Chapter 17

6.2K 117 1
                                        


"You like it?.."
Nakangiting hinarap ko ito at mahigpit na niyakap.

"Thank you...ang ganda..." ani ko habang tinitigan ang kwintas na isinuot niya...

"Nasa akin ang key nyan...tayo lang dalawa makakabukas niyan..." sabi nito sabay pakita sa akin ng suot niyang kwintas.

-----

"Ate Jane.!..inaaway nanaman ako ni kuya!.." sumbong ni Kristine sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Ken na ikinakamot nito sa batok niya.

"Labas nga!" inis na taboy niya sa pangalawang kapatid na si Kristine.

Dinilaan lang siya nito bago nagtatakbo. Napatawa na lamang ako nang damputin ni Ken ang alarm clock niya at akmang ihahagis kay Kristine.

"Mommy oh!.." sigaw pa ni Kristine mula sa labas.

---

"Eh ulap yan eh bakit kinulayan mo ng red?.." kunot noong nilingon ko siya. Tinulungan niya kasi ako sa aking assignment sa MAPEH.

"inlove kasi..." simple niyang sagot.

"Baliw!..baka ikaw inlove hindi yung ulap..nandamay ka pa..."

Napatawa siya saka pinulupot ang braso sa bewang ko.

"I love you..."

"I love you-hin mo mukha mo..."

-----

Inis na inis ako kay Ken, dapat kasi ay susunduin niya ako ngayon para sabay na kaming magsimba kaso ang lalaksot may inaasikaso pa daw. Mag isa tuloy ako ngayon...

"ang kapayapaan ay laging suma inyo.." saad ng pari sa unahan.

"At suma inyo rin..." sagot ng lahat..

"Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa..."

~tsup~

Napaigtad ako nang may humalik sa pisngi ko, nang lingunin ko ito ay abot tenga ang ngiti ng loko. Umirap lamang ako at binati ang ibang mga naroroon nang magsalita siya...

"Father oh, ayaw ng girlfrind ko makipag peace...." nakangusong sumbong niya kay father na nasa tapat lang namin. Nasa parteng unahan kasi kami na paborito kong pwesto.
Nagtawanan pa ang lahat habang ako ay namumula sa hiya.

"anak, maaaring nagkamali man ang isa pero dapat ay matuto tayong magpatawad...gays ng ginawa ng panginoon sa ating lahat..." napangiti na lamang ako kay Father.. Binigyan ko ng mazamis na ngiti si Ken..Lagot ka sa akin mamaya...

----

"Babalik ako, jane..promise..."

"Promise ha..hihintayin kita..." iyak ko dito. Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ako sa aking noo.

"Promise...just promise me you'll wait for me.."

"Promise...maghihintay ako...mahal kita Ken..."

----
Isang nakakasilaw na liwanag ang papalapit sa akin. Pilit kong inaaninag iyon pero nanlalabo na rin ang mata ko sa pag iyak. Umalis na si Ken, iniwan na niya ako.

"JANE!!!..." narinig ko pa ang isang malakas na sigaw kasunod noon ay pqmamanhid ng katawan ko...

-----

"Allena, anak?.." gusto kong imulat ang nga mata ko, gusto kong tumayo pero ang bigat ng pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko at maging ang buong katawan ko.

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon