Chapter 40---fixing hearts

6.5K 109 5
                                    


Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing pumapasok sa isip ko kung gano kasweet si Maico. Nakakapanibago dahil kelan lang ay galit na galit sya sa akin after i lost our baby. He's really trying to make up our relationship and I'm ready to have another shot.

"Yung isa dyan parang baliw lang..ngiti ng ngiti.." napalingon ko kay Ate Janine na may nanunuyang tingin. Maging si Farrah at Gwen ay kapwa nanliliit ang mata sa akin saka mapapatingin kay Ellaine na tahimik lamang.

"Okay na ulit kayo ni Maico?.." tanong ni Gwen. I smiled and nodded sabay naman ang pagtayo ni Ellaine na diretsong lumabas ng classroom.

"Bitter talaga ni Ellaine..." ani Ate Janine.

"Ellaine is just concern about Allena, sobra pa sa sobra ang dinulot ni Maico sa cousin nya so she can't just accept Maico for Allena again...respect it Ate Janine..." pagpapaliwanag ni Gwen. Ate Janine just made a face at tinuon na lang ang sarili sa kanyang cellphone.

Sinundan naman ni Gwen si Ellaine while Farrah remains looking at me.

"I know I don't have right to tell you this after everything that I did pero kasi Allena, ingat ka, wag mong ibigay lahat,..nagawa mo na noon so please, matuto ka ng maglaan para sa sarili mo..." magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Ate Janine.

"Tama, wag bubuka agad...mahirap maging single mom.."

"We're married, Ate Janine..so pano ako magiging single mom?..and one more thing..hindi na mangyayaring maghihiwalay ulit kami." buong loob kong saad. Sisiguraduhin kong magiging ayos ang lahat, we'll never face separation again.

Five minutes before time ay nakarecieve pa ako ng sweet message from Maico which he usually does before. Namiss kong ginagawa nya ito, ipinapaalala nya sa akin through message how he really loves me that warms my heart.

"Ken's asking about you....nag aalala sya Allena, baka saktan ka nanaman ng gagong Maico na yun..wala syang magandang idudulot sayo." ani Ellaine nang kami na lang ang natira sa room after class.

"I know how you hate Maico, Ellaine but please...just be happy for me...ayaw mo bang nakikitang masaya ako?...pakisabi kay Ken, okay lang ako..." sagot ko bago ko sya talikuran.

"Wag na wag kang lalapit sa'kin Allena sa oras na paiyakin ka nanaman nya..baka masampal lang kita nang tuluyang matauhan ka...." mariin nyang sambit bago ako  makalabas ng classroom. Nakasisiguro akong magiging ayos na kami, bakit ba hindi na lang sila maging masya para sa akin?

I have a choice kung ano ang gusto ko sa buhay ko and i choose to be with the man I love. Walang masama doon, gusto ko lang maging masaya, gusto ko lang makasama ang taong kumukumpleto sa buhay ko.

"Kanina pa kita hinihintay..." napangiti ako nang makalapit kay Maico. Para itong batang nagmamaktol sa akin. He kissed me on the lips before putting the helmet on my head.

"May inasikaso lang....tara na?.." yumakap ako sa bewang nya at sumandal sa likod nya nang makasakay ako sa motor. Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa bago paandarin iyon.

"Oh, wala sila kuya Jared?.." tanong ko pagkarating ng apartment, patay kasi ang mga ilaw sa loob. He just shrug his shoulder while parking his motorcycle.

Nauna na akong pumasok ng bahay para buksan ang ilaw habang nakasunod naman siya sa akin.

"Hala nasan na ang switch?..Maico..." kinapa kapa ko ang switch button sa gilid nang pinto at pinindot iyon. Hindi nabuhay ang ilaw sa salas instead I was stunt as I saw a heart shaped lights in front of me. Maging ang floor ay may lights patungo sa center table na may candle at wine sa ibabaw.

"Happy anniversary Mrs. Santillan.." bulong niya sa akin. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at nakatuon ang baba nya sa balikat ko.

Hindi ko mapigilang mapaluha sa sobrang saya. He's making me fall in love even harder.

Napaharap ako sa kanya saka sya niyakap ng mahigpit.

"thank you....I love you so much Maico..."

"Mahal din kita asawa ko..mahal na mahal..."

Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. He reached for my lips and gently kissed me.

"Tara.." he held my hand as we walked toward the table. Hindi ko pa rin mapigilang humanga sa paligid. This romantic date at home is very heart melting.

"Sana lagi tayong ganito...hindi ko na talaga kakayanin pag nagkahiwalay ulit tayo..." ani ko. Inabot niya ang kamay ko at isa isang hinalikan ang mga daliri ko. Hindi maalis ang malalim na mga titig nya sa akin na mas nakakapagpabilis ng tibok ng puso mo at dahilan ng pagwawala ng nga paru paro sa tiyan ko.

"It won't happen again wife...i promise.." i'll hold on to that promise. Sa sinabi nyang iyon ay mas napanatag akong hindi na muli mangyayaring maghiwalay kami.

We spend the whole night with stories, jokes, foods and music. We danced to the rythm of a sweet music and kissed to seal this wonderful night.

"Good morning, wife..." i smiled upon hearing his voice. Kahit nakapikit ang mata ko ay alam kong nakangiti sya pabalik sa akin.

"How was your night?.." napatabon ako ng blanket sa mukha nang nanunudyong itanong nya iyon. Naramdaman ko ang magagaan nyang halik sa braso ko paakyat sa leeg at tenga ko. Natatawang umiwas ako at inalis ang tabon sa mukha ko.
Unti unting lumapit ang mukha niya habang nakapikit at pinagdikit ang ilong naming dalawa.

"I love you.." he whispered.

"I love you too.." nang magmulat siya ay nagtagpo ang mata naming dalawa. He quickly kissed me on the lips that followed by hundreds of kisses on my face.

Si Maico ang nagpapasaya sa akin ng sobra. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay naging maayos ang pagsasama naming dalawa. Sabi nya nga, magsisimula kaming muli. Sana lang wag na kaming magkasira ulit because i don't really know if we could able to fix it again.

___________________

Vote. Comment. Share

---Lovelots😘😘😘

Tears of a Wife..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon