"Nay, tay...alis na po ako...." nilingon ako ng aking ama na nagsisibak ng kahoy sa gilid ng bahay namin habang ang aking ina naman ay saktong kalalabas lang ng bahay para isampay ang mga hawak niyang damit.
Nagmano muna ako at humalik sa kanilang pisngi bago bumyaheng muli kasama si Ellaine. Pabalik na kasi kaming muli ng Calapan para ituloy ang pagpasok namin.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari ang hiwalayan namin ni Maico. Kahit kailan ay hindi sya nawala sa isip ko pero sinusubukan kong maging malakas para sa ikabubuti ko rin.
Pagkarating namin ng apartment ay nanghihinang napaupo ako sa couch na magabok na. Ilang buwan na rin nga palang hindi ito nalilinis simula nang magbakasyon kami ni Ellaine. Bakasyon na pakiramdam ko ay isa sa malaking pagsubok na ikinaharap ko.
Nakakaramdam ako ng pagkahilo at pagbaligtad ng sikmura dahil marahil sa mahabang byahe. Medyo matagal din kasi bago ako muling nakabyahe ng malayo.
"Hala...namumutla ka Allena..." mabilis na lumapit sakin si Ellaine at sinapo ang aking noo at leeg. Umiling lang ako saka ipinikit ang aking mga mata. Mawawala din ito maya maya, sanay naman na akong ganitong naliliyo at nasusuka. Minsan nga ay parang gusto kong manigaw na lang o di kaya ay naghahanap ako ng pagkain.
"Okay lang ako....pahinga muna ako ha...." dahan dahan akong tumayo nang maramdaman kong medyo nawala na ang pagkahilo ko saka ko tinungo ang aking kwarto.
Nang magising ako ay nakakarinig ako ng tawanan sa labas ng kwarto. Muli ko nanamang naramdaman ang hilo pero saglit lang at nawala din ito kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto.
"Oh!..Allena!...mabuti nagising ka na...tara dinner na tayo..." pag aaya ni Ellaine nang makita akong lumabas ng kwarto. Napakunot noo ako nang makita kung sino ang kasama nya pero agad din akong napangiti at mabilis na nilapitan ang lalaking nasa tabi nya.
"Ken!..nandito ka na ulit...." sobra ang saya ko na halos mapatalon pa ako sa pagyakap dito. Ang bango, ano kaya ang pabango niya?. Ang tangkad nya pa, sarap nyang yakap yakapin.
"Ehem!...Allena, kakain na tayo..tama na ang yakap...hindi naman halatang namiss mo si Ken?.." natatawang saad ni Ellaine saka na dumiretso ng kusina. Kumalas na ako sa yakap kay Ken pero isinabit ko naman ang kamay ko sa kanyang braso saka sya iginiya papuntang kusina.
"Ano ulam natin?....gusto ko ng tinola"
"Tamang tama...tinola niluto ni Ken, kanina pa yang nandito, hinihintay kang magising.."
Hindi na ako umimik pa sa halip ay kinuha ko na agad ang sandok para kumuha ng kanin. Napapatingin sa akin si Ellaine kasabay ng pagkunot noo nito dahil sa gana kong kumain. Nakikita ko naman ang maliit na ngiti ni Ken kaya hindi ko napigilang pisilin ang matangos niyang ilong. Parang lalong tumatangos ilong nya pag ngumingiti, if that's even possible..
"Ay grabe ha...pati ba sa pagkain Allena, naglalandian?" napatawa na lang ako sa tinuran ng aking pinsan saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Kinabukasan din ay maaga kaming nagising ni Ellaine para pumasok. Ngayong nasa third year na kami ay medyo mahirap na rin ang magiging lessons namin. Sa pagkakaalam ko ay this year kami mag ojt then sa fourth year naman ang thesis namin.
"Ken!"..tawag ko nang makita kong papaakyat na ito ng hagdanan. Agad naman itong tumigil at nakangiting humarap sa akin kaya napansin ko nanaman ang matangos niyang ilong na agad kong pinisil, lumapit pa ako para amuyin ang kanyang damit. Ang bango nya talaga..
Nasa ganoong posisyon kami nang tumilapon sa sahig si Ken dahilan para mapatingin ang ilang nadadaan at mapababa ng hagdanan ang security guard.
"Maico!.." masama ang tinging ipinukaw ko sa kanya pero sinalubong din nya ako ng kanyang nagngangalit na mga mata.
"Sana sinabi mong si Ken pa rin ang gusto mo kesa kung anu ano pang nireason mo maghiwalay lang tayo..." madiin nyang saad, nagiigting ang kanyang bagang at nagbabaga ang kanyang mga mata.
"Wala na akong pakialam sa sinasabi mo Maico...sabi ko tama na diba?..tigilan mo na ako..." lakas loob at may diin ko ring saad. Hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kanya pero mali ang ginawa nyang basta na lang manununtok. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero nangingibabaw ang pagkainis ko dito.
"Ano yan?...agang aga nyong nag aaway dito..." ani ng guard. Nilapitan ko si Ken para tulungan itong tumayo, hindi ko na rin napansin na nakaalis na pala si Maico.
"Pasensya ka na Ken..." paumanhin ko dito. Hindi ko na rin napansin si Ellaine na nasa likuran ko lang kanina.
"Allena, bakit nga pala wala ka nung outing last month?..." tanong sa akin ni Ate Janine pagkapasok mo ng room.
"Busy kasi.." naging sagot ko na lang. Ayoko ring pag usapan pa ang naging bakasyong ng bawat isa sa amin. Ayokong maungkat nanaman ang nangyari pero wala talaga akong ligtas sa matalas na bibig ni Ate Janine.
"Siguro may sarili kayong vacation ni Maico noh...yiiee...boracay?.." pang uudyo nya sa akin. Marahil ay napansin ni Gwen ang alangan kong ngiti kaya sinuway nya na lang si Ate Janine na syang sinimulan nanaman ng sagutan nilang dalawa.
"Nasan na nga pala si Ellaine?.." tanong ni Gwen, maging si Farrah ay wala pa. Sakto namang magkasabay pumasok ang dalawa na kapwa blanko ang ekspresyon ng mukha pero agad ding ngumiti ang mga ito nang makita kami.
Matapos ang klase ay nagka ayaan silang magJollibee muna pero tumanggi ako. Naliliyo kasi ako at gusto ko ng matulog.
Habang naglalakad ako papunta ng sakayan ng tricycle ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang pinaka iniiwasan kong tao sa ngayon. Nanlilisik ang mata niyang lumapit sa akin.
"Mabuti naman nakipaghiwalah ka na..." mataray nyang saad. Akma ko na syang lalampasan nang hablutin nya ang braso ko. Pakiramdam ko tuloy ay mas nadadagdagan ang hilo ko ng dahil sa kanya at nagsisimila na rin akong mairita.
"Wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita ..." mariin nyang saad sa akin pero napaikot lang ako ng mata. Konting konti na lang ay mapapatulan ko na rin sya.
"Binabalaan kita Allena...wag mo ng guguluhin pa si Maico at Steph...ngayong okay na sila ayaw ko ng makieksena ka pa...." tila nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya pero sinikap kong ayusin ang postura ko at magmukhang hindi apektado sa sinabi niya.
"Wag kang mag alala Roxy....tapos na ako dyan....wala ka ng dapat ikatakot pa..." marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko saka na syang nilampasan nang muli siyang magsalita na nakapagpatigil sa akin.
"Why would i be scared?...they're flying back to Italy as of now....for good..." aniya. Nanginig ang katawan ko sa narinig, parang nanghihina ako. Kanina lang ay kaharap ko siya at hindi ko inaasahang aalis na rin sya ngayong araw din na ito.
Nilingon ko si Roxy na nakangiting tagumpay sa akin. Mapait akong ngumiti sa kanya kasabay ng pagluha ko na hindi ko na napigilan.
"I'm glad he's following his dream, his happiness..." hindi ko na pinansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Roxy. Mabilis na lang akong umalis doon at sumakay ng tricycle pauwi ng apartment. Nang makapasok ako ng aking kwarto ay doon ko na tuluyang inilabas ang halo halong nararamdaman ko.
I can get through this. Malalagpasan ko ito, i know. Makakaya ko lahat ng sakit. But then as i was crying ny heart out ay naramdaman ko ang matinding sakit sa aking tiyan at pag ikot ng paligid. May naramdaman akong umagos na kung ano sa hita ko kaya sinalat ko iyon. Nang tingnan ko ang aking palad ay hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Dugo
Vote. Comment. Share
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...