Akala ko makakaya ko na. Akala ko ay magagawa ko na siyang iwan at kalimutan. After the pain he had caused me ay heto at bumabalik pa rin ako.
Parang kahapon lang ay sinabi ko sa sarili ko na lalayo na ako at kakalimutan siya pero hindi ko nagawa. Kinain ko lang ulit ang sinabi ko. Ilang beses ko nang sinabing pagod na akong mahalin sya, hindi ko na kayang manatili sa kanya pero heto at kusa akong bumalik sa piling niya.
Sabihan nyo na akong tanga, bobo, martyr o kung ano pa pero mahal ko eh. Kahit sino naman diba?..kahit sino naman gagawin ang ginawa ko dahil lang sa lecheng pagmamahal na iyan.
Sa kabila ng pagbalik ko kay Maico ay hinayaan kong masaktan muli si Ken. Yes, I was being unfair. Everything is at my fault from the start. Kung siguro hindi ako nagdedesisyon basta basta ay wala akong masasaktan. Pinaasa ko nanaman siya sa wala at umasa naman ako sa taong kahit kailan ay option lang ako.
Papunta na sana kami ng Rio ni Ken noon when I felt hesitation. Parang ayaw kong umalis, parang hindi ko kaya. Ken saw how uneasy I was noong papasok na kami ng plane.
Panay ang pagbuntong hininga ko at pagtatalo ng isip at puso ko. My mind wants to leave and let go but my heart wants to stay with Maico.
Mahigpit ang hawak ni Ken sa kamay ko noon na parang ayaw niya akong pakawalan. But then I get off his grip and apologized. Nakita ko ang malungkot na ngiti sa mukha niya. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa nakikita ko. Dapat magalit siya sa akin sa pagpapa asa ko sa halip ay pinunasan niya lang ang mga luha ko.
"I know, Jane...i know...even if it hurts i'll let you go...but that doesn't mean i will stop loving you...i'll still wait, Jane...Kahit gaano katagal...handa akong maghintay...you'll always be in my heart....mahal na mahal kita.."
Matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ang noo ko bago nya ako talikuran at sumakay na ng eroplano. Tulala lang ako hanggang makalabas noon ng airport.
Wala sa sariling kinontak ko si mama at papa para sunduin ako. Dumating sila agad na relieved na makita ako. Hanggang ngayon ay iwas ako kay Ate Niz at Kuya Jared. Nang makarating kami sa bahay ng parents ni Maico ay diretso na ako ng kwarto ni Maico para magpahinga.
Nagising ako sa marahang haplos sa pisngi ko. Naamoy ko ang pabango nito at alam ko kung sino ang nagmamay ari noon. Napaupo ako saka inayos ang aking sarili. Nang ibaling ko ang aking paningin sa kanya ay nakita ko ang malaking pagbabago sa mukha niya.
Medyo kumupis iyon at makikitaan na rin ng balbas at bigote. Maitim din ang paligid ng kanyang malalim na mga mata. Mukha siyang may sakit at kulang sa tulog at pahinga.
Napaiwas ako ng tingin. Masyado ba syang nakatuon kay Stephanie na hindi nya na nagawang intindihin ng sarili niya?...isipin ko lang iyon ay naninikip na ang dibdib ko...
"i'm sorry..." sambit niya na muling nakapagpabaling sa akin sa kanya. Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. Napapikit siya at ipinatong ang kanyang kamay sa aking kamay na humahaplos sa pisngi niya.
"I'm sorry, wife...im really sorry...kasalanan ko lahat..." parang binibiyak ang puso ko nang makita ang pagluha niya. .
"B..bakit nga ba Maico?..." mas humigpit ang kapit nya sa kamay ko at dumiin ang pagpikit niya. Nang muli niyang imulat ang namumulang mata ay nagtama ang paningin namin.
"I....I'm sorry for using you..."
Mas masakit nga pala pag sa kanya ko na mismo narinig ang katotohanan.
flashback
"I'm breaking up with you, Maico...." nawala ang ngiti ni Maico pagkarinig niya sa mga salitang iyon.
"y..youre kidding right, bhabe?..." pilit siyang ngumiti kay Stephanie na nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha. Akma nya na itong lalapitan nang humakbang ito palayo.
"i'm serious, Maico...i don't care anyway if you believe me or not..." hindi kakikitaan ng pagbibiro ang mukha ni Stephanie.
"No.. please...don't do this....i love you so much bhabe..i'll do everything..."
Napailing iling si Stephanie saka na ito tinalikuran pero hinagip ni Maico ang kamay niya para pigilan.
"Bhabe..no..please...don't leave me..."
"get off Maico..." matigas na saad ni Stephanie pero hindi siya binitawan ni Maico. Pilit hinihila ni Steph ang kamay niya at nang magawa niya iyon ay nanlagas ang suot nitong bracelet na ibinigay ni Maico noong grade school pa lang sila.
Sabay silang napatingin sa pink na bracelet na nagkalagas lagas sa lupa habang haplos ni Steph ang namumula niyang kamay.
"Sabi kasing bitaw na eh...." galit na sambit ng dalaga saka mabilis na umalis habang si Maico naman ay nanatiling nakatingin sa bracelet. Pinag ipunan pa niya ang bracelet na iyon para maibigay kay Stephanie. Hindi na nga siya nagre-recess noon kahit nagugutom siya maihulog lang sa kanyang alkansya, minsan pa nga ay tumutulong siya sa tita niya na nagtitinda sa palengke para mas madagdagan ang ipon niya.
Hindi niya akalain na ito ang kahahantungan ng pinaghirapan niya. Pero hindi niya nagawang magalit dito. Hindi niya tinigilan ang pagsuyo sa dalaga kahit na ipinagtutulakan na ito palayo.
"Sya ba, bhabe?...sya ba ang ipinalit mo sa akin?.." bungad nito nang makitang may kayakap na ibang lalaki si Stephanie. Mas matangkad ito sa kanya at may nakasabit na gitara sa likuran, sa pagkakakilala niya ay ito ang leader ng sikat na banda ngayon sa buong probinsya.
Kumalas si Stephanie sa yakap saka siya hinarap. Hindi nakawala sa kanyang paningin ang magkahawak nilang kamay.
"Yes, Maico...I'm sorry,...i fell out of love...si Ken nga pala....fiancee ko..."
Nag igting ang kanyang panga. Ganunpaman ay hindi nya magawang magalit kay Stephanie kundi sa lalaking kasama nito...
"Sige na Maico...bye!.." normal na paalam ni Stephanie na parang wala silang pinagsamahan at normal na magkaibigan lamang.
end
"I'm sorry, Jane...when I saw you at the park where he left you...pumasok sa isip ko na pwedeng ikaw ang gamitin ko to have her back...Nasaktan ka din gaya ko...isa pa...gusto rin kitang tulungan kasi akala ko niloloko ka rin niya..but my thought was wrong...they were just cousins..and you both love each other...idinamay pa kita sa walang kwentang paghihiganti kong iyon....M...mapatawad mo sana ako Jane..."
Sobra kong iniisip ang nararamdaman ko pero yung nararamdaman nila binalewala ko. Akala ko ako lang ang nasasaktan. Mahirap para sa kanila ang nangyari. Kay Maico na nabalot ng galit sa pag aakalang niloko siya.Ngayon ko narealize na mas pa ang pagmamahal ni Stephanie para kay Maico na handa nya itong pakawalan nang malaman niyang may sakit siya at hindi na sila pwede. Kaya siguro ngayong bumalik siya kahit sa sandaling panahon gusto niyang makasamang muli si Maico.
Sa pag iisip kong iyon parang itinutulak ako ng sarili kong hayaan silang magkasama at maging masaya sa maikling panahong natitira para kay Stephanie.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ganito ba pag wala ka pang sariling desisyon?..Naguguluhan ka sa mga bagay bagay, natatakot ka sa maaaring maling desisyon mo.. Ang hirap.
Ganito nga pala pag hindi ka pa handa sa mga bagay na sana ay hindi ko pa hinaharap ngayon. Na sana ay simpleng exams, project, gala ng barkada, grades o san magbabakasyon ang tangi kong hinaharap na problema..
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romantizm"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...