Lutang ang isip ko at hindi ako makausap ng maayos. Madalas akong magkulong sa kwarto para makaiwas lang kay Ate Niz. Tama, si Ate Niz. Siya iyong nakita kong naroroon din sa bahay kasama si Maico at Stephanie.Gusto kong magalit sa kanya dahil sa kabila mga sinabi niyang mga salitang nagpapacomfort sa akin noon ay heto at isa siya sa may tinatago sa akin pero hindi ko magawa dahil siya na ang tumatayong ate ko dito habang malayo ako sa pamilya ko.
Napapaiyak na lang ako sa sakit at sama ng loob ko. I felt betrayed and alone. Pinilit kong pigilin ang pagiyak ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"Wife?" My grip tightens on the blanket that covers my whole body. How dare he calls me wife when he's hurting me like hell?..
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng cabinet. Mukhang umuwi lang siya para kumuha ng masusuot. Parang kinakapos na ako ng hininga dahil sa sakit ng puso ko. Nang marinig ko ang pagsasara niya ng kanyang bag ay naramdaman ko naman ang paglundo ng kama.
"I love you..." napahikbi ako sa sinabi niya. Love?..eh si Stephanie, mas mahal niya?..mahal niya lang ba ako kasi ako ang pinakasalan niya?..
Ilang saglit pang nanatili lang siya sa gilid ko. Tahimik lamang siya at tanging naririnig ko ay ang malalim niyang paghinga.
"I....I'm sorry..." hirap niyang saad. Nagsosorry ba siya dahil sa panloloko niya sa akin? Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang kumprontahin pero naunahan ako ng hina ng loob. Hindi ko kaya.
Lumakas ang aking pag iyak nang makaalis na siya. Ang sakit. Ang sakit sakit na.
Nang tingnan ko amg oras ay pasado alas tres na ng hapon. Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng apartment. Tinungo ko ang park na madalas ay nasa panaginip ko. Ewan ko pero ito ang unang pumasok sa isip ko paglabas ko ng apartment.
Naupo ako sa bench habang nakatingin sa malayo. Marahan akong napatingin sa kamay kong nababasa na pala ng luha ko.
"Umiiyak ka nanaman..." masyado sigurong okupado ang utak ko kaya hindi ko napansin si Ken na nakaupo sa tabi ko. Napatitig lang ako dito na pinupunasan ang mga luha ko. Umiwas ako sa ginagawa niya at ako na mismo ng kumuha ng panyo pampunas sa luha ko. Nakita ko nanaman ang burda ng panyo niya pero iba na ang kulay nun hindi lang nagbago ang bulaklaking design ng pnyo subalit mas nangibabaw ang sakit na nararamdaman ko..
"You're her cousin diba?..alam mo ba na nagsasama sila?..." bigla ay tanong ko dito.
Napakunot noo siya, waring nagtatanong ang kanyang mga mata pero napalitan ng galit iyon once na mrelize niya ang tinutukoy ko.
"I'll kill him..." hasik niya. Tumayo siya sa pagkakaupo sa harapan ko at akma ng aalis nang tumayo ako at hawakan ang kamay niya upang pigilan. Nanginginig ang kamay niya at namumuti na ang kamao niya sa sobrang higpit ng pagtiim noon.
"W...wag Ken....A..Ayokong mawala siya.." wika ko. Hindi takot na mamamatay kung hindi sa takot na sakaling piliin niya si Stephanie at makipaghiwalay siya sa akin. Okay na ako sa ganitong set up basta ba ako pa rin ang asawa niya at nakakasama ko pa rin siya kahit sandali..
"What?..you will let him live in with Steph when you two are married?" Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Tama nga bang hayaan kong magsama sila gayong kasal kami?. Napaiyak na lamang ako sa harapan niya. Ayokong nakikita niya akong ganito pero hindi ko na kaya. Sobrang sakit na talaga.
"Sshh...tahan na Jane..." alo niya kasabay ng pagyakap niya sa akin.
"I'm here Jane, I will never leave you again...." humigpit ang yakap ko sa kanya. Sana ganito si Maico sa akin, sana naririto siya sa tabi ko sa tuwing nasasaktan at umiiyak ako pero hindi, siya ang dahilan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
May isang oras yata akong umiiyak habang yakap yakap niya para icomfort at nang tumahan na ako ay inaya niya akong kumain. Hindi na sana ako sasama dahil wala akong gana at gabi na rin pero mapilit talaga siya kaysa magkulong lang daw ako sa kwarto at umiyak ay sumama na lang daw ako sa kanya para medyo makalimot naman daw ako sa aking problema.
"Good evening po sir, mam..." may respetong bati ng guard sa labas ng isang mansion. Napaawang ang labi ko sa ganda at laki ng mansion pero halata doon na malungkot ang kulay noon marahil ay sa mapusyaw na ilaw ng buong lugar.
"Come on..." nakangiting aya niya sa akin. Hinila ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Nakita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya pero sahlit lang iyon at muli siyang ngumiti.
"Wh...what are we doing here?" Kunot noong tanong ko dito.
" ah sorry... welcome to my parent's mansion..." Nakabuka pa ang kamay niya habang sinasabi iyon.
"I..inyo to?"....hindi ko makapaniwalang tanong. Simple lang itong ngumiti at marahang umiling.
"My parent's..."
"Oh!..they are your son so iyo din 'to"...
Napa iling iling siya...
"You said before that this isn't mine but my parent's..."
"A..ako?.."
"Ah...n-no..sorry...let's get inside..." sumunod ako sa kanya papasok ng mansion. Lubos ang paghanga ko sa nakakapigil hiningang landscape ng garden nila.
"Hey mom, dad..." napalunok ako nang mabaling ako sa ngayong kaharap na naming parents ni Ken. Ah! Bakit hindi ko naisip na makakaharap ko ang parents niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, parang gusto ko ng kumaripas ng takbo palabas ng mansion. Paano kung istrikto at nakakatakot ang parents niya.
Pero nawala ang pangamba ko nang magiliw na ngumiti ang mommy at daddy ni Ken.
"Jane!..how are you?..." napatingin ako kay Ken ganundin ang mommy nito. Sa tinginan ng mag ina ay parang naguusap ang mga ito.
"Jane, this is my mom and dad...mom dad si Jane po.." pagpapakilala ni Ken. Inabot ng mommy ni Ken ang kamay ko saka nakipagbeso.
"Call me tita Carelle...and that old man is tito Nick..." napatawa pa si Ken sa sinabi ng mommy niya na nakapagpasimangot sa kanyang daddy. Pinigil ko ang matawa, baka magalit ang daddy ni Ken.
"good evening, iha...come in...the dinner is probably ready..." mainit ang pagtanggap nila sa akin. Hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Ken, napakabait at maalaga nila.
Napangiti ako kay Ken habang daan namin papunta sa dining area. Sa labas pa lang ay humanga na ako sa ganda ng mansion lalo na ng narito na ako sa loob. May malaking chandelier pa na nakasabit sa ceiling at mamahalin at magagandang antiques design sa bawat sulok ng mansion. Napakalaki rin ng maroon na couch at mukhang malambot iyon, parang gusto ko tuloy tumalon doon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Maging sa pagkain ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagpuri sa lahat ng nasasaksihan ko. Napakasarap pa ng mga putahe at mukhang mamahaling mga kubyertos pa ang gamit dito. Masaya kaming nag uusap habang kumakain. Nakaramdam tuloy ako ng inggit kay Ken. He has a perfect life, napakabait ng mga magulang niya at napakayaman pa nila.
Matapos ang dinner ay inaya ako ni Ken sa pool pero natigil kami sa living room nila nang maagaw ng pansin ko ang mga pictures na nakadisplay roon.
"Sino to?.." tanong ko habang nakaturo sa picture ng isnag babae.
"She's Kiana, my sister.." pumasok sa isip ko ang batang baaae noon sa mall. Kaya pala parang pamilyar ang parents ni Ken dahil naroroon din sila. Tuloy-tuloy lang ang tingin ko sa picture nang ayain nya na ako sa pool area.
Saglit kong nakalimutan si Maico noon pero nang makaramdam nanaman ako ng pag iisa sa aming kwarto ay hindi ko napigilang mling mapaiyak. Gusto kong magsabi sa parents ko pero inunahan ako ng takot Paano kung magalit sila at paghiwalayin kami?..No!..baka hindi ko kayanin, baka ikamatay ko pa...
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...