Chapter 41--- memories

5.5K 99 5
                                    


It was semestral break when Maico and I decided to have a vacation. Yung kaming dalawa lang. Gusto ngang sumama ni Kuya Jared at Ate Niz pero hindi sumang ayon si Maico.
"Magbakasyon kayo ng inyo...sosolohin ko muna asawa ko.." that's what Maico told Kuya Jared na sinundan ng walang tigil na pang aasar nito kay Maico.

Mumukat mukat pa ang aking mata nang magising ako sa kalagitnaan ng aming byahe. Kaninang 3 am kami umalis ng apartment dahil limang oras ang magiging byahe namin patungong Kamayan resort sa Roxas. Simula kasi Calapan ay pitong bayan pa ang dadaanan namin.

"Tulog ka muna, wife...Socorro pa lang tayo..." bumalik ako sa pagkakadantay sa balikat ni Maico at muling natulog.

Nang magising ako ay saktong nasa Roxas na kami. Sakay ng tricycle ay tinungo namin ang Kamayan resort. Magkahawak ang aming kamay simula pa kaninang nasa byahe kami.

Hindi ko mapigilang mapangiti. It was like before, noong ikasal kami, para pa rin niya akong nililigawan. He has lot of surprises but the difference from now to before ay ang pagiging transparent nya. We hold hands in public, we kissed a lot, we usually cuddle at isa pa ay mas naging possessive sya.

But then a picture of my parents in my mind halt me from my happy thoughts. They will get mad, they hate Maico for hurting me so many times but they'll understand, I wish.

"Are you okay?.." he snaked his arms around my waist and lean his head on my shoulder. Umiling ako saka hinaplos ang kanyang buhok. Tumatama sa aking balat ang malakas na hangin at isinasayaw nito ang summer dress kong suot maging ang mahaba kong buhok.

Paharap sa kumikislap na asul na dagat ay nanatili kami sa ganoong posisyon. Tanging ang makalmang alon nito at huni ng lawin ang maririnig sa paligid. May iilang bakasyunista rin naman pero gaya namin ay may sariling mundo rin.

"Ang ganda dito..." i can't help on admiring the place. Nakakarelax, nakakawalang stress and somehow helps me forget problems lalo na at kasama ko ang taong mahal ko.

"Yeah, but..there's nothing more beautiful than my wife..." napatawa ako at mahinang hinampas siya sa braso.

"Bola...tara, nagugutom na ko..." inalis ko ang pagkakayakap nya at nauna ng naglakad pabalik ng resort house.

"What?..i was just stating the fact.." seryoso nyang saad habang nakasunod sa akin. Nang maabutan niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko at pinagsagop sa kamay nya.

"Oo na lang..." ani ko. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nakaharap siya sa akin habang nakatitig sa nga mata ko. Hinawi niya ang takas na buhok sa aking mukha at isiningit iyon sa likod ng aking tenga.

"I'm so happy, Jane....really...I want everything be memorable between us..." I smiled. Iyon din ang gusto ko, na hanggang sa pagtanda namin ay naranasan namin ang mag enjoy ng ganito, na kami lang---masaya, nagmamahalan at sinusulit ang bawat araw na magkasama.

"We'll make our own happiness, wife...kasama ng mga magiging anak natin" tumulo ang mumunting luha sa aking mga mata na mabilis naman niyang pinunasan. Napayakap na ako sa kanya sa sobrang saya ko. Hindi ko alam kung pano ko ipapahayag kung gano ako kasaya, ramdam ng puso ko ang sinseridad niya at kasiguraduhan sa mga salita. Unti unti ay bumabalik ang tiwala kong nawala noon sa kanya.

"Hinay lang wife baka mabulunan ka..." napatigil ako sa pagkain nang sitahin niya ako. Inabot nya sa akin ang tubig at pinunasan ang gilid ng labi ko matapos uminom.

"Gutom kasi ako..." mataray kong saad, nakakairita lang dahil pinupuna nya ang pagkain ko . Mahina lang siyang natawa bago ipagpatuloy ang pagkain.

"Maico!!.." sigaw ko nang pabiro nya akong ihahagis sa pool, mabuti na lang at hindi niya tinuloy. Naupo lang kami sa gilid noon dahil katatapos lang naming kumain.

Iniikot niya ang braso sa aking bewang habang nakasandal naman ako sa kanyang balikat. Panay ang galaw ng paa ko na nakababad sa pool nang ipitin nya iyon. Napatunghay ako sa kanya at gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labi. Ilang saglit lang ay naglapat ang aming mga labi kasabay ng mahinang paghagod niya sa likod ko dahilan para mapapikit ako at madama ang kakaibang sensasyong nagsisimulang umakyat sa buong katawan ko.

Hapon na nang lumabas kami ng aming room. May iilan nang nagdadaan marahil ay mga galing iyon sa dagat o kalalabas din lang ng kani kanilang kwarto. Hinila ko na si Maico sa dining area nang makaramdam nanaman ako ng gutom.

"We'll eat later, wife....three hours pa lang ang lumilipas gutom ka na ulit..."

"Eh sa ginutom at pinagod mo ako eh!..malay ko bang aayain mo ako dito para lang gumawa ng bata!.." reklamo ko. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya nang mapatingin sa amin ang ilang nakarinig. Napalakas yata ang boses ko, hindi ko kasi mapigilan lalo na at nayayamot ako. Gusto kong kumain ulit ng sugpo at alimango.

"Naku eh kebabata pa, kelalandi na..." nanliit ang mata ko at matalim na tiningnan ang matabang babaeng nagsabi noon. Ano naman kung bata kami? Ikinaganda na ba nya iyong sinabi niya?. Wag nya akong sasabihin ng ganun lalo na at gutom ako baka sya mailitson ko at gawin kong hapunan.

"Come on, wife...hayaan mo na yan...we'll eat now okay?.." mahinahong saad ni Maico na syang ikinangiti ko. Muli ko pang tiningnan ang matabang babae na masama pa rin ang tingin sa akin. Inirapan ko lang ito pero nang makita kong lalapit ito ay agad akong yumakap sa braso ni Maico.

"Tara sa kwarto..." napatigil si Maico sa pagkain at napatingin sa akin nang sabihin ko iyon matapos kong makakain.

"Bakit?..may nakalimutan ka?.."

"Wala naman..." napaayos ako ng upo habang nilalaro laro ang puting mantle ng table. Itinuloy naman ni Maico ang pagkain pero napapatingin siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

"You know....ano..." napakunot ang noo niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng pag init ng katawan. Pano ko ba sasabihin to? Bakit kasi nararamdaman ko ito ngayon? Katatapos lang namin kanina pero heto nanaman ako..

"Is there a problem, wife?.." hindi agad ako nakasagot. Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng mantle. Nang tingnan ko siya ay nakatutok na ang buong atensyon nya sa akin. Napabuga ako ng hangin at umiling na lang.

"Wala...g..gusto ko ng magswimming..." nasabi ko na lang saka napatingin sa pool area. Uminom na siya ng tubig at hindi na tinapos ang pagkain. Hinawakan nya ako sa kamay saka na inaya akong maligo sa pool. Mabuti naman para mawala ang nararamdaman kong init.

Pagbaba namin ng pool ay impit pa akong napasigaw dahil sa lamig. Napatawa siya at sinabuyan ako ng tubig na tumama sa mukha ko. Napanganga ako sa gulat at matalim syang tiningnan nang makabawi. Sinabuyan ko rin sya pabalik pero mas maraming tubig ang tumatama sa akin kaya napatabon na lang ako sa aking mukha.

Naramdaman ko ang pagtigil nya ng pagsaboy sa akin at ang kamay nitong inaalis ang nakatabon kong kamay sa aking mukha. Napatitig ako sa brown niyang mga mata na matamang nakatitig din sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi habang hinahawi ang buhok na nagtatabon sa aking mukha.

Dahan dahang lumapit ang mukha nya sa akin saka ako marahang hinalikan. Magkahinang ang mga labi namin habang nakababad kami sa tubig. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay dalawa lang kaming naroroon. Parang may sarili kaming mundo. Mundo kung saan masaya kaming pareho at hindi alintana ang maaring sabihin ng ibang tao.

Vote. Comment. Share

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon