Mahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Maico habang papasok kami ng kulungan. Nakikita ko ang pagiigting ng panga ni Maico at ilang beses nyang pagpisil sa kamay ko.
"Maico..." sambit ko nang tumigil pa ito pagkakita kay Shan na nakaupo habang nakayuko at hinihintay kami. Nang lingunin ako ni Maico ay seryoso lang ang mukha nito saka muling binalingan si Shan.
Nang makalapit kami ay siyang tunghay ni Shan sa amin. Hindi pa rin gumagaling ang ilang sugat at pasa sa kanyang mukha na dinulot ni Ken kahit isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari iyon. Takot man akong harapin sya ay pinilit ko pa rin pumarito kasama si Maico. Gusto kong malaman ang dahilan nya. Alam kong mabuting tao si Shan, i know he has a reason why he did such thing.
Napatago ako sa likuran ni Maico nang bumaling si Shan sa amin. Nakakaramdam pa rin ako ng takot sa tuwing naiisip ko ang nakakapangilabot na tingin nya noon. Kinapa ko ang tiyan ko nang makaramdam ako nang pagkirot noon pero agad ding nawala.
Puno ng pagsisisi ang mga mata ni Shan,mukhang namayat pa siya at maitim ang paligid ng kanyang mga mata...
"M..Maico....A.Allena.." mahina at namamaos na sambit ni Shan. Napabaling ako kay Maico na matalim ang titig kay Shan, humihigpit na rin ang paghawak nya sa kamay ko kaya kinuha ko ang atensyon nya..
"Maico..." sambit ko habang hinahaplos ang braso nya. Napalitan ng malungkot na ngiti ang mukha nya nang bumaling sya sa akin...
"Napag usapan na natin to...let's just talk to him..." sambit ko. Marahan siyang tumango saka humalik sa noo ko.
Naupo kami sa tapat ni Shan nang tumingin itong muli sa akin. Umagos ang luha sa kanyang mga mata at nagsimulang yumugyog ang kanyang mga balikat...
"Patawarin mo ako Allena...p...patawarin mo ako..hindi ko na alam ang ginagawa ko..." iyak niya. Napahikbi ako habang pinapanood syang umiyak sa harap namin.
"Bakit Shan?..Why did you do that?..." mariing saad ni Maico.
Nahampas ni Maico ang lamesa nang hindi makaimik si Shan. Sa lakas ng hampas nya ay nagdulot iyon ng ingay kaya napapasok ang pulis sa loob. Nang makitang maayos naman kami sa loob ay muli itong lumabas.
"Shan...si Roxy ba?.." mahinahon kong saad. I know it is wrong to point at someone pero hindi ko maiwasang sabihin iyon. Umiwas siya ng tingin sa akin at napayuko na lang.
"No..Roxy has nothing to do with this...i just thought that if i did that, Roxy will be happy with Ken and Maico will come back to Steph.."
"That's fucking stupid!!..do you think i can actually come back to Steph?!!.. MY WIFE wouldn't like that..." gusto kong kiligin sa sinabi ni Maico pero hindi ito ang oras para roon. Napatungo na lang si Shan at nanahimik.
I felt pity for him. Roxy didn't know how lucky she is to have a man who loves her unconditionally that he can even kill someone just to make her happy.
"Let's go wife..." papalabas na kami ng room nang muling magsalita si Shan.
"Get mad at me and don't forgive me Maico but please stay as my bestfriend..."
Nangatal ang kamay ni Maico at nag igting ang panga niya. Dirediretso na kami lumabas ng presinto hanggang sa makauwi na kami. Tuloy tuloy sana siya papasok ng kwarto namin nang pigilan ko sya.
"Maico."
Tumigil siya pero nanatiling nakatalikod sa akin.
"Hin---" naputol ang sasabihin ko nang bigla nya akong yakapin. Nakaubob ang mukha nya sa leeg ko at mahigpit ang pagkakayakap nya.
"I'm sorry, wife...I'm sorry for everything..." Napangiti ako sabay nang pagyakap ko pabalik sa kanya.
"Sorry din Maico...sorry for not trusting you enough..."
"Ikamamatay ko pag nawala ka ulit sakin asawa ko...mahal na mahal kita...kayo ng baby natin.."
Tumunghay siya at hinaplos ang mukha ko. Akma nya na akong hahalikan nang may tumighim sa gilid namin. Namula ang mukha ko sa hiya nang makita sila mama at papa kasama ang nanay at tatay ko na kapwa mga nakaupo sa couch.
"Ma, pa....N..nay, Tay..." ani Maico. Nang lumapit kami ay mga nakatitig pa rin sila sa amin..
Kinakabahan ako, nandito ba sila para kunin ako?..
"Nay, Tay....b..bakit po kayo nandito?.." tanong ko.
"Gusto lang naming kausapin kayong dalawa..." sagot ni tatay saka bumaling kay Maico.
"Huling pagkakataon Maico...sa sunod na saktan mo ulit ang anak namin at umuwi yang umiiyak...sinasabi ko sayo hinding hindi mo na sya makikita pa kasi ilalayo na namin sya sayo..."
Napahigpot ang hawak ko sa kamay ni Maico. Kapwa kami napangiti at naluluhang niyakap ko ang aking mga magulang. Lubos ang galak ko sa narinig. Akala ko wala na silang pakialam sa akin.
"Nasa garden nga pala si Ellaine at Farrah, Allena...hinhintay ka nila..."
Nagpaalam muna ako para puntahan ang dalawa. Naiwan naman si Maico roon para makausap pa sila tatay.
Masinsinan ang usapan ng dalawa nang makalapit ako.
"Anong meron?.." ani ko. Ngumiti ang mga ito pagkakita sa akin at agad akong dinaluhan.
Mahigpit ang yakap ng dalawa sakin.. Ellaine is now smiling unlike before na nakasimangot ito at mukhang palaging stress..
"Nakausap nyo na sila Tita?…" bungad nito sa akin.
"oo.. okay na.." nakangiti kong saad.
"eh ikaw ba okay na?…" muling tanong ni Ellaine.
"I guess.. nakausap na namin si Shan... hindi man naging maganda ang usap nila ni Maico pero mukhang nagsisisi naman na sya sa ginawa nya.."
"eh si Roxy?…" tumaas ang kilay ni Ellaine.
"malamang sya may kagagawan ng lahat ng to.." pagdugtong naman ni Farrah.
"It was Shan's idea... Roxy was just too blind to see how she is loosing someone who loves her more than everything.." nalulungkot ako para sa kanila. Because of Roxy's obsession ganito ang kinahinatnan ni Shan.
"nakakagalit pero nakakaawa si Shan... I hope mauntog si Roxy nang matauhan..." ani Ellaine.
"Nakausap namin si Ken. He's still furious... pero di namin sinabi na si Roxy pinigilan kasi ako ni ellaine.." inirapan pa ni Farrah si Ellaine pero umikot rin lang ang mata ni Ellaine.
"I told you girls hindi si Roxy..and why do Ken not Maico?" tanong ko..
"sus..we know it's Roxy..Baliw yung higad na yun eh..." nag iigting pa ang panga ni Farrah habang nagsasalita.
"You know what Ken can do when he's mad.. nung highschool nga nacomatose ng tatlong linggo yung nambastos na tambay sayo...mabuti na lang mayaman sya at binayaran lang..." Napakunot noo ako kay Ellaine saka ko naalala ang nangyari kay Shan.. Hindi pa rin gumagaling ang pasa nito sa mukha.
"Maswerte ka Allena..kahit si Maico na mahal mo ikaw pa rin gusto ni Ken... susko... ikaw na lang yata nakikita ng mata nun eh..hahahaha.." ani Farrah sabay ang pagtawa nito. Napataltak lang si Ellaine saka ako tinitigan..
"Wala pang ginagawa si Ken, Allena... Kasi alam nyang masaya ka... alam mo naman yun...Once na nakita ka nyang umiiyak na... hindi mo gugustuhin gagawin nun... ganun ka nya kamahal... " bago pa ako makaimik ay tinawag na kami nila mama. Nilapitan na rin ako ni Maico at nangingiting niyakap ako sa bewang.
I should forget about what Ellaine said. Ken has nothing to do with me anymore. He was just a part of my past. Kung naging masaya man ako noon kasama sya ay hanggang doon na lamang iyon. Masaya na ako kay Maico at ayoko ng mabago pa ang lahat ng meron ako ngayon.. Hindi na muling babalik pa ang kung anumang naramdaman ko kay Ken noon dahil si Maico na at ang aming anak ang mundo ko at tanging nagpapasaya sa akin....
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...
