Chapter 15

6.6K 120 9
                                        

Malayo na ako sa kanila. Lakad takbo ang ginagawa ko habang patuloy ako sa pag iyak. Basang basa na ako dahil sa ulan at nanginginig na ako sa lamig. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko sa isang park. Ang park nanaman na ito, bakit ba dito ako dinala ng mga paa ko?...

"Ken?.." namamaos ang boses ko nang tawagin ko siya. May mapusyaw na ilaw sa gilid niya kaya nakita ko agad siya. Bakit siya naririto sa ganito kadilim at umuulan pa?..

"Jane?!!...fuck!..you're soaking wet...baka lagnatin ka niyan..." mabilis siyang lumapit sa akin para isukob sa payong niya. Hinubad niya ang kanyang itim na jacket at ibinalot sa akin. Nawala ang panginginig ko nang yakapin niya ako. Pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa, na nariyan si Ken para sa akin.

Hindi ko na napigilang mapahagulhol sa kanyang dibdib. Marahan niyang hinahagod ang aking likod. kahit malakas ang ulan at pag iyak ko ay naririnig ko pa rin ang pag igting ng kanyang panga.

"I'm sorry..I'm sorry.."  paulit ulit niyang saad.

"Ken...b..bakit kailangang ako?...k..kaibigan ko sila, di'ba?..b..bakit nila ako..n..niloko?.." hinanaing ko kay Ken. Panay lamang ang alo niya sa akin, hindi siya umimik. Nakaramdam na ako ng pagod at pagbigat ng aking mga mata. Gusto ko ng magpahinga.

Napangiwi ako sa liwanag na sumalubong sa aking mga mata. Bumaling ako sa kabila para iwasan ang sinag ng araw.

"Ate Jane!..gising ka na!..good morning!.." isang matinis na boses ang narinig ko kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto kaya napabaling ako roon.

"Kiana, you woke her up!.." pumasok si Ken sa silid habang hindi inaalis ang masamang tingin nito sa nakababatang kapatid pero agad na nawala iyon nang lingunin niya ako..

"Hindi ko naman siya ginising eh, diba Ate Jane?.." nakangusong saad niya.

Marahan akong tumango, nagsimula nanamang mamuo ang mga luha sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kagabi..

"Ate?..w...wag kang umiyak..." pinilit kong pigilan ang pag iyak ko nang makita kong mapapaiyak na rin si Kiana. Ngumiti siya at niyakap ako..

"I miss you, Ate Jane!.." aniya saka kumalas sa yakap ko. Tumayo siya hawak ang kama ko.

"Tara Ate sa baba, nagluto si mommy ng pancake at bacon..diba favorite mo yung breakfast?.." masigla niyang aya sa akin. Napatingin ako kay Ken na mataman lang nakapanood sa akin. Parang nagtatalo ang isip niya, marahil ay gusto niyang itanong ang nangyari pero nanahimik na lang siya. Nagpaalam akong maliligo muna bago bumaba. Mabuti na lang at tuyo na ang damit ko kaya iyon na lang ulit ang isinuot ko.

Paglabas ko ng bathroom ay naroroon pa rin ang dalawa. Nakakunot noo si Ken kay Kiana habang nakanguso ang huli. Ngumiti si Kiana nang makita ako saka lumapit sa akin at umabrisyete. Nakasunod sa amin si Ken pababa ng dining room pero nararamdaman ko ang mga titig niya.

"Good morning!...take your seat, iha..how are you feeling?... hindi ka ba nahihilo, may masakit ba sa'yo?.." meron po, yung puso ko, husto kong sabihin iyon pero umiling na lamang ako.

"That's good..mabuti hindi ka nilagnat..basang basa ka, kagabi...mabuti na lamang at may naiwan pang damit si Kristi----" natigil siya sa dapat ay kanyang sasabihin. Hinawakan ni Tito Nick ang kamay ni Tita Carelle..

"Mom..." sambit ni Ken. Nilingon siya ni Tita at mapait na ngumiti..

"I'm fine, son...let's eat?.." tahimik na kumain kami sa mesa. Ganito ba sila sa umaga, tahimik?.Iba kasi noong isang linggo nung magdinner ako dito. Nagkakasiyahan sila at magiliw na nag uusap tungkol sa mga bagay bagay.

"T..tapos na apo ako....s...salamat po..." saad ko saka tumayo na.

"you should eat, iha...kakaunti pa ang nakakain mo, aka magkasakit ka niyan.." alala ni Tita Carelle.

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon