Chapter 33---lost

5.7K 102 0
                                    

Kusang tumutulo ang mga luha ni Allena sa tuwing maalala niya ang nangyari. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng baby nila ni Maico.

She acts normally in front of other people but whenever she's alone, she broke down and cry. Maging sarili niya ay hindi nya mapatawad sa nangyari. She felt hopeless, she needs him. She needs Maico beside her.

Impit na hagulhol ang maririnig sa kanyang kwarto. Dalawang araw na ang lumipas simula nang makabalik ng apartment si Allena. Nakauwi na rin sa kanilang bayan ang mga magulang nya. Gusto man ng mga ito na umuwi si Allena kasama nila ay hindi siya sumang ayon sapagkat gusto niyang makahabol sa klase.

Tumayo si Allena mula sa pagkakaupo sa kanyang kama saka tinungo ang bukas na bintana ng kanyang kwarto. Isinandal nya ang kanyang kamay sa bintana saka tumingala.

Pinipilit nyang maging malakas sa harap ng lahat pero sa tuwing nag iisa na siya, tanging pagtangis ang nagagawa niya.

Mapait syang napangiti habang nakatitig sa nagkikislapang mga bituin sa langit.

"S..sorry baby...n..naging pabaya s..si m.mama..." iyak niya. Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi at walang tigil ang pagtangis niya.

Gabi gabi na lang siyang ganito pero tila hindi maubos ubos ang luha niya. Bakit nga ba hindi nya napansin ang kakaiba nyang nararamdaman? Bakit hindi pumasok sa isip nya na maaaring nagdadalang tao na sya?

She wiped her tears and grab a cardigan in her cabinet. Nang maisuot nya iyon ay lumabas siya ng apartment. Bihira na lamang ang dumadaang tricycle pero agad din naman siyang nakahanap ng sasakyan. Gusto niyang makausap si Maico, gusto niya itong makita at mayakap. She badly needs his shoulder to lean on right now.

Nang marating niya ang pupuntahan ay saglit pa siyang napatigil at napatitig lang sa harap ng apartment kung san sya tumutuloy noon.

"Allena?.." agad na bumaba ng motor si Jared at nilapitan si Allena.

"S...si M..Maico?..." tanong niya. Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata at manginig ang labi niya. She wants to talk to him, she wants him to forgive her, she wants to see him, she needs him badly.

"Wala sya dito Allena..." pagtanggi ni Jared.

"N..nasan sya?..p..pasabi naman gusto ko syang ma..makausap..." sumamo nito. Jared couldn't answer her, nasasaktan syang makita si Allena na ganito pero mas nasasaktan siya para sa kanyang kapatid. He knows how Maico hates to see or talk to her but he wants to help. Mahirap para sa kanila ang nangyari pero ano pa nga ba't kapwa ang isa't isa ang kailangan nila.

"Kuya Jared...please...please...kailangan ko syang makausap...gusto kong magsorry...please...sabihin mo naman kung nasan sya"

Nag igting ang panga ni Jared, pinipigilan niya ang sariling sabihin kung nasan nga si Maico pero hindi niya na nagawa iyon nang makita nya ang lumuluha at nagsusumamong mga mata ni Allena.

Mariin na lang siyang napapikit nang sabihin niyang nasa kwarto si Maico. Nang makapasok si Allena sa loob ay napakuyom na lang sya ng kamao nang marinig ang galit na pagsigaw ni Maico.

"p...patawarin m..mo. ak..o...M..maico..i'm sorry..i'm sorry.." pagmamakaawa ni Allena. Mahirap sa kanya ang pagkawala ng baby nila at mas nagpahirap pa na ganito sya kinamumuhian ng taong mahal nya.

"Kahit lumuhod ka pa sa harap ko..hinding hindi maibabalik nyan ang buhay ng anak ko..." may diing saad ni Maico.

"H..hindi ko s..sinasadya...h..hindi ko a..alam..." tarantang saad ni Allena, she doesn't know how to explain it.

"Hindi mo alam?!!..o ipinagwalang bahala mo lang dahil mas inuna mo ang kalandian mo..."

Napailing iling si Allena, hindi nya alam kung pano sya magsisimula.

"Ikaw na rin nagsabi Jane...let's just forget everything, let's just forget what's between us...tapos na tayo, Jane at hinding hindi na ulit magiging tayo...."

Lalong nadurog ang puso niya sa narinig. Nakaalis na si Maico sa harap niya pero nanatiling nakatayo si Allena at umiiyak. Natutop niya ang kanyang bibig nang mapahagulhol na siya.

"Allena..." marahang tawag ni Jared mula sa likod nito. Nagtatakbo si Allena palabas ng bahay at nilampasan lang si Jared. She run and run and run. Kahit madilim at delikado ay hindi alintana ni Allena iyon. Kung pwede lang na sa pagtakbo nya ay matakasan nya na lahat ng sakit.

"Allena!..." nagmamadaling sinalubong ni Ellaine si Allena. Lubos ang pag aalala nito nang malaman niyang wala si Allena sa kwarto nito gayong gabi na.

Napayakap na lang si Allena kay Ellaine at doon nag iiyak. Hindi rin mapigilan ni Ellaine ang mapaiyak. Allena is lost, she doesn't know where to go, alam nyang hirap na hirap na ito pero kahit sya ay walang magawa para sa pinsan. She knows only Maico could help her get up again. Even her parents couldn't do anything to ease her pain.

She'd seen how Allena cried over Ken before but right now is different. This is too much for Allena, she doesn't deserve all this pain. Iyon kasi ang mahirap sa kanya, sobra syang magmahal na pati sarili nya ay nakakalimutan nya na. She's too selfless. Kung sana hindi nya hinayaan si Allena kay Maico noon, hindi mangyayari ito.

------

Later na lang yung chapter 34, nadelete kasi ng kanya..😭😭😭..2 chapters update ko maya...

Lovelots 😘😘

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon