Nakakailang hakbang pa lang ako nang masulyapan ko na agad si Ken na nakaupo sa isang bench. Natutop ko ang aking bibig habang pinagmamasdan si Ken na walang pagkainip na naghihintay sa kungsinuman. Nasa ganoong posisyon at lugar ko nakikita si Ken sa tuwing ang parkeng iyon ang naging takbuhan ko pag umiiyak ako."He's at the park Allena,,..He's still waiting for you..."
Bumalik sa aking isipan ang sinabi ng mommy ni Ken sa akin. Ibig sabihin ba nun ay umaasa pa rin siyang babalikan ko siya sa mismong lugar na iyon?.
Nanginginig ang katawan ko hanggang sa makalapit sa pwesto ni Ken. Nakayuko ito habang pinagmamasdan ang suot nyang kwintas na may dalawang singsing.
"Ke...." napalunok ako. Pinilit kong lakasan ang aking loob.
"Ken..." sambit kong muli na syang nakapagpatunghay sa kanya. Pinilit kong ngumiti. Gulat naman siyang napatayo pagkakita sa akin.
"J...jane..." nakita ko ang paglunok niya at paglamlam ng kanyang nga mata. Dumaloy ang mumunting luha mula roon saka sya kumilos palapit s akin at ginawaran ako ng mahigpit na yakap.
Nagagalit ako sa sarili ko. Nagsisisi akong hindi ko inintindi ang reason niya noon. Kung sana ay nalaman ko agad ang dahilan ng hindi niya pagsipot nung araw na sana'y babalik siya ay hindi nangyari ang lahat ng ito.
Parang pinipiga ang puso ko. Sa lahat ng pasakit na naidulot ko sa kanya ay heto at handa pa rin siyang maghintay.
Naramdaman ko ang palad niya na mahinang humahaplos sa pisngi ko at ang paglapat ng noo niya sa noo ko. Pamilyar ang pakiramdam maging ang pangyayaring ito. Hindi ko alam pero parang may nabubuhay na kung ano sa tiyan ko.
"Wh...why are you here?..wh..where's M.." pinigil ko ang bibig niya gamit ang palad ko. Napailing na lamang ako saka muli siyang niyakap. This is the right thing to do. Para sa ikabubuti rin naming apat ang gagawin ko. Hahayaan ko na sila at susubukan ko namang muling mahalin si Ken. Minahal ko na siya noon kaya alam ko hindi mahirap ibalik ang nararamdaman ko noon para sa kanya.
"g.gutom na ako..kain tayo?..." aya ko dito ng nakangiti. Ngumiti siya pabalik sa akin at hinawakan ang kamay ko.
My parents know na nakabalik na ako ng Pinas. Nagalit sila sa nangyari lalo na kay Maico. Paalis na rin ako ng Pinas kasama si Ken para magpagamot siya sa France. Iniiwasan ko na makita ako ng kahit sino na maaring makapagsabi kay Maico kung nasaan ako.
Ayoko na bumalik pa sa kanya. Ayokong malaman niya kung nasaan ako dahil sa oras na makita ko siya baka sumama nanaman ako kahit sobrang sakit na.
"Are you okay?.." bumaling ako kay Ken na nasa tabi ko. Nakaupo ako sa gilid ng bed niya habang siya ay nakasandal sa headboard ng hospital bed. He had undergone an operation three days ago at ngayon nga ay okay na siya. Hindi pa naman ganoon kalala ang sakit niya gaya ng kay Katherine, maagapan pa ito.
Pilit akong ngumiti sa kanya at tinabihan siya sa bed. Sumandal ako sa balikat niya saka ko namaag naramdaman ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.
"Atty. Samaniego called...the annullment paper is ready.." waring nanikip ang dibdib ko sa narinig. Napapikit ako ng mariin at napahawak na lang saakanyang kamay. Kakayanin ko to...
Hinaplos niya ang pisngi ko na syang nakapagmulat sa akin at nakapagpabaling sa kanya. Simple sixang ngumiti habang isinisiksik ang ilang buhok sa likod ng tenga ko.
" i'm always here, Jane...i know it's hard for you but you're strong...kakayanin mo ito kasi kasama mo ako..."
Maging sarili ko ay pinagdududahan ko na. Kaya ko nga ba?...May parte s aaking pinagsisisihan ko na umalis ako ng basta basta sa poder niya..Pakiramdam ko ay naiwan ang mahalagang parte sa pagkatao ko simula nung lisanin ko ang bahay na iyon..
Sa pag iisip kong iyon ay pumasok sa isipan ko si Stephanie. Namuo aag galit sa dibdib ko para sa kanilang dalawa. Niloko nila ako. Ilang ulit akong nagtiwala kay Maico pero ito pa rin ang nangyari sa akin, mas pinili niya si Stephanie. I know she's sick pero may pamilya naman sya ah...Bakit kailangang hiramin pa niya ang asawa ko?..or might as well say agawin ang asawa ko?..
"We'll stay in Rio De Janeiro to keep away from him..." aniya
Napatango na lang ako. Alam kong maling gamitin si Ken para makalimutan at makalayo ako kay Maico. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong gawain iyon ng isang duwag pero anong magagawa kp kung isa ako roon. Umaasa din naman akong babalik ang nararamdaman ko kay Ken and in time na magkita man kami ni Maico. Masasabi kong wala na talaga naka move on na ako..
"Thank you Ken...thank you so much.." napayakap na lang ako sa kanya. His hug is very comforting pero mas hinahanap hanap ko pa ron ang yakap niya na kakaibang saya ang ipinapadama sa akin.
"Just for you, Jane...i can do everything...just...stay with me, baby.." pabilong niyang saad habang hinahalikan ang buhok ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, paano kung bumalik si Maico?..hanapin niya ako...will i ever stay with Ken when that time comes?..
I shook that thought in my head. ako?..hahanapin niya?..babalikan?..i was the one who left..and i know by now he is happy with her...Tanga na lang talaga ako para umasa.
Sa ngayon at sa susunod pang mga araw, itutuon ko ang sarili ko kay Ken nang sa ganon ay mabilis ko siyang makalimutan.
Sa mga bagay na nagawa ni Ken para sakin gusto kong suklian iyon..Alam ko matatagalan pero sisiguraduhin kong maibabalik ko ang pagmamahal at alaga na ibinibigay niya sa akin.
Napabuntong hininga ako nang pumasok sa isip ko si Maico. Sa tuwing nakikita ko sa isip ko ang nakangiti nyang mukha. Para akong hindi makahinga at gusto ko na lang ibuhos ang luhang kanina pang pinipilit kong lumabas sa mata ko. Mas gusto ko na lang iiyak ito kesa ganito na bumibigat lang sa dibdib ko pero ni kahit kaunting luha ay ayaw lumabas sa mga mata ko. Mas mahirap aag ganito para akong mawawala sa sarili...
Vote.Comment.Share

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...