Chaptet 24

6.3K 130 5
                                    

Hilam na ang mga luha ni Jane sa pag-iyak. Napapatingin na nga ang driver sa kanya pero wala syang pakialam doon. Okupado ng isip nya ang mga nalaman at napupuno ng sakit at pagkamuhi ang kanyang puso.

Hindi nya alam kung bakit nasabi nya ang lugar na patutunguhan. Ni hindi nya sigurado ang may ari ng estate na iyon. Tila ba alam na nya ang lugar na iyon at minsan nya na ring narinig noon. Marahil ay isa iyon sa mga bagay na hindi pa rin naalala ng isip niya.

Napailing na lamang siya at muling pinunasan ang luhang patuloy na lumalandas sa kanyang pisngi. Pagdating nila sa tapat ng De Vera Estate at makababa siya ay syang lapit ng isang guard sa kanya.

"Madam Allena!." Agad siyang dinaluhan ng ilang security guard na mukhang italyano doon at inabutan siya ng puting panyo. Makikita ang pag-aalala sa mukha ng mga ito pero hindi iyon ang pinansin ni Jane kung hindi ang naging kilos ng mga ito. Bakit siya kilala nh mga ito sa unang pangalan at gayon na lang ang pagtrato sa kanya?.

May tinawagan ang isang security sa itim na headset na nakakabit sa tenga nito habang inaalalayan siya papasok ng estate. Bumungad sa kanya ang napakalawak na garden. May sasakyan na lumapit at pinasakay siya kahit kaya naman na niyang lakarin ang papunta sa malapalasyong istruktura na iyon.

Hindi niya alam ang nangyayari pero nakasisiguro siyang kayla Ken nga ito at parte ito ng nawalang memorya niya. Bagamat may naaalala na siya ay hindi ito buo, may nawawala pa ring nga parte sa isip niya.

May tatlong katulong ang sumalubong sa kanya pagbaba niya sa puting kotse. Pakiramdam niya ay prinsesa ssya sa palasyong iyon dahil sa pagtanggap sa kanya ng mga tao roon.

-----

Hindi mapakali si Maico. Ayaw man niyang iwan ang asawa ay heto at pinuntahan nya sa mansyon si Stephanie. Tumawag kasi ang parents nito at nagmamakaawang puntahan si Stephanie dahil nagwawala na daw ito at hinahahanap siya.

Pagdating niya roon ay tinurukan na ito ng nurse at ilang saglit lang ay nakatulog na ito. Nakita pa niya ang pagngiti nito nang makita ang pagpasok niya ng silid ng dalaga.

"How is she?.." tanong nya sa doctor nito.

"We don't know what to do with her... she doesnt even want a therapy or take her medicine without you, Mr. Santillan...I suggest you have to be by her side all the time.."

Walang magawa si Maico. Naupo siya sa tabi ni Stephanie habang nakatitig screen ng cellphone niya. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang nakangiting mukha ng asawa.

Hindi na mapakali si Maico habang hawak ang phone niya. Kanina pa niya tinatawagan ang asawa pero hindi ito sumasagot. Nag aalala na siya, kung pwede lang iwan niya si Stephanie ay nakauwi na siya. Pero ilang oras na itong tulog, baka mamaya ay magising ito ng wala siya ay magwala nanaman.

"Come on, wife....answer the phone..." muli niyang tinawagan ang numero ng asawa pero tanging recorded voice ni Jane ang naririnig niya.

"Fuck!" mura niya sabay hagis ng phone sa sofa. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ginulo gulo ang buhok sa sobrang frustration.

Wala sa sarili si Maico. Itinext niya na ang asawa para sabihing nag overtime siya pero ni reply ay wala siyang natanggap. Dalawang araw na siya sa mansyon at hindi pa ulit nakakauwi para makita si Jane. Miss na miss niya na ito. Napatitig na lang siya sa kawalan.

"Bhabe?..." tawag ni Stephanie. Napabaling si Maico dito, namumutla ang mukha nito, kumupis din iyon at unti unti na ring nanlalagas ang buhok ganumpaman ay maganda pa rin ito.

"you should take a rest, Steph..." aniya nang makalapit kay Stephanie. Ngumiti ang dalaga at saka inabot ang kamay ni Maico.

"M...Maico...." sambit ni Stephanie. Tumulo ang mumunting luha sa pisngi nito na siyang mabilis niyang pinunasan. Sinalubong ng dalaga ang mga mata ni Maico.

"I...I'.m...s..sorry..." hindi na nito napigilan at tuluyan na nga itong napaiyak. Pilit siyang pinatatahan  ni Maico pero umiling lang siya at muling nagsalita.

"G..ginawa ko lang yun..b..because I love you..I didn't think of what would you feel..H..hindi ko kasi matanggap n...na m..may mahal ka ng iba..I..was too desperate to.h..have you back kahit nakakasakit na ako ng damdamin ng ibang tao.."

"Ssh...dont cry..you need a rest Steph...makakasama sayo..." pag aalo ni Maico habang yakap si Stephanie at hinahagod ang likod nito.

"No...." pagsalungat ni Stephanie at pagkalas nito sa yakap.

" i need to say this...i don't know until when will i stay alive..."

" dont say that steph...you can get through this...natin..."

"I just wish Maico..you have to go back to her...im sorry for ruining you two...sobra na yung nagawa ko...Oh my gosh...i'm a mess..!" Walang tigil ang iyak ni Stephanie. Sa ilang araw na nakikita niya ang nag aalala at hindi mapakaling mukha ni Maico para sa asawa ay sapat ng dahilan para itigil na niya ang kanyang pagkabaliw dito. Hindi na siya nadala noong umalis si Maico kasama si Jane sa Italy at talagang sumunod pa siya. Akala nya kasi sa oras na bumalik siya ay babalikan na rin siya ni Maico pero huli na pala ang lahat. Kahit anong gawin niya, si Allena na ang nagmamay ari ng puso niya.

"Sssh....tahan na..Steph...makakasama sayo yan..." pag aalo ni Maico sa kanya. Mas lalo siyang napaiyak. Ganitong ganito si Maico sa kanya noon, noong time na sila pa, na siya pa ang may ari ng puso nito. Pero anong ginawa niya?..Pinili niya ang mangibang bansa sa pag aakalang gagaling siya mula sa sakit niya.

"..Im v...very.s..orry Maico....I...m sor..ry.." hindi ito tumigil sa paghingi na tawad. Walang magawa si Maico kung hindi ang aluin siya...

"I would be fine...Maico...you should go.b..baka hinahanap ka na niya...." ani Stephanie habang pinupunasan ang kanyang mga luha matapos nitong tumahan..

Napatingin na lang siya sa bintana sa kaliwa hanggang sa makaalis na si Maico. Nang tuluyan nang makaalis ito ay syang tuloy tuloy ang daloy ng mga luha niya. But somehow, nakaramdam siya ng ginhawa. There's a part of her that she wants him to stay but another part of her says she has to let him go.

Mahirap para sa kanya lalo na at minahal niya ng sobra si Maico. Simula sa pagkabata ay ito na ang naging dantayan niya. Na sa humigit kumulang dalawang taong pananatili niya sa New York ay ito pa rin ang nagpapatibok ng puso niya.

---

Pagkarating ni Maico sa bahay ay mabilis siyang bumaba ng taxi. Iba ang pakiramdam niya, tila ba may hindi magandang nangyari. Pagpasok niya ng bahay ay napakatahimik. Hindi gaya noong sa tuwing darating siya ay nakaabang na agad si Jane sa salas at sasalubungin siya ng mainit na yakap at matamis na halik.

Namuo ang kaba sa kanyang dibdib at waring tinakasan ng dugo ang kanyang mukha. Mabilis niyang tinungo ang kanilang silid pero walang Jane doon.

"Jane!..sh..shit!..." patakbong tinungo niya ang kanilang cabinet at halos manghina siya nang makitang wala doon ang ilang damit ng asawa.

Kahit nakita na niyang kulang ang gamit nito ay sinuyod nya pa rin ang buong bahay pero walang Jane siyang nakita. Nanginginig ang kamay na idinial niya ang numero ng asawa pero muli ay operator ang nagsasalita sa telepono.

Hindi niya ang alam ang gagawin. Wala siyang ideya kung saan man ito nagpunta. Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kanilang kama at napasabunot sa sariling buhok.

"Jane...." sa pagbanggit niya ng pangalan ng asawa ay tuluyan na siyang napaiyak. Hinagip niya ang alarm clock sa gilid at malakas na hinagis iyon dahilan para gumawa ng ingay at magkapirapiraso iyon. Maging ang lampshade at ilang gamit na pwedeng masira o mabasag sa loob ng kwarto ay walang patawad na binasag niya.

Nanghihinang napaupo na lang syang muli sa floor ng kwarto. Dumudugo ang kanyang kamao dahil sa pagsuntok nito sa pader. Para syang mababaliw, hindi niya kaya..Hindi niya kayang mawala muli si Jane sa kanya.

Kasalanan niya ang lahat, siya ang may dahilan ng muling pag alis nito. Sinisisi niya ang kanyang sarili pero hindi siya susuko. He needs to take her back, sa kanya lang si Jane...

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon