Friends..may problem talaga yung account ko....aist!..nakakashura......----—-----------------------
Opening ng bar ni Ken ngayon, hindi sana ako papayagan ng mga magulang ko pero nangako naman si Ken na hindi niya hahayaang makalapit si Maico sa akin.
Nasa byahe pa lang kami ay kita ko ang excitement ni Ken. Noon pa man ay pangarap niya na talaga ang magkaroon ng bar, muli ring nabuo ang banda niya, siya ang lead vocalist at guitarist ng banda. Tumutugtog na ang banda nila sa maliliit na okasyon dati pero nung umalis siya ay nadisband na sila. May mga nagsulputang banda matapos silang madisband at isa na nga roon ay ang banda na binuo ni Maico. Ah si Maico nanaman. Noong isang gabi ay pumunta nanaman siya sa kwarto ko at alam nyo na kung ano ang nangyari.
Pasimple akong napapangiti sa tuwing bibisitahin niya ako. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.
Mamayang gabi nga pala ang opening ng bar ni Ken, sa mansion muna nila ako habang siya ay pupunta sa bar niya dahil marami pa siyang aasikasuhin. Kasalukuyan na akong nasa kwarto kasama si Kiana.
"You know what Ate Jane. I am excited na sa opening ng bar ni Kuya Ken,...Yiiih!!...I can go there anytime kasi kay Kuya yun..." kanina pa ito salita ng salita, napakadaldal nito gaya ni Katherine.
"Hindi pa pwede ang minor dun Kiana, ngayong opening ka lang pwede then uuwi na rin agad...bar iyon, bawal ang bata..." nalukot ang mukha nito pero agad ding ngumiti.
"Okay! I'll wait na lang na maging major ako..." napatawa ako sa sinabi niya..
"Adult Kiana, hindi porket minor ang tawag sa teens ay major na ang tawag sa adult..." paliwanag ko dito, bahagya itong natawa saka nahiga sa lap ko. Kinuha ko ang suklay sa kanyang kamay at ako na ang sumuklay sa blonde niyang buhok..
"Ate pag hiwalay na kayo ng husband mo, pakasalan mo si Kuya ko ah..." aniya habang nilalaro ang ibang hibla ng buhok niya. Saglit akong natigilan, gusto ko siyang pagalitan pero pinigil ko ang sarili ko, ayaw kong makipaghiwalay kay Maico at saka nangako siyang gagawa siya ng paraan wag lang matuloy ang annullment namin.
"4 pm na Kiana, ligo na tayo. Baka mahuli pa tayo sa opening..." excited itong tumayo at nagpaalam na. Tumakbo ito ng kanyang kwarto na pakanta kanta pa.
Nang masiguro kong nakaalis na siya ay agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko. Binigay iyon ni Maico nung padalawang beses na pumunta siya. Namimiss niya daw kasi ako agad kaya gusto niyang kahit boses ko ay marinig man lang niya. ah! Kinikilig nanaman ako, ang landi ko. Pag bukas ko ng phone ko ay ang dami na niyang message sa akin
'let's meet later...i love you wife...'
'I miss you...'
'Wife?..'
'I guess you're with him...'
'Wife... message back please...'
Agad kong tinawagan si Maico pagkapasok ko ng banyo. Ibinabad ko ang sarili ko sa bathtub habang hinihintay ko ang pagsagot niya.
(Wife!..finally...)
"Sorry, hubby ko...kasama ko kasi si Kiana...alam mo namang walang dapat makaalam na may phone ako diba?.."
(Yeah, sorry..i just really miss you so damn much...)
Napangiti ako, kinikilig na talaga ako..
"I miss you too....ay!" sambit ko nang dumulas sa kamay ko ang sabon na ginagamit ko..

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Любовные романы"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...