Chapter 22

5.4K 90 3
                                        


May isang linggo na rin kaming nandito sa Italy.. Kaya pala dito napili ni Maico dahil may kakilala siyang pwedeng mapagtrabahuhan. Jones Group Company ang pangalan ng kumpanyang pinapasukan niya bilang isang I.T. specialist. Naging busy na sya lalo pa at training pa lang niya ngayon habang ako naman ay nananatili dito sa bahay na tinutuluyan namin.

Nalaman ko rin na plano niya na talagang dito pumunta. Sila papa daw ang humanap ng pwede naming tuluyan dito. Hindi naman ganun kayaman sila Maico, hindi gaya nila Ken na may mansion at hotels. Nagtatrabaho bilang nurse si mama while si papa naman ay isang head sa isang government office. May planting business sila na pinagmumulan ng income ng pamilya nila.

Mag-isa nanaman ako dito sa bahay, gusto kong lumabas kaso hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito sa Venice. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagaayos ng bahay.

Pagdating ng hapon ay nagluto na ako ng dinner namin. Hindi naman ako ganun kagaling magluto basta ba may cookbook na guide ko ay okay na. Maya maya pa ay dumating na si Maico na mukhang pagod na pagod.  Nilapitan ko ito para kuhanin ang bitbit niyang laptop nang yakapin ako nito at isubsob ang mukha sa leeg ko.

"i cooked our dinner, Maico...kain na tayo para makapagpahinga ka na..." hindi siya nagpatinag, mas lalo niya pang isiniksik ang sarili niya sa akin.

"Ang sarap sa feeling na uuwi ako galing trabaho at sasalubungin ng maganda kong asawa..." mabilis na umakyat ang dugo ko sa aking mukha, hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya.

"I love you wife..." hinarap niya ako hawak ang magkabila kong pisngi.

"Mahal din kita...sobra pa.." sagot ko pabalik. Hinalikan niya ako sa labi ng matagal na siyang ginantihan ko rin pabalik..

Mabilis na lumipas ang mga araw, nakasanayan ko na ang buhay dito sa Venice. Nakakalabas na rin ako at madalas kong puntahan ay ang townhouse na puro lutong pinoy. May mga kakilala na rin kami dito kaya medyo nakakapag adjust na talaga kami.

Si Maico naman ay abalang abala na sa kanyang trabaho, minsan nga ay ginagabi na ito dahil sa overtime..

"Okay lang ako tay...medyo nasasanay na rin po ako dito..." sagot ko sa tatay ko na kaharap ko ngayon sa laptop, magkausap kami ngayon through skype. Nasa likuran niya ang nanay ko at 3 kong kapatid, wala ang kuya ko marahil ay nasa trabaho pa..

(Siguraduhin mo lang anak...subukan lang ng Maico na yan na paiyakin ka uli...mapapatay ko na talaga yan..)

"Tay naman..eh di lalo naman akong naiyak nun?..at saka hindi niya na po yun magagawa pa..." paninigurado ko sa aking ama, narinig ko pa ang pagtawa ng 2 babae kong kapatid.

(Oh sya...basta nandito lang kami anak ha...oo nga pala...gusto kang makausap ni Ellaine...)

"Ah...b..bakit daw po.." simula noong mangyaring aksidente sa akin ay hindi ko pa nakakausap si Ellaine. Pansin niya rin siguro na iwas ako kaya nahihiya rin siyang kausapin ako...

(Baka mangangamusta rin lang..oh sya nandito na sya...)

Tumayo na ang aking ama at ina at lumabas na ng kwarto ganundin ang tatlo kong kapatid. Si Ellaine naman ang humarap sa laptop para makausap ako.

(Allena...) malungkot ang mukha nito at parang may bumabagabag sa kanya.

"Ellaine...okay ka lang?..may problema ba?.." kausap ko sa kanya. Siguro tama ring kalimutan na lang namin iyon nangyari, masaya na akong kasama ang asawa ko at naiintindihan ko na rin kung bakit nagawa niyang ilihim iyon sa akin. Ayaw niya akong masaktan, natakot rin siya sa maaaring mangyari sa akin gaya ni Farrah.

(Allena kasi...)

"Kalimutan na natin iyon Ellaine...alam kong nagawa mo iyon kas--"

(Ayaw ko ng magtago sayo Allena...m..may hindi ka pa  nalalaman..)

Nag umpisa akong kabahan, anong hindi ko pa alam?..hindi pa ba sapat iyong mga nalaman ko noon?..

(Allena, si Ken...)

Bigla ay pumasok sa isip ko si Ken. Hanggang ngayon ay nagiguilty pa rin ako sa pag iwan sa kanya pero sa tuwing nakikita ko ang asawa ko nawawala ang guilt na iyon at napapalitan ng saya.

"Ellaine...masaya na ako kasama si Maico...please lang.."

(Nandyan si Stephanie, Allena...)

Matagal bago rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Ellaine. Pilit na napatawa ko.

"Nagpapatawa ka ba, ellaine?..pumunta kami dito pra lumayo...para magsimula ulit..."

(Hindi ko gustong manghimasok Allena pero sobra na...bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?....)

Nag init ang ulo ko kay Ellaine, kaaayos nga lang namin eh, okay na ang usap namin tapos eto nanaman?..

"Kung wala kang magandang sasabihin wag ka nalang umimik" galit kong saad dito, ie end ko na sana ang video call nang matigilan ako.

(May sakit si Ken...gaya ni Stephanie....gaya ng ikinamatay ni Katherine...)

"A...anong?.."

(Yes, Allena...patay na si Katherine..iyon ang dahilan kung bakit hindi na nakauwi si Ken..genetic ang sakit nila....Leukemia....)

Nanginig ang buong katawan ko,. Leukemia?...s.si Katherine, w..wala na siya?..Kaya ba ganun nalang ang reaksyon ni Ken nang itanong ko sa kanya si Katherine?..Napahagulhol na ako, bakit kailangang kunin si Katherine?..napakabuti niyang tao...

(kahapon ko lang nalaman, Allena...nakausap ko si Kiana...Allena, Ken needs you...ayaw nyang magpagamot.. wala na rin daw silbi dahil wala ka na sa kanya... pwede pa syang gumaling Allena....tulungan mo siya...)

"Pero, Ellaine...pano si Maico?..o..okay na ako dito..."

(Okay?...Okay nga ba?..kailangan din siya ni Stephanie...tingnan mo nga at dinala nya rin sya dyan para mabantayan...hindi sa sinisira ko ang meron kayo Allena, ayoko lang ikaw ang magmukhang kawawa sa huli..)

Hindi ako nakaimik, parang unti unting pinupunit ang puso ko, kung totoo mang nandito si Stephanie, hindi ako magdadalawang isip na umuwi ng Pilipinas para kay Ken..

(Pag isipan mo Allena...Sinabi ko sayo noon pa man...hindi ako kampante sa Maico na iyan..)

Sinabi na ni Ellaine sa akin iyon, ayaw niya kay Maico, wala daw siyang tiwala dito hindi gaya ni Ken pero hindi ako nakinig lalo pa at pinagtutulakan ako ni Farrah kay Maico. Noong naging kami ni Maico, hindi na nangialam pa si Ellaine, ngayon na lang ulit.

Tulala ako buong maghapon, iniisip pa rin ang mga sinabi ni Ellaine. Nabalik lang ako sa sarili nang may humalik sa pisngi ko. Naupo siya sa tabi ko at isiningit ang ilang buhok ko sa gilid ng tenga ko...

"okay ka lang?.." aniya. Pilit akong ngumiti dito. Gusto ko siyang tanungin pero naunahan ako ng takot. Paano kung totoo nga, hindi ko na alam ang maaring gawin ko.

Marahan akong tumango habang siya ay nakayakap lang sa akin.

"Maico, walang sikreto diba?.." napakunot noo siya...

"Wala ka namang tinatago sa akin diba?.." pagtatama ko.

"What made you say that.?.of course, w.wala..." gusto ko siyang sampalin, napakasinungaling niya, huling huli na sya, nakikita ko sa mga mata niya.

"Mahal mo naman ako diba?.."

Ngumiti siya at humalik sa labi ko.

"Sobra....mahal na mahal kita..." pero sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako ramdam kong totoo at walang halong kasinungalingan ang mga sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan, litong lito na ako. Hindi ko yata siya kayang iwan kahit na masaktan pa niya ako..

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon