😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉
Hindi mawala ang ngiti sa aming labi hanggang makabalik kami ng Calapan. Wala pa si kuya Jared at Ate Niz nang makarating kami ng apartment marahil ay nasa bakasyon pa rin sila. Ang alam ko ay lumuwas sila ng Batangas para doon magbakasyon pero pauwi na rin sila ngayon.
Nahiga ako sa kama pagpasok ko ng kwarto. Bukod sa pagod ay nakakaramdam ako ng pagkahilo isabay pa na nagkecrave ako sa durian. Tagprutas pa nga ngayon sa Victoria, sa aming bayan kasi maraming pananim na lanzonez, rambutan, durian, sinturis at iba pa.
Nang ipikit ko ang mga mata ko ay tuluyan na nga akong nakatulog. Nakita ko pa si Maico na may kausap sa cellphone, nakakunot ang noo niya. Gusto ko pa sana siyang tanungin pero talagang bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata.
Pasado alas syete ng gabi nang magising ako. Napakunot noo ako nang makitang madilim ang paligid. Kinapa ko ang katabi ko pero nag iisa lamang ako sa kama. Inabot ko ang cellphone ko na nasa tabi ko lang at binuhay ang ilaw noon.
Sumilip pa ako sa labas ng bintana nang mapansin kong wala ang motor ni Maico. Lumabas ako ng kwarto para siguraduhin kung umalis nga siya. Wala akong kasama sa bahay, siguro ay may binili lang si Maico kaya umalis.
Naupo ako sa couch at binuksan ang t.v.. Sinubukan kong tawagan si Maico sa phone niya pero out of reach naman. Nagsimula akong mainis, parang gusto kong batuhin ang maingay na telebisyon. Kinuha ko ang remote at pinatay ang t.v. saka ko pabagsak na inilapag pabalik sa mesa.
"Aish!..nasan na ba ang hinayupak na yun?.." bulong ko sa inis. Marahas na napakamot ako sa ulo idagdag pa na binabanas ako. Bakit ba ang init pa rin kahit gabi na?.
Wala pa rin sila kuya Jared, ang sabi nila ay ngayon ding araw ang uwi nila pero past eight na. Ngayon ko lang napansin na mahigit isang oras na rin pala akong naghihintay kay Maico.
Tumayo ako at nagbihis para bumili ng pagkain sa labas. Nagtext na rin ako kay Maico sakaling umuwi siya ng wala pa ako. Wala na rin kasing stock sa fridge since three days walang tao dito sa apartment. Pagdating ko ng robinsons ay nag grocery na ako ng mga gulay at prutas. Matapos makapaggrocery at makapagbayad ay pumunta pa ako ng inasal para umorder ng pang dinner namin.
Nakapila pa ako at namimili ng bibilhin nang madako ang tingin ko sa labas ng inasal. Mula roon ay nakita ko na seryosong kausap ni Shan si Maico. Palabas na ako para lapitan sila nang sumakay na sila ng motor kaya hindi ko na sila naabutan.
"Mam, tricycle?.." ani ng manong driver na nakatigil sa tapat ko. Sumakay na ako at pinahabol ang motor na papalayo pa lamang.
Tumigil ang motor sa bahay nila Shan. Napakunot noo ako nang makitang naroroon ang parents ni Steph ganundin si Roxy. Napansin ko naman ang blankong ekspresyon ni Maico habang si Shan naman ay may pag aalalang nakatingin sa bestfriend niya. Kinabahan ako at nagsimulang maglaro ang kung ano ano sa isip ko.
Nagbayad na ako sa tricycle driver at bumaba na. Nanatili lang ako sa labas ng bahay at hinhintay na lumabas ang asawa ko.
Bakit naririto ang parents ni Steph?. May nangyari ba? Pero bakit dito sa bahay nila Shan samantalang pwede namang sa mansion nila Steph.
"GAGO KA MAICO!..ANO NANAMAN ITO!!.." natigilan ako nang makita ko si Ellaine papalabas ng bahay.
"MANAHIMIK KA MUNA ELLAINE PWEDE?!..INTINDIHIN MO RIN SI MAICO!.." sigaw pabalik ni Roxy na nakasunod kay Ellaine.
"Pano ko iintindihin kung si ALLENA NANAMAN ANG KAWAWA DITO?!."
"Wag kayo dito magsigawan...baka may makarinig sa inyong iba..." suway ni Kuya Jared na lumabas na rin ng bahay. Napatago ako sa madilim na parte para hindi nila ako makita. Halos hindi ko na nga sila maaninag dahil sa nanlalabo na ang aking mata sa pag iyak at tanging sigawan na lang nila ang naririnig ko.
"Bakit?...katuwaan lang naman namin na balikan n i Maico si Allena tapos iiwan ulit....kasalanan ba nya kung TANGA yang pinsan mo at nagpabola kay Maico?.." ani Roxy.
Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Maico. Gusto kong sabihin niyang mali ang turan ni Roxy pero wala siyang imik.
"EH MGA HAYOP PALA KAYO EH!.." sigaw ni Ellaine. Susugurin nya na sana si Roxy nang pumagitna na si Maico.
"Umalis ka na Ellaine...hindi ko alam kung pano mo nalaman lahat pero wala na akong pakialam dun... Wala din akong pakialam kung sabihin mo pa ang totoo kay Jane...alam kong hindi maniniwala sayo yun dahil nagpapakatanga nanaman sya sakin..."
Itinaas ni Ellaine ang kanyang kamay para sampalin si Maico nang pigilan sya nito. Pilit inaalis ni Ellaine ang mahigpjt na hawak ni Maico sa pupulsuhan niya nang patulak siyang bitawan nito dahilan para maupo siya sa sahig.
Lumapit si Shan para tulungang tumayo si Ellaine pero tinabig nya lang ang kamay ni Shan at kusang tumayo. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Mag isa akong pinaglalaban ng pinsan ko sa harap ng mga taong walang tigil na sinasaktan ako.
Umalis na ako bago pa ako makita ng kahit sino sa kanila. Pagkarating ko ng apartment ay naiyak na lang ako sa aming kwarto. Bakit ganito niya akong itrato?. Bakit pinaparamdan niyang mahal niya ako gayong niloloko nya lang pala ako?.
Nakatulugan ko na ang pag iyak. Nang magising ako kinabukasan ay mag aalas syete na ng umaga. Sakto namang pumasok si Maico na may dala dalang breakfast. Nakangiti itong lumapit sa akin at nilapag ang paakain sa mesa na nasa gilid.
"Good morning, my wife.." parang tinutusok ang puso ko sa kinikilos at maging sa pananalita niya. Those sweet acts and sincere like words make me fall from his bait.
Sa halip na sagutin ay mahigpit ko lang siyang niyakap. Hinaplos niya ang buhok ko pababa sa aking likod saka ako hinalikan sa noo. Mariin akong napapikit, pilit pinipigilan ang maiyak. Why is he doing this to me?.
"Mahal na mahal kita Maico..." bulong ko.
"Mahal na mahal din kita asawa ko.." hindi ako kumalas sa yakap. Ayokong makita niyang umiiyak na ako.
"Ako lang Maico ha....walang Steph o kahit sino pa man...mangako kang ako lang..."
"Ikaw lang ang mahal ko, wife...ikaw lang..." mas humigpit ang yakap ko kung may ihihigpit pa. Isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib at ilang sandali pa ay tinunghay ko siya para salubungin ang titig nya.
"Natatakot ako...b..baka...m..maghiwalay ulit tayo...masakit kasi....sobrang sakit.." iyak ko. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na totoo lahat ng sinasabi at kinikilos niya pero natitigil iyon sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi niya kagabi.
"Wag mo akong sasaktan ulit Maico,...dalawa kaming mawawala sayo..."
Vote. Comment. Share.
BINABASA MO ANG
Tears of a Wife..
Romansa"Bakit ako? Bakit kailangang ako??.." ang sakit.ang sakit sakit lang.. wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at tanungin ang mga taong nasa paligid ko... Lahat sila'y nakatingin lamang sa akin. Walang sumubok na sagutin ang tanong ko. Puno n...