nilingon pa niya ang boyfriend para humingi ng tulong pero nanahimik lamang ito.
"ANO!!...MASAYA KA NA?!..!..MASAYA KA NA SA GINAWA MO?!!..." sigaw ni Maico habang panay naman ang daing ni Roxy at tila walang pakialam sa sinabi nito..
"She doesn't deserve you!...si Steph dapat Maico!.hindi sya!..bitawan mo ko!!"...
Binitawan na niya si Roxy at napasabunot na lang sa sariling buhok. Napaupo na ito at nagsimulang magtaas baba ang balikat nito. Hindi nya na rin naitago sa kanyang dalawang matalik na kaibigan ang sakit na nararandaman ng puso nya.
"Why do you have to do that Roxy?..w..why?...i....love her....sh..she's m..my life...h...hindi ko na kakayanin pag...nawala sya sakin Roxy....h..hindi ko kakayanin...."
"Pero pano si Steph?...ano?...hahayaan mo na lang syang mamatay?..is that it, Maico?..ganun ganun na lang?..."
"Tama na Roxy...pumasok ka na sa loob..." awat ni Shan pero nagmatigas si Roxy.
"NO!...you shouldn't have married her in the first place Maico...hindi mo pa sya mahal noon at alam kong si Steph pa rin ang laman ng puso mo hanggang ngayon....Sa sinabi kong yun iniwan ka na agad nya?..ha!.." saglit pang napatawa si Roxy sa sariling sinabi saka ipinagpatuloy iyon.
"She's too weak!..that only means she doesn't love you enough Maico...so why waste time kung pwedeng pwede mong balikan si Stephanie?..." confident pang saad ni Roxy.
"tumigil ka na Roxy..." tiim bagang na saad ni Shan. Sa lahat ng nakakakilala kay Maico ay siya iyon. Nakikita niya kung gano kamahal ni Maico ang asawa at gano nahihirapan si Maico sa bawat desisyong ginagawa nito mapanatili lang na nasa tabi nito si Jane.
Hindi na alam ni Shan ang kinikilos ng girlfriend. Parang iba ito sa kilala niyang Roxy.
"There's three things i want you to know Roxy...." tumayo si Maico at muling hinarap si Roxy. Puno ng galit ang kanyang mga mata para sa matalik na kaibigan. Namumula-mula pa iyon mula sa pag iyak at bakas na bakas sa mukha nito ang lungkot.
"One....i love her...two...i can't live without her...and three...fuck off!!..." nanlaki ang mata ni Roxy sa tinuran ng kaibigan. Napabaling pa ito kay Shan na mukhang mas pinapaburan pa si Maico. Matapos sabihin ni Maico iyon ay tuluyan na siyang umalis.
Gulong gulo na si Maico, hindi nya alam kung pano muling maibabalik sa kanya ang asawa. Lahat ng mga plano nya para sa kanilang dalawa ay nasira na. Nais man nyang maintindihan ang dahilan ni Jane ay tila kulang pa rin iyon. Bakit hindi nila tuparin ang pangarap nila ng magkasama?..Bakit kailangan pa nilang hanapin ang mga sarili nila kung si Jane na ang parte ng buhay nya?..
Para syang nauupos na kandila sa kawalan ng pag asang maibabalik nyang muli sa kanya si Jane.
Madilim na rin ang paligid ngunit hindi alintana ni Maico iyon. Madalang na rin ang nga taong nagdaraan dahil lumalalim na nga ang gabi. Habang daan ay natigil siya sa parke kung saan nya madalas makita si Ken.
Sa tuwing daraan sya sa parkeng iyon ay nakikita nya si Ken na walang pagka inip na hinintay si Jane. Nakikita nya ang lungkot sa mga mata nito pero kalakip noon ang pag asang babalik sa kanya si Jane. Simula noon nakaramdam na siya ng takot na maaaring bumalik nga ito kay Ken at iwan sya. Pero sa kabila ng lahat ng pasakit na naibigay nya kay Jane ay mas pinili pa rin sya nito not until the day he is afraid to come happened.
Kahit anong tibay at pagmamahal nga pala ng isang tao dumadating pa rin sa puntong sumusuko at bumibigay na ito.
Hindi nya napansing nakaupo na pala siya sa bench na inuupuan lagi ni Ken noon. Napatingala siya at napapikit nang may mumunting tubig ang pumatak sa pisngi nya mula
sa langit na nasundan pa ng sunud sunod na pagpatak ng ulan. Nanatili siya sa ganoong posisyon kahit na basang basa na sya.Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya, isa na doon ang unang araw na nakilala nya si Jane. Mapait syang napangiti, kahit noon pala hinahabol habol nya si Jane. Ang pinagkaiba lang, wala pa syang nararamdamang espesyal noon hindi gaya ngayong sobra pa sa mahal ang nararamdaman nya sa asawa.
"Wife....." sa pagbanggit nya noon ay muling tumulo ang mga luha nya. Nasasaktan siya at wala na syang pakialam kung masabihan sya na parang bakla dahil sa pag iyak. Nagmamahal lang sya at kahit sino namang lalaki na maiwan at masaktan ng taong pinakamamahal nila ay hindi malipigilang umiyak.
Siguro nga ito na lang yung paraan para mailabas nya lahat. Para matapos nito ay matanggap nyang wala ng sila at hahayaan nya na si Jane sa gusto nito. At darating ang araw na wala na ang sakit na naidulot sa kanila ng mapusok nilang mga desisyon..
😢
Vote Comment Share

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...