Chapter 6

6.8K 109 2
                                        

“Jane....”naputol ang sasabihin ko at mas lalong lumawak ang galit sa dibdib ko nang marinig ko ang boses niya...Tumalikod na ako at pumara na ng tricycle...Sasakay na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko...

“Jane....” tawag niya ulit..

“bit....awan *sniff*  m....o ak *sniff* o...” nahihirapan kong sabi...

“Jane, p-pag-u--”

“Sabi ko...bitawan mo ako..” madiin kong sabi sa kanya...binitawan naman niya ang braso ko kaya sumakay na agad ako ng tricycle..

“saan po tayo?” tanong ni manong driver..

“manong...sa terminal po ng van...” sagot ko

“Jane..” tawag pa niya ulit sa akin pero hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin, nanatili lang akong nakatungo..Umandar na ang tricycle, pero bago pa ito makaalis ay may sumigaw na lalaki na sa tingin ko ay galing sa loob ng gym din...

“manong!....wait!..” tumigil naman ang tricycle at sumakay na ang lalaki sa tabi ko...mabilis kong pinunasan ang luha ko pero hindi ko rin ito napigilang mag-unahan sa pagpatak...

“eto oh...” napatingin ako sa inabot niya...

“kunin mo na..” dagdag niya sa kanyang sinabi..

napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilang matawa...napakunot-noo naman siya..iniisip siguro nito na baliw na ako...nakita niyang umiiyak ako tapos biglang tatawa...Sinong hindi iisiping nababaliw na nga ako?...

Tiningnan ko ang panyo niya at natawa nanaman ako...napatingin din siya sa panyo niya at halos mapamura siya...Si Ken na pinagkakaguluhan ng kababaihan, pink ang gamit na panyo na may design pang bulaklak at may burda pang ‘kentot’....

“aish!...lagot sa akin yung Kiana na yun....” rinig kong bulong niya...Tawa pa rin ako ng tawa...

“stop laughing at me....bakit ba tuwang tuwa akong pagdiskitahan ng baliw na kapatid kong yun?..tsk!..” aniya na mukhang inis na inis..natawa pa lalo ako nang mamula ang tenga niya...

Tumigil na ang sasakyan...Napatigil ako sa pagtawa at tiningnan kung saan tumigil ang tricycle...Zoological Park?..

“mag-aano ka diyan?..” tanong ko sa kanya..

“anong ako lang, kasama ka..halika na...” hinila na nya ang kamay ko at nagbayad na siya sa tricycle driver...

“anong gagawin natin dito?..”

“obviously?..”

“psh..” nasabi ko na lang..Nagbayad siya ng entrance at pumasok na kami...Nakakahiya mang sabihin pero first time kong pumunta ng zoo...Kaya hangang-hanga ako sa paligid...

Naglibot-libot kami sa paligid at masasabi kong masayang kasama si Ken pero kahit ganunman hindi ko pa rin maiwasang maalala ang nangyari kanina...Napapansin niya rin siguro ang biglang pagtahimik ko kaya gumagawa siya ng ikakatuwa ko...Nararamdaman ko rin ang kanina pang walang tigil na pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko na ito sa bag ko at tiningnan..Mga text at tawag ni Farrah at Maico pero karamihan ay kay Maico....Mabilis kong in-off ang cp ko nang makitang may incoming call ako...

“I know you’re already hungry..” wika niya..Iniabot niya sa akin ang siomai at isang bote ng C2....

“hindi, salamat na lang...busog pa ako..” pero ang totoo, nagugutom na ako kaso wala talaga akong ganang kumain ngayon...

“sige na..para may energy ka at saka...sayang naman ang 33 pesos ko kung hindi mo ito tatanggapin..” nakanguso pa siya habang sinasabi niya iyon...napatawa ako ng kunti...talagang na-isum-up niya pa yung binili niya ha...

“oo na, nakakahiya naman sa 33 pesos mo..” sabi ko na may pagkasarkastikong tono...inabot ko na yung pagkain at tumikim ng kaunti...

“oh, bakit?..” tanong ko sa kanya..naiilang kasi ako sa malalim na titig niya sa akin...

“dahil ba sa nangyari kanina kaya ka umiyak?..” napatigil ako sa pagkain ko at napatungo na lamang...Nag-uumpisa nanamang mag-init ang gilid ng mga mata ko...

“gabi na..kailangan ko ng umuwi...” pagbabalewala ko sa tanong niya saka nauna nang maglakad..

“Jane...” hinawakan niya ang kamay ko at iniharap kaya napatingin ako sa kanya...

“b-bakit?..” tanong ko..bigla niya akong hinila at niyakap..

“go on...you can cry now....at least this would ease the pain....”  nag-unahang tumulo ang mga luha ko matapos niyang sabihin iyon....Hindi ko alam kung bakit siya ganito sa akin pero nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit na kakikilala ko pa lang sa kanya ay siya ang naging sandalan ko...

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang maingat niyang hinahagod ang likod ko...Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa niya...Matapos ang pag-iyak ko ay inihatid nya na ako sa sakayan ng van...8 na rin kasi ng gabi at baka wala na rin akong masakyang van....

“ah, sige, Ken..sakay na ako..s-salamat pala..” nahihiya ko pang sabi sa kanya...nagiguilty rin kasi ako sa naging pakikitungo ko sa kanya nitong huli tapos ngayon siya pa ang tumulong sa akin para gumaan kahit konti ang pakiramdam ko...

“walamg anuman iyon....we’re friends anyway..”sagot niya habang nakangiti..

“Ken, s-sorry nga pala sa inasta ko nung huli...” paghingi ko ng paumanhin sa kanya..nakatungo lamang ako habang sinasabi ko iyon...

“okay lang yun...at least friend na tayo ngayon...” nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin..

“ah, sige na...salamat ha, bye!...” paalam ko...Sumakay na ako ng van pero bago pa maisara ang pinto ng van ay tinawag pa niya ako kaya napatigil sa pagsara ang konduktor at napatingin ito maging ang mga pasahero...

“bakit?..” tanong ko...

“i-ingat ka..”

“sweet ng boyfriend..kiss naman..” biglang sabi ng konduktor nakisabay pa sa pang-aasar ang mga pasahero...nakita ko ang pamumula ng mukha ni Ken at pakiramdam ko ay ganun din ang pisngi ko dahil nag-iinit ang mukha ko..

“manong, dahan dahan sa pagda-drive ha...” paalala pa nito sa driver...wish ko lang si Maico ang gumagawa niyon...Ngumiti na lang ako ng pilit nang tumingin ulit siya sa akin...

“salamat ah..” wika ko sa kanya, tumango naman siya at ngumiti sa akin bago umalis ang van..Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina....Nakakainis lang kasi ayoko ng maalala iyon pero kusa itong lumalabas sa utak ko kaya wala ring sabi sabing tumulo ang luha ko...Tsk!..Mabilis ko itong pinunasan, baka kasi mapansin ng mga katabi ko dito sa van....Mahigit isang oras ang byahe nang maka uwi ako...

“Nay! Tay!...dito na po ako..!” sigaw ko nang palapit na ako sa bahay namin pero laking gulat ko ng iba ang sumalubong sa akin...

“A-anong g-ginagawa mo dito?..”

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon