Chapter 42----the gift

5K 122 13
                                    


8:00 pm nang magsilabasan ang mga bakasyunista papunta ng beach. Maliwanag ang tabing dagat dahil sa ilaw sa paligid. May mga fire dancer din at ilang stand ng ihawan at inuman. Nagmukhang fiesta ang lugar lalo pa at may malakas na tugtog galing sa resort house.

Kani kanina lang ay nagsalita ang manager ng resort para sa pasasalamat at konting paalala. Matapos niyon ay nagsimula na nga ang kasiyahan.

"Ang saya dito..." walang pagsidlan ng tuwa ang aking dibdib. Nag eenjoy talaga ako sa panonood at pakikipagsayawan at tawanan sa mga kapwa namin bakasyunistang naroon. Halos lahat naman ay mag aasawa ang naririto, kami lang yata ni Maico ang pinaka bata dito bukod sa mga anak nilang naiwan sa pool area sa loob ng resort house.

Maya maya pa ay tila naging ritmo ang paggalaw ng lahat hanggang sa nakaikot na sa amin ang ilang mananayaw. Sa mga sandaling iyon ay bumagal ang kanta at lumamlam din ang ilaw sa paligid. Natigil naman ang ilan at nakapanood na lang sa amin ni Maico na naririto sa gitna. Hinapit niya ang bewang ko dahilan para mapahawak ako sa batok niya at mapatitig sa kanya. Nagsimula kaming gumalaw sa saliw ng kanta. Hindi ko alam kung bakit bigla ay ganito ang nangyari, pakiramdam ko tuloy ay nag usap usap sila para mangyari ito.

Nagbago muli ang kanta at naging masigla iyon. Napatingin pa ako kay Maico nang may lalaking humigit sa akin at nakipagsayaw. Napatawa na lang ako nang may humigit namang babae kay Maico at nakipagsayaw din. Nagpapalit palit kami ng kasayaw hanggang sa magkatagpo ulit kami. Panay ang tawa namin at talagang enjoy na enjoy ang bawat sandali.

Nang magsalita ang emcee ay inilabas na ang maliwanag at naglalakihang lantern. I gasped when Maico held one and bring it in front of me.  Kapwa namin hinawakan iyon hanggang sa makalapit kami sa dagat. Isa ito sa pangarap ko, ang magpalipad ng lantern kasama siya. Naririnig ko kasi noong bata pa ako na ang taong makakasama mo sa pagpapalipad ng lantern ang syang nakatadhanang makasama mo habangbuhay. Hindi na nawala sa isip ko ang bagay na iyon, just like fairytales I used to believe in at heto nga makakasama ko ang taong mahal ko na tuparin ito.

Nang lingunin ko ang paligid ay bawat mag asawahan ang nakita kong may mga hawak ding lantern. Nang sabihin ng emcee na itaas namin iyon ay napalingon ako kay Maico. Nakangiti ito sa akin at inabot ang kamay kong nakahawak sa lantern.

Sa patatlong bilang ng emcee ay sabay sabay naming binitawan ang floating lantern. Napatingala ako upang makita ang maliwanag na kalangitan. Pakiramdam ko ay si Rapunzel ako sa movie na "tangled". Parang lulukso ang dibdib ko sa tuwa, nakakatunaw ng puso ang tanawin.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Maico mula sa aking likod.

"I love you..." bulong niya. Hinawakan ko ang braso niya na nakayakap sa akin at sumandal sa kanya. Kapwa kami nakatingin sa itaas, nakapanood sa papalayong lanterns.

"Mahal din kita.." sagot ko nang harapin ko siya. Gumuhit ang mumunting ngiti sa kanyang labi saka napatingin sa paligid. Nang makitang busy ang lahat ay mabilis niya akong hinalikan sa labi na syang ikinatawa ko. Mahina kong hinampas ang braso niya saka yumakap sa kanya.

"Sobrang saya ko Maico....Sana ganito na lang palagi....hindi ko na kakayanin pag nagkahiwalay ulit tayo..." i almost whispered. Napapikit ako nang halikan niya ang buhok ko at haplusin iyon.

"Hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon Jane...i promise...hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa..." Sana nga. Sobra na yung pagsubok na kinaharap namin, marami nang naidulot na sakit at ayokong mangyari ulit iyon.

Ayokong dumating kami sa puntong magkahiwalay muli. It was too painful and really heartbreaking. Sana lang tapos na kami sa ganoong stage. Sana wala nang makigulo pa sa kaaayos lang naming relasyon. Mahirap nang ibalik ang tiwalang muli kong ibinigay sa kanya. And I know mahirap din para sa kanya na tanggapin ang nagawa kong pagkakamali noon.

Pareho kaming nasaktan, pareho kaming naging mahina at sa pagkakataong ito kakapit ako sa pangako niyang hinding hindi na kami magkakahiwalay pa.

"Are you sure you're fine?..mamaya na lang kaya tayo umuwi..." kanina pa tanong ng tanong si Maico sa akin. Kanina kasing pagkagising ko ay nakaramdam agad ako ng pagbaliktad ng sikmura kaya napatakbo ako ng banyo tapos ngayon ay medyo nahihilo ako.

"I'll call the resort's doctor ok?.." dinampot niya ang telepono sa ibabaw ng lamesa. Hinayaan ko na lamang siya dahil nakakaramdam na rin ako ng panghihina isabay pang bumabaligtad nanaman ang sikmura ko. Napasobra yata ang kain ko kagabi ng barbecue at seafoods kaya ganito ako ngayon. Nakailang suway pa nga si Maico sa akin kagabi dahil halos lahat ng putahe ay tinikman ko na.

"Your wife will be fine mister...normal symptoms iyan ng nagbubuntis...just be careful everytime..------"

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng doctor, nakatitig na lang ako kay Maico na mukhang natigilan din sa narinig.

"Y..you're saying...m..my wife's..p.pregnant?.." nauutal niyang tanong nang makabawi. Tumigil naman sa pagsasalita ang doctor saka tipid na ngumiti sa amin.

"Yes Mr. Santillan...you're wife is pregnant..I'm sorry i thought you both know about it...well, from the tests I made...Mrs. Santillan is three weeks pregnant...is this your first time misis?.." bumaling naman sa akin ang doctor.

"Ah...n..no...i..i had m...miscarriage..." napatikhim ako sa huling sinabi sabay napaiwas ng tingin.

"You must be extra careful this time...magiging mas maselan ang pagbubuntis mo since you encountered miscarriage before..."

Napatango tango na lang ako. Nagpatuloy ng pagsasalita ang doctor sa pagbibigay ng tips for a healthy and safety pregnancy. Nang tingnan ko si Maico ay seryoso sya sa pakikinig sa doktor.

"Maico." tawag ko nang akma nya ng bubuksan ang room namin. Kanina pa siyang tahimik, hindi ko alam kung masaya sya o hindi pero nalinawan ako nang makita ko ang mga mata nya. Nangingislap iyon sa saya. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit matapos ang ilang sandaling nakatitig lang siya sa akin.

"Ang saya ko...m..magiging daddy na ulit ako..." napaluha ako sa narinig.

Nang kumalas siya sa yakap ay doon na nya ipinagsigawan kung gaano sya kasaya ngayon. Napapalakpak ang mga nasa paligid at binati kami. Nakita ko rin iyong matabang babae kahapon na nakangiti na sa amin ngayon. I smiled back at her, nakausap ko siya kagabi. Nagbigay siya ng advices sa amin para sa matibay na relasyon ng mag asawa. I mouthed thank you at her as she nodded as an answer, she told me last night na against siya sa early marriage but since she has nothing to do with it ay nag advice na lamang sya.

This will be the start of something new. Magiging mas malaking challenge ito sa amin kaya kailangan namin ang isa't isa. This is not just about the two of us anymore but also this child in my womb.

"y...you made me the happiest man alive my wife...i love you so much..."

Vote.     Comment.      Share.    

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon