"Allena, bakit hindi ka pa bihis?.." ani Ellaine nang marinig kong buksan nya ang pinto ng kwarto ko. Nilingon ko siya at tipid lang na napangiti.
Napakaganda ng ayos nya ngayon, ang totoo nga ay hindi sapat ang salitang maganda para sa kanya. Naka asul na off shoulder gown ito at nakabun ang brown niyang buhok. Acquaintance party kasi ng univ namin ngayon.
"Masama pakiramdam ko Ellaine ..sorry..."
Alalang lumapit siya sa akin at hinaplos ang leeg at noo ko. Nakakunot ang noo niyang sinalubong ang mga mata ko.
"Wag ka nga mag inarte jan..hala!...maligo ka na..bilisan mo!..parating na ang limousine mamaya..."
Walang ganang tinungo ko ang banyo para maligo. Paglabas ko ay nakahanda na ang susuotin ko at pangmake up.
"Upo.." aniya habang nakanguso sa upuang nasa harap nya. Nang maupo ako ay sinimulan nya ng lagyan ng kolorete ang mukha ko. Mabilis naman syang natapos dahil simple lang naman ang ginawa niya. Matapos iyon ay nagbihis na ako. Red backless gown naman ang suot ko. It was Ellaine's choice, ayaw ko mang suotin pero wala na akong magagawa dahil hindi ko rin naman alam ang dapat na isuot..
"Done!..tara na..kanina pang naghihintay si Ken..." sinimangutan ko si Ellaine. She knows I'm avoiding Ken pero napanguso lang sya.
"Eh limousine eh...ngayon lang naman...please?."
"Baka makita nanaman ni M..Maico na kasama ko si Ken.."
"Sus..bahala sya sa isipin nya...dumi ng utak nya, sarap bigwasan...halika na nga...promise ngayon lang to...okay?.."
Napayuko ako, anytime ay tutulo nanaman ang mga luha ko. Namimiss ko na si Maico. Isang buwan na rin ang lumipas simula ng huling pagkikita namin nung puntahan ko sya sa apartment nila.
"Allena, stop na okay?..halika na. " mahinahong saad ni Ellaine saka na ako inaya palabas ng kwarto ko.
Maingay ang buong gym at naglalaro ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid nang makarating kami. Minabuti ko na lang maupo habang nakikipagkasiyahan si Ellaine sa iba kong magugulong mga kaklase.
"Jane, kuha lang kita ng food mo ha.."
"Ken...will you distant yourself from me?..pasensya na ayoko lang mag isip ng kung ano si Maico.."
Malungkot na napangiti si Ken sa akin saka tumango. Tahimik siyang umalis sa kanyang kinauupuan sa tabi ko na pinalitan naman ni Gwen.
"May mga alumni daw na dadating Allena...baka nandyan si Maico.." tila nabuhayan ako ng dugo nang sabihin ni Gwen iyon. Nakaramdam tuloy ako ng excitement, kahit sa malayo basta makita ko lang sya.
"You look gorgeous Allena, sure ikaw ang queen ngayong gabi..."
"Thanks Gwen, ikaw din.."
Ilang minuto ang lumipas ay namataan ko ang lalaking nakagray na tuxedo. Napangiti ako, ngiting hindi pilit but it slowly disappear upon seeing Steph clinging her hand in his arms. Nakaramdam ako ng matinding selos. Are they back again?..
"Cr lang ako ha..." paalam ko kay Gwen. Tumango naman ito sa akin kaya tumayo na ako at tinungo ang comfort room. Napatitig lang ako sa sariling repleksyon sa malaking salamin sa harap ko.
Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi nang bumukas ang pinto ng cr at pumasok din si Roxy.
"Ow!..sorry, did i disturb your dramatic scene?.." mataray at nanunudyo nitong saad. I clenched my fist. If only i can hurt people physically she'll be my first victim.
"Kelan ka ba titigil Roxy?..you had ruined my life already"
"Whoaw!..stop there...me?..ruined your life?..are you kidding me?...sinabi ko lang ang totoo Allena...you're just too weak to let him go easily..."
Nag igting ang panga ko, i really want to slap her but i'm trying to control myself. Kung kaya ko lang talaga ang makipag away nabigwasan ko na siya.
Tumigil na rin siya nang pumasok si Ellaine. Napataas ang kilay nya nang makita si Roxy sa tabi ko na kasalukuyang naglalagay ng lipstick sa labi.
"Tagal mo..halika, nagsisimula na ang program.." Napatingin pa ako kay Roxy na matamang nakatingin din sa akin. She just rolled her eyes on me before she continue what she is doing.
"Allena saglit lang ha, dyan ka lang, sabay na tayong kumain..." nagmamadaling umalis si Ellaine papunta sa table ng ibang department habang ako naman ay nakapanood lang sa emcee na nagsasalita sa unahan.
Nagulat na lang ako nang may humablot sa aking braso palabas ng gym.
"M..Maico..." tinambol nanaman ng kaba ang dibdib ko. Sinalubong ng mata ko ang galit nanaman niyang mga titig.
"What are you wearing?.." napatingin ako sa suot kong pulang gown. Wala naman masama sa sinuot ko ah.
"You're trying to seduce men with your dress. .." napailing iling ako. Hindi iyon ang intensyon ko, ano bang masama sa suot ko?. Meron nga diyan na labas na ang cleavage at likod pero bakit hindi nya pinuna iyon?.
"S..sorry...akala ko kasi maganda, s..sabi ni E...Ellaine m---"
"Well it's not beautiful!" putol niya a sinabi ko. Nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ba ako maganda sa paningin niya?. Napatingala ako sa kanya. Nakakamiss ang ganito sya kalapit sa akin. Napayakap na lang ako sa kanya at napasubsob sa dibdib nya. I felt peace in his arms, pakiramdam ko hindi ako nag iisa.
"I missed you.." i whispered. Ilang minuto kaming nanatiling ganoon. Okay lang na hindi niya ako yakapin pabalik, ang hayaan nya akong mayakap sya at ganito ako kalapit sa kanya ay sapat na.
"You're not wearing a bra, are you?.." mariin nyang tanong dahilan para mapakalas ako sa yakap. Napatitig lang ako sa nanlilisik nyang mata at nag iigting nyang panga.
"S...sabi kasi ni Ellaine, hindi na kailangan nun..." hindi ko alam kung bakit ganito sya sakin. I smiled thinking he cares for me but it fades as he said these.
"You're thinking wrong Jane...we're still married, so you can't flirt yet...maybe after the annullment Jane..you can do everything, you can flirt with anyone.."
Napalunok ako. Is he working on our annullment, please say no.
"Our annulment will come out anytime, so be patient.." he turned his back at me and started to walk away. Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod kaya napatuon ako sa bakal na nasa tabi ko at tahimik na napaiyak na lang. Hindi ko na kaya, sobrang sakit na talaga...

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Любовные романы"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...