"wife!...may problema ba?..." kanina pa akong kinukulit ni Maico. Pagkarating niya kasi ay pilit akong umiiwas sa kanya. Hindi ko pa siya kayang harapin, ayokong makita niya ang pugto kong mga mata sa pag iyak sa gabi na siya ang may dahilan.
"Wala....anong pinunta mo dito?.." tanong ko nang hindi siya nililingon. Pinilit kong maging abala sa paglilinis ng kwarto. Ilang araw na nga ba siyang hindi umuuwi?..
Natigil ako sa aking ginagawa nang mahigpit niya akong yakapin mula sa likod. Isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa aking leeg kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa akin. Nanirik ang balahibo ko dahil doon, ano bang ginagawa niya sa akin?..
"I miss you..." pabulong niyang saad. Namiss niya ako?..Kaya ba umuwi siya ngayon kasi na miss niya ako?..
"Kumusta thesis niyo?"... himigpit ang yakap niya sa akin at mas sumubsob siya sa leeg ko.
Hindi siya umimik, sa halip ay iniikot niya ako paharap sa kanya pero nanatiling iwas ang tingin ko. He held my chin and gently turned my face to him. Kumunot ang noo niya pagkakita sa mga mata ko..
"Did you cried?.." may pag aalalang tono ng boses niya. Mabilis akong umiling pero hindi ako makaimik. Parang may bumabara sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong magsalita.
"Wife...tell me the truth.."
".m...mahal mo ako diba?".. hindi ko napigilang itanong sa kanya. Naghari ang takot at pagsisisi nang marealize ko ang nasabi ko. Paano kung----
"Of course, i love you....what made you ask that?.." mabilis niyang sagot.
Umiling lamang ako saka siya niyakap.
"are you okay?.." Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa pisngi ko. Sobrang namiss ko siya.
"Mahal kita..." sambit ko. Kumalas siya sa yakap para makaharap ako.
"Mahal din kita, asawa ko..." hinalikan ko siya na ikinagulat niya. Isinabit ko ang aking kamay sa kanyang batok habang malalim na nakikipaghalikan sa kanya. Gusto kong lunurin ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng kanyang mga halik.
"Hmm....m..maico..." ungol ko sa pagitan ng aming paghahalikan. Naramdaman ko ang pag angat ko at pagbuhat niya sa akin na hindi pinuputol ang halik.
Naramdaman ko na lamang ang malambot na kama nang ihiga niya ako habang nakapaibabaw siya sa akin. Mas lumalim pa ang kanyang mga halik at nagsisimula na ring maglikot ang kanyang mga kamay. Gumala ang kamay niya sa ilalim ng aking tshirt at bumaba ang halik niya sa aking leeg.
Napapikit ako at napaungol nang maramdaman ko ang maingat niyang pagmasahe sa aking dibdib.
"Maico!..." sigaw ko rito nang punitin nito ang aking tshirt. Puno ng pagnanasa at kasabikan ang kanyang mga mata. Ganito rin ba siya kay Stephanie?..Gumuhit ang galit sa aking dibdib nang maisip kong ginagawa nila ito. Marahas ko siyang itinulak palayo sa akin na nagpamura sa kanya.
"What the hell, Jane!" hasik niya, matalim ang mga matang nakatingin siya sa akin.
Namura ko ang aking sarili nang mapagtanto ko ang aking nagawa. Iiwan na ba niya ako ng dahil doon?...
"S..sorry M..maico...hi---"
"Fuck!" aniya sabay sipa sa gilid ng kama. Marahas pa niyang sinarhan ang pinto nang makalabas siya ng kwarto. Napahampas ako sa aking ulo. Ang tanga mo Jane! You just ruined it all!...
Pinalis ko ang aking mga luha saka tumayo para kumuha ng damit. Lumabas ako ng kwarto para sundan siya. Babalik ba siya kay Stephanie, sa kanya nya ba itutuloy iyong sana ay gagawin namin kanina?.

BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romance"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...