Early marriage...sa pagiging mapusok namin at maling desisyon ay napasok kami sa bagay na hindi pa kami handa. Walang tamang desisyon, hindi alam ang patutunguhan. Tinalikuran namin ang mga pangarap namin dahil lang sa pagmamahalang mahina naman ang pundasyon.
Akala ko noon pag naikasal ka sa taong mahal mo ay masaya ka na, walang problema pero sa simula lang pala iyon. Sinubok kami ng pagkakataon, kung hanggang saan ang makakaya namin.
Hindi nga pala sapat ang pagmamahal para tumibay ang samahan ng mag asawa. Kailangan din ng katapatan at tiwala sa isa't isa. May mga bagay din naman na kailangan mo ring isuko hindi dahil ayaw mo na kundi dahil sobrang mahal mo lang talaga siya na handa kang magparaya para sa ikasisiya niya. Lalo na pag dumadating sa puntong napakahina mo na.
"W..what?..." i tried to hold my tears. Kailangan kong tibayan ang loob ko, hindi ako pwedeng maging mahina sa harap niya.
"Gusto ko ng makipaghiwalay sayo..." i tried to talk normally as if it's just nothing to me. Pero sino nga bang niloko ko?..sa relasyong ito ako lang naman ang mahina at tanga.
"PUT*NG*NA NAMAN JANE!...ANO NANAMAN TO?!!...AKALA KO BA OKAY NA TAYO?!.." nagulat ako sa pagsigaw niya. Namumula sa galit ang kanyang mga mata at nag iigting ang panga niya.
"h..hindi sa ganun Maico..."
"Eh ano?!...sabihin mo nga Jane...si Ken pa rin ba?..sya pa rin ba dyan sa puso mo?.." lumamlam ang mata niya at konti na lang ay tutulo na ang luha niya. Bakit?..hindi ba at si Steph naman ang mahal nya, bakit ganito sya sa tuwing kaharap ako?..ipinaparamdam niyang mahal nya ako kahit hindi totoo.
"Hindi Maico....we're still young...i enjoy muna natin yung mga buhay natin bago tayo matali sa ganito...tuparin muna natin yung mga pangarap natin...in---"
"simula nang makasal tayo natupad na ang pangarap ko Jane..." tila nalaglag ang puso ko sa sinabi niya but then truth slapped me again. I wasn't his dream kahit noon pa.
Napailing ako at pilit na ngumiti.
"hindi ba't gusto mong magkaroon ng banda at makilala?..why not give it a try Maico...magaling ka,..kayang kaya mo yan..."Napaiwas siya ng tingin. I have seen how he loves to play drums and guitar, i've seen his composed songs, his planned band. Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan noon. Iyon ang makapagpapasaya sa kanya.
"i don't care about that effin' band anymore Jane...ikaw ang kailangan ko Jane."
"Sinasabi mo lang yan Maico but once we turn our backs and fulfill our own dreams, we have something to be proud of...something na kukumpleto sa buhay natin...and when time comes at magkita man tayo ulit...we'll see..."
"Why is it so easy for you to say those?..bakit ayaw mo akong paniwalaan na ikaw ang mahal ko...Jane, ikaw ang pangarap ko, ang mahal ko, ang lahat lahat sa akin...just please...don't do this.."
"If we're really meant for each other, it will be...baligtarin man ang mundo Maico, kung tayo talaga, wala silang magagawa.."
"mahal mo ba talaga ako?.."
"I wouldn't give you chances if i don't love you...i wouldn't come back to you if i don't love you...sobrang mahal kita Maico na halos kalimutan ko na ang sarili ko...hindi ibig sabihin na hiniwalayan kita dahil hindi kita mahal, sobrang mahal lang talaga kita kaya ko ginagawa ito...para sa ikabubuti natin Maico, para sa kinabukasan natin..."
Napasabunot siya sa kanyang buhok. Sinipa niya ang kama sa gilid namin saka hinagilap ang malapit na bagay sa kanya at pinagbabasag iyon.
"Ano pa bang kulang Jane?.graduate naman na ako ah, may trabaho na rin ako....i can give you a better life now.."
Hindi ako makaimik. I want him to understand my point pero mukhang malabo talaga. Pagka uwi namin galing kayla Shan ay ganito na ang nangyari. Sobrang saya niya kanina kasama sila lalo na nang magsimula na silang tumugtog. There's something in his eyes while playing the instrument, kumikinang ang nga mata niya, that happiness a young man could have. Walang iniisip na ibang bagay kundi ang pagtupad lang ng pangarap niya, ang pag eenjoy sa buhay kabataan.
"Is it because of Steph again?.."
"Hindi lang iyon ang reason Maico...there's a lot of i---..."
"Then tell me everything!...make me understand!..dreams?..i had fulfill my dreams when I had you..."
Mukhang gulong gulo na siya. I'm trying to make him understand.
"Masakit na kasi Maico...sinasampal ako ng katotohan na hindi dapat ako ang kasama mo kundi siya.. hirap na hirap na ako Maico..." in an instant my tears fell down. Hindi ko na kinaya, i feel so weak.
Hindi umimik si Maico, napaiwas siya ng tingin at patuloy ang pag igting ng panga niya. Nilapitan ko ang cabinet at nagsimulang mag impake. Wala siyang imik pero ramdam ko ang mga titig niya. Nang maisara ko ang bag ay isinakbit ko iyon sa balikat ko at muli siyang hinarap but i tried to avoid his gaze.
"A--" napalunok ako.
"A...alis na ako..." pinilit ko pa ring sabihin iyon kahit nanginginig na ang boses ko. Mabigat ang mga naging hakbang ko palabas ng kwarto namin.
"Sige Jane...umalis ka...I wouldn't come after you again...napapagod din ako..."
I turned to him before opening the door then I smiled.
"Then have it a rest Maico..follow your dreams not me..coz' i'll do the same..." matapos kong sabihin ang katagang iyon ay tuluyan na akong lumabas ng silid. Pagkasara ko ng pinto ay napahawak na lang ako sa pader bilang suporta sa nanghihina kong mga tuhod. Tutop ang aking bibig para pigilan ang iilang hikbi.
I was a fool to leave him like that pero ito yung alam kong makakabuti sa amin. Tama na rin itong ginawa ko para hanapin namin ang mga sarili namin.
"Nay...tay....s...sorry po..." hindi umimik ang mga magulang ko. Sa halip ay niyakap nila ako at tinanggap muli. Matapos kong hindi makinig sa kanila at talikuran sila ay heto at handa nila akong tanggaping muli.
Iba pa rin talaga pag nakagabay ang magulang mo sa lahat ng gagawin mo. Maaring dapat may sarili na rin tayong desisyon pero hindi ba at kailangan din natin ng gabay nila? Pero ako, sa lahat lahat ng nangyari, ngayon ko lang narealize ang bagay na iyon.
"Sorry po...."...iyak ko....I should start a new life without Maico. Alam ko mahihirapan ako pero susubukan ko. Desisyon ko ito kaya papanindigan ko.
Vote. Comment. Share.

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romansa"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...