Chapter 16

6.3K 108 6
                                    

Sana ay hindi ko pagsisihan itong naging desisyon kong manatili sa kanya. Pero asawa ko siya, dapat ay nagkakapatawaran kami anuman ang maging pagkakamali ng isa. Nangako kami sa isa't isa noong kami ay ikasal kaya hindi dapat namin sirain iyon.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang aming kasal. Kahit sa huwes lamang iyon ay lubos ang saya na aking nararamdaman. Ikinasal ako sa taong mahal ko.

"Wife, okay na ba?.." nilingon ko ang aking asawa na nakasuit. Graduation day nila ngayon. Ibinaba ko sa kama ang hawak kong itim na toga na sisuotin niya saka lumapit ako at inayos ang tali ng necktie niya.

"Yan okay na...gwapo ng asawa ko..." ani ko matapos kong maayos ang pagkakatali ng kanyang necktie.

Hinapit niya ako at siniil ng isang malalim na halik. Kapwa kami habol ang hininga nang maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you..." magkatitigan kami at hindi mawala ang ngiti sa aming mga labi.

"I love you too hubby ko..." sagot ko. Lumawak ang kanyang ngiti saka ako muling hinalikan. Lumabas na kami nang katukin na kami ni Kuya Jared. Dala ko ang itim na toga ni Maico habang nakapaikot ang braso niya sa bewang ko.

Hanggang ngayon ay iwas pa rin ako kayla Ate Niz at Kuya Jared. Ilang beses na ring sinubukan ni Farrah at Ellaine na makausap ako pero hindi pa ako handang makaharap sinuman sa kanila. Hindi na rin naungkat pa ang nangyari ng gabing iyon at ayaw ko rin namang maalala pa. Masaya na ako ngayong kasama ko si Maico at hindi umaalis sa tabi ko.

"Maico Santillan..." sinundan ng aking mata ang pag akyat ni Maico ng stage. Hinanap ng kanyang mata ang pwesto ko. Hawak ang kanyang diploma ay itinaas nya iyon habang malawak na nakangiti sa akin. Hindi ko maiwasang mapaluha, graduate na ang asawa ko. Panibagong hakbang ng buhay ang tatahakin niya.

Matapos ang programme ay nagkaroon pa ng pictorial. Nakangiting nakapanood lang ako sa kanya habang nakikipagtawanan at nakikipagpicturan sa kanyang mga kapwa graduating na estudyante.

Napawi ang ngiti ko nang yakapin siya ni Stephanie na nakaitim na toga rin. Umalis na ako nang makita kong hapitin ni Stephanie ang suot ni Maico at halikan ang asawa ko sa labi.

Naiiyak na lumabas ako ng hotel na pinagdausan ng programa. Hindi na napansin nila mama at papa na umalis ako dahil may kausap pa sila.

Naghintay pa ako kay Maico, nagbabakasakaling sundan niya ako o hanapin man lang. Naglalabasan na ang ibang mga naroroon pero hindi pa rin lumalabas si Maico.

"Oh, iha, nasan si Maico?.." tanong ni mama nang makalabas na rin sila.

"N...nasa loob pa yata po....s..sige po.balik muna ako.." paalam ko sa mga ito. Tumango na naman sila at naunaang umalis kaya pumasok na akong muli ng hotel.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong hall. Nahagip ng mata ko silang parang nagtatalo. Pilit siyang niyayakap ni Stephanie pero umiiwas si Maico. Naningkit ang mata ko, napakalandi talaga ng Stephanie na iyon.

"Maico!..." buong lakas na tawag ko na nakaagaw ng pansin nila. Nanlaki ang mata mi Maico at halatang naalarma siya. Naglakad ako palapit sa kanila na hindi pinuputol ang tingin kay Maico.

"Jane..." sambit ni Maico, lumapit ito at hinawakan ako sa kamay. Bumaling ako kay Stephanie, nakataas ang kilay nito, iba sa unang kita ko na napaka amo at mala anghel nitong mukha.

"And desperada mo..May asawa ng tao pinipilit mo pa ring mapasayo..." blanko ang ekspresyon ng mukha ko. She seems taken aback pero agad ding nakabawi.

"Maico is mine since we were a kid. why don't you just come back to K---"

"Steph!..SHUT THE FUCK UP!!.." putol ni Maico sa sasabihin ni Stephanie. Mabuti na lamang at iyong tatlong crew na maglilinis lang ang naririto.

Nanlaki ang mata ni Stephanie sa sigaw ni Maico. Bakit?..Hindi ba siya sanay na sigawan nito?..tama lang sa kanya iyo, napakalandi niya kasi...

"Y...you s..shouted at me..." hindi makapaniwalang saad ni Stephanie, nangingilid ang luha niya. Nakonsensya tuloy ako, natuwa pa ako kanina nang sigawan siya ni Maico.

"Maico..." mahinang tawag ni Stephanie. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Maico. Gumuhit ang pagsisisi sa kanyang mga mata, ibubuka niya sana ang kanyang bibig pero nanahimik na lamang siya. Marahan kong pinaghiwalay ang magkasagop naming mga kamay. Nanikip ang dibdib ko nang hayaan niyang gawin ko iyon....

Dito ko malalaman kung sino ba talaga ang mahal niya. Kahit mahirap kailangan kong tiisin. Mas okay nang mangyari ito ngayon pa lamang kesa tumagal pa.

"Choose Maico...Is it me?..or Stephanie?..." tinibayan ko ang loob ko, pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko.

"Jane...don't do this...please?.." halata sa mata niya na nalilito siya.

"bakit?..nahihirapan ka?.. kung totoong mahal mo ako, hindi ka mag aalinlangang piliin ako.." sagot ko. Hindi siya umimik, kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at pagtangis ng kanyang bagang.

"bhabe....you promised...you said you love me..." gusto kong maiyak, ang tanga ko para maniwala kay Maico. Madali nga lang palang sabihin ang salitang mahal, tanga na lang ako para mabilis maniwala roon.

Tumalikod na lamang ako, nag unpisa na akong maglakad palayo. Umaasa akong susunod siya, na ako ang pipiliin niya. Alam ko ako ang pipiliin niya, ako ang mahal niya, ako na asawa niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lingunin siya. Parang pinapatay ang puso ko nang makitang magkayakap sila. Akala ko ba okay na?.. Ano iyong pagluhod pa niya at pagsigaw noong nakaraang linggo balikan ko lamang siya.?. Sabi niya mahal niya ako...

Mukha na yata akong ewan dahil sa sobrang pag iyak. Sumakay na ako ng tricycle pabalik ng apartment. Ayoko na, aalis na ako, hindi na ako magpapadalang muli sa mga salita niya.

"CONGRATU....lation...." humina ang boses nila nang ako lang ang bumungad sa kanila. Ah! Bakit hindi ko naisip na may ganito nga pala?..Nakita tuloy nila akong ganito..

Bago pa may magtanong ay nagtatakbo na ako ng kwarto. Kinuha ko ang green kong bag at ipinake ang mga damit ko. Kahit gabi na ay wala akong pakialam basta makaalis lang agad ako.

Panay na ang katok nila sa akin pero hindi ko sila pinagbuksan. Dala ang ATM ko at ilang mga gamit ay inihagis ko iyon sa bintana. Panay na ang katok nila mama pero hinyaan ko na lamang sila. Mabuti na lang at hindi kataasan ang aming kwarto kaya madali lang akong nakatalon.

Nagtatakbo na ako palayo. Narinig ko pang tinatawag ako nila Kuya Jared kaya napalingon ako.

Nanlaki ang mata ko nang lingunin ko ang harapan ko, isang sasakyan ang papalapit sa aking direksyon. Malakas ang busina nito at nakakasilaw ang ilaw nito na hindi ko malaman kung anong klaseng sasakyan iyon, kaya natapatabon na lamang ako sa aking mata, hinihintay na bumangga iyon sa akin..

Is this my end?..

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon