Chapter 36---Ken is....

6K 115 6
                                        


Youth, it was something that I never experienced when i entered marriage. I never know how it felt to be free and to live without someone who will look over your every moves.

Yung walang magsasabi sayo ng hindi pwede to, hindi dapat yan, bawal ito bawal yun. Or maybe I was just too focus with him na hindi ko na nabigyang pansin yung ibang bagay.

Yes, I was happy with him. Iyong nakaw na tinginan namin noon, ngitian, kulitan at lambingan ang mga bagay na mas nagpalalim sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam na sa kabila ng masasayang ala alang iyon ay ganito kasakit ang magiging kapalit.

The pain is unbearable, pabigat ng pabigat, palalim ng palalim. It has been three days since "that" happen and i still can't get over it. I couldn't tell Ellaine because I know she'll freak out.

Death, that word flashed in my mind. If i die, I wouldn't feel this at all, I would be free from pain. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at tinungo ang kusina. Ellaine is in her room probably sleeping.

Nang marating ko ang kusina ay agad kong hinanap ang kutsilyo. I was too desperate to die. I couldn't think straight, my heart and mind is pushing me to do this.

Nang makuha ko ang kutsilyo ay dire diretsong pumasok ako sa aking kwarto. Napatitig ako sa kutsilyong hawak ko saka napangiti.

Dumiretso ako ng banyo saka hinarap ang salamin. Walang alinlangan kong sinimulang hiwain ang palapusuhan ko nang marahas na bumukas ang pinto ng banyo. Nagsimulang dumaloy ang dugo sa aking pupulsuhan pero tila hindi ko dama ang sakit noon.

Isang malutong na mag asawang sampal ang natamo ko mula kay Ellaine. Nangangatal ang labi nito maging ang kanyang kamay habang tuloy tuloy ang pag iyak nya.

"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA?!.." I couldn't utter any words. My vision became blurry, my pulse stings and my heart broke as I watch Ellaine cry in front of me.

Nang magising ako ay agad akong napangiwi nang maramdaman ko ang kumikirot na palapulsuhan ko. Naupo ako at napatingin sa paligid. Nakaubob ang aking ina sa aking tabi at natutulog, ang dalawa ko namang kapatid na babae ay pilit pinagkasya ang sarili sa sofa makatulog lang doon habang nakaupo sa sahig ang aking ama pasandal sa pader at natutulog din.

Nakaramdam ako ng hiya at pagkamuhi sa sarili habang nakatingin ako sa pamilya ko. I was about to kill myself not thinking who would I left and what would they feel.

"Nak!.." napaiwas ako ng tingin nang sambitin iyon ng aking ina pagkagising nya. Hindi ko sila kayang harapin matapos ng ginawa ko. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ng aking ina at tahimik nitong pag iyak. Nanginig ang labi ko sa pagpipigil kong maiyak rin pero napakatraydor talaga ng luha ko dahil kusang tumulo iyon.

Nagising na rin ang ama at mga kapatid ko at maging sila ay naiyak din. Hindi ako nakatanggap ng mura mula sa kanila pero ramdam ko ang sobrang takot at pag aalala nila sa akin. Mas pinarealize sa akin ng mundo na kahit talikuran man ako ng ibang tao nariyan pa rin ang pamilya ko, handang tumanggap at samahan ako.

Walang tigil ang paghingi ko ng tawad sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Pakiramdam ko ay pursigido akong gawin iyon at sarado ang isip ko sa maaaring mangyari matapos niyon.

Nakalabas ako ng hospital, tinuloy tuloy ko ang pagpasok ko and i never think of doing it again but Ellaine treats me like an air passing by that I came to the point of asking her.

"Alam kong nasaktan ka Allena, but suicidal act isn't an excuse para makawala ka sa sakit na nararamdaman mo....hindi mo ba naisip sila tita at tito?...ang mga kapatid mo?.habang ginagawa mo iyon?...hindi mo ba naisip na masasaktan sila?.." mariin ng bawat salita niyang binabato sa akin.

Nanatiling tahimik ako, sising sisi ako sa ginawa ko. Her words made me realize how really wrong I was.

"Do you know how life important is?...si Ken at Steph...they want to live longer pero bilang na lang ang natitirang araw nila dito sa mundo....they were also wounded by love, ilang beses na Allena, paulit ulit pero kung may choice sila, they would rather live life to the fullest than ending it...suicide is for weak people Allena...alam kong nahihirapan ka na pero matuto ka sanang lumapit samin...hindi yung sinasarili mo yan...nandito pa kami Allena...nandito pa kaming pamilya mo...Hindi lang kay Maico umiikot ang mundo mo..you have your own life.."

I was slapped a hundred times by her words. It made me realize things. Pero may sinabi syang mas nakapag pabagabag sa akin..

"S..s.i Ken?.." i asked. Nakita ko ang pagkabigla ng mukha niya. Mahina siyang napamura bago muling tumingin sa akin. Napabuga siya ng hangin, tila nag aalinlangan sa kanyang sasabihin.

"S..sumama ka sa akin..." hindi ko alam kung bakit pero nagsimulang kabahan ako sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko mula sa kanya?..Kung anu ano na ang pumapasok sa utak ko... I keep on flashing back every moment i had with him but i couldn't get a hint from his act. Lahat ng iyon normal nyang ginagawa. The way he smiles, laughs or talk to me. Wala akong nakikitang mali doon. Or maybe I was just thinking too much na hindi ko sya natuonang pansin.

To make things clear ay sumama ako kay Ellaine. Whatever it is, please, sana mali ang iniisp ko.

Tears of a Wife..Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon