"Allena!..alam mo na ba yung nangyari kay Sasha?.." bungad agad sa akin ni Ate Janine pagdating ko ng school. Kasama nito ang nakasimangot na si Gwen, wala na talaga itong pag asang ngumiti."Sasha Reyes?.." tanong ko. Ang agang tsismis naman nito ni Ate Janine.
"Wala na sya Allena, narape at pinatay ..kaya ingat ka sa pag uwi mo, hindi pa daw nahahanap yung killer nya..." kinabahan ako, madalas pa nga kami gabihin ngayon dahil 7 na ng gabi natatapos ang class, isa pa ay naiiwan ko minsang mag isa si Ellaine sa apartment.
"Wala pa si Ellaine?." agad kong tanong.
"Nandyan na..nag away kayo?..madalas kayong hindi sabay eh...nandun na sya sa room nakabusangot ang mukha.."
Napailing lang ako saka tinungo ang classroom. Nakita ko si Ellaine na nakatutok sa phone nya at nakasimangot.
"Uy!..okay ka lang?.."
"Nandyan ka na pala...si Mark kasi, nakakainis!.." marahas siyang napakamot sa ulo nya sa sobrang inis. She's always like this when it cokes to Mark, inis na inis palagi.
"I heard about Sasha...sa apartment na muna ulit ako.."
"I'm fine Allena kung yan ang iniisip mo..nandun naman si Mark..."
"Sa apartment natutulog si Mark?!"
"Wag mo kaming igaya sa inyo ni Maico, Allena, sa sofa sya natutulog..."
Napaiwas ako ng tingin, wala naman akong sinabing iba ah.
"Halata ka...nagreview ka na ba?..." natatawang saad nya. Napatango na lang ako at naupo sa tabi nya.
Madalas na akong nasa mansion nila Ken, iniuwi na kasi ito dahil ayaw nyang magtagal sa hospital. Bumalik na rin ng mansion si Kiana but she remains silent and trying to avoid her parents.
Matapos ang mahabang exam ay sa wakas makakauwi na rin. Nag aabang na ako ng masasakyan kasama si Ellaine at Mark nang may tumigil na motor sa harapan ko.
Sa itsura at kulay ng motor niya ay alam ko na kung sino iyon. Nanliit ang mata ni Ellaine nang mapatingin sa amin.
Inalis ni Maico ang suot na helmet at inabot sa akin ang extra helmet nya.
"What's the meaning of this?.." nanunuyang saad ni Ellaine. Napakagat labi ako, hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng pagsundo ni Maico sa akin ngayon.
"Hayaan mo na sila Bhabe, may nakakalat na rapist ngayon...nag aalala lang asawa ni Allena..."
Nag init ang pisngi ko at lihim na napangiti. Ngayon pa ako kinilig.
"Eh malay ko ba, baka isa ring rapist to..." mataray na saad ni Ellaine. Napatingin ako sa magiging reaksyon ni Maico pero nanatiling blanko iyon.
"Don't worry Ellaine..It'll be quick..."isinuot ni Maico ang helmet sa ulo ko at pinaupo na ako sa kanyang motor. Nanlalaki pa rin ang mata ni Ellaine hanggang makaalis kami, ni hindi man lang ako nakapagpaalam dahil maging ako ay nagulat sa sinabi ni Maico.
Napayakap ako ng mahigpit sa bewang nya. Akala ko ba galit ako sa kanya? Napailing ako, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya.
"B..bakit dito?.." hindi sya sumagot sa halip ay hinila nya lang ako papasok ng apartment nila. Napatingin pa si Ate Niz at Kuya Jared sa amin nang lampasan namin sila papasok sa room ni Maico.
"Oy, Maico!..ano yan?!.." narinig ko pang sigaw ni Kiya Jared. Nakaramdam ako ng hiya, why is Maico doing this all of a sudden?.
Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya nang nakapasok kami ng kwarto nya. Napaupo siya sa kanyang kama at napasabunot sa sariling buhok. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago sya tumayo at harapin ako.
"Alis na ako...baka hinahanap na ako ni Ken..." saad ko. Nag igting ang panga niya at saglit na napapikit.
"Kain na tayo..." tanging saad nya saka ako hinila papunta ng kusina.
Tahimik lang akong nakaupo nang lumapit si Ate Niz at Kuya Jared. Tumulong si Kuya Jared kay Maico sa paghahanda ng dinner.
"Kumusta ka Allena?.." naiilang na tanong ni Ate Niz sa akin nang maupo siya sa tabi ko. Tipid akong napangiti sa kanya. Pilit ko ng kinalalimutan ang nangyari noon.
"M..medyo okay na.." sagot ko. Naupo na si Maico sa tabi ko nang mailapag ang isang plato sa harap ko. Napatingin ako sa kanya nang lagyan nya ng kanin at ulam iyon.
"Salo sa isang plato...ang sweet naman ng kapatid ko.." panunudyo ni Kuya Jared. Sa inis ni Maico ay ibabato nya sana ang baso na hawak nya.
"Dun nga kayong dalawa sa salas!..." galit nitong saad. Natatawa namang tumayo ang dalawa dala ang kanilang pagkain patungo ng sala.
"Dito ka.."
"H..ha?.." hindi pa man ako nakakatayo ay sya na ang bumuhat sa akin at iniupo sa lap nya. Kanina pa nag iinit ang mukha ko, hindi ko alam bakit ganito ang ikinikilos ni Maico ngayon.
Matapos naming kumain ay siya na rin ang nagligpit noon. Bumalik na kami ng kwarto at pinagbihis nya ako, may mga naiwan pa naman akong damit dito. Nakaupo siya sa kama habang naglalaptop habang ako'y naupo rin at inayos ang hihigan ko.
"How's your exam?.." napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Naguguluhan pa rin ako sa mga ikinikilos niya.
"Why sudden like this Maico?..a..ayokong umasa..."
"Hindi ko sinabing umasa ka..." aniya. Ibinalik nya ang laptop sa sidetable at hinarap ako.
"But you're acting sweet and all...hindi ko maiwasang umasa..sa lahat ng nagyari Maico, gusto ko pa ding mabalik tayo sa dati."
"So am I, Jane...I'm trying to restore our marriage..gusto ko yung dating tayo Jane..." buong sinseridad na sagot niya.
Hindi ako nakaimik. Tama ba ang narinig ko?..gusto nyang ibalik ang maayos na realasyon namin noon?..
"P..pano si Steph?.."
"Shut it wife...don't come up with it, hindi mo alam kung gano rin ako nagseselos sa inyo ni Ken, parehas lang tayo...."
And now he's telling me he's jealous. That's so odd of him. He's not this open and showy before.
"Now let's sleep.." he said as he kissed me quickly on the lips and spoon me to bed. Sana lang talaga maging okay na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/10757602-288-k368572.jpg)
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...